Chapter 6

298 15 3
                                    

Nash's POV



Kakarating lang namin ni John dito sa tambayan ng G5 from Tagaytay. Doon na rin kami nagpalipas ng gabi tutal nandun na din naman kami. Next time na lang ulit kami babalik.


Nauna nang bumaba ng kotse si John pagka-park ko ng kotse ko sa garahe. Naiwan ako sa loob. Hindi ko pa rin makalimutan ang pinag usapan namin ni Mama kagabi sa Tagaytay.




FLASHBACK



Nakatambay ako mag isa sa terrace ng bahay namin dito sa Tagaytay nang biglang dumating si Mama.



"Bakit mag-isa ka dito anak? Sina John nasa baba, nanonood ng movie." tanong sakin ni Mama.


"Wala Ma. Wala lang talaga ako sa mood manood."


"May problema ka ba anak?" bigla niyang hinawakan ang balikat ko. "Nandito lang si Mama para makinig."



Napabuntong hininga ako at biglang humarap kay Mama.


"Ma, nandito na ulit siya sa Pilipinas. Nakauwi na siya."



Nalaman ni Mama ang tungkol samin ni Sharlene noong umalis na siya. Sobrang nalungkot ako noon at hindi ko na nakayang itago kay Mama ang nararamdaman ko. Sa kanya ako nagshare, umiyak at naglabas ng emosyon.



"Ma, ano bang dapat kong maramdaman? Diba dapat masaya na ako para sa kanya. Diba dapat wala nakong nararamdaman pag nakikita siya? Diba dapat masaya na ako kasi may bago na ako, at may bago na din siya? " sunod sunod kong tanong kay Mama.


"Kung hindi ka pa rin ganoon kasaya nung nakita mo siyang may iba, kung naaapektuhan ka pa rin sa kanya kahit may bago kana, isa lang ang ibig sabihin nun."


"Ano po yun, Ma?"


"Baka mahal mo pa rin siya."





END OF FLASHBACK



Napahinga ako ng malalim at lumabas na ng kotse. Pumasok na ako sa loob ng tambayan ng G5 ng biglang may nagsalita.



"Oh ayan na pala yung magtuturo ng sayaw sa inyo!" napaangat ako ng ulo at nakita ko si Brace na nakatingin sakin at nakangiti na para bang may pinapahiwatig.

Off Cam [NashLene]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon