Chapter 8

337 19 4
                                    

BRACE's POV


8pm na and nandito pa rin kami ni Alexa. Naubos na ang pagkain na binili ko. Iuuwi ko na dapat siya kanina pero nagpapigil siya. Nakahiga lang kami ngayon dito at nakatingin sa mga bituin. Maliwanag din ang ilaw ng buwan kaya naman di kami nadidiliman dito.



"Brace."


"Hmm?"


"May alam ka ba sa tungkol lovelife ni Nash?" tanong nito sakin pero sa langit pa rin kami nakatingin.



Actually, oo. May alam ako sa tungkol sa babaeng unang minahal ni Nash bago si Alexa. Ang babaeng pinagselosan ni Alexa.


Si Sharlene.


Tandang tanda ko pa rin ang pag-uusap ni John at Nash tungkol dun.




FLASHBACK



Bago kami pumunta sa rehearsal sa studio noon para sa prod namin sa Showtime, nakatambay sa garden si John at Nash. Di ko sinasadyang marinig ang usapan nila.


"Bro, nakauwi na siya dito sa Pilipinas. Nung isang araw lang." narinig kong sabi ni Nash at halatang nagpapanic.


"Sino?" tanong ni John.


"Si Sharlene bro. Naguguluhan na naman ako." napahilamos siya sa mukha nya.


"So si Sharlene nga yung babaeng makakasama natin sa practice ng sayaw mamaya? Woah. Bro paano na? Diba andyan na naman si Alexa?"


"Oo andyan na nga siya. Pero pakiramdam ko, mahal ko pa rin si Shar. Bro ayokong makasakit ng babae. Ayokong masaktan si Alexa. Di niya dapat malaman 'to." shit Aguas. Wag na wag mong sasaktan si Alexa!


"Pigilan mo na hangga't maaari yang nararamdaman mo para kay Shar. Paano nga kung mahal mo pa siya pero si Sharlene naman, may mahal nang iba?"


"Yun na nga eh pero pucha naman! Kasalanan ko 'to eh! Kung di niya kami nakita ni Alexa sa car wash. Kung hinayaan niya muna akong mag-explain, eh di sana kami pa rin ngayon. Argh!" sinipa ni Nash ang halaman at biglang napaupo.


"Bro tamana! Di makakatulong yang pagmumukmok mo. Malalampasan mo rin 'to. Bahala na ang tadhana." umupo din si John ang hinawakan ang isang balikat ni Nash at nagsalita, "Kung kayo talaga, kayo talaga hanggang huli. Kahit anong mangyare, kahit anong pagsubok, kayo pa rin ang magkakatuluyan."





Off Cam [NashLene]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon