*the story of us*
.
>Gjglenn_28
.
.
Journal entry-©29
.
(Kent's Entry/POV)
.
"Oh President, kailan na tayo mag memeet? Wala pa po tayong concept para sa welcome party." ...one of my co-officers
.
"Yeah Kent. Ano na?" ...Katniss
.
"Fine. Ngayon na.!" .ako.
.
Ayan nagmemeeting nga kami kaso hindi ko kayang mag concentrate sa agendas namin. Sumasang-ayon lang ako sa kung ano ang gusto nila. Nakakainis naman kasi oh. Hindi ko siya maiwasang isipin. Kung sino ang tinutukoy ko? Si Alhexx. Hindi ko kasi alam kung bakit siya ang nasa isip ko. Kamakailan ko lang napagtanto na katulad pala siya ni Iyana. Ang dumb ko talaga. Nung araw na niyakap niya ako? Iyana usually hugs me para patigilin ako sa mga bagay na hindi niya gustong ginagawa ko. At ganun din si Alhexx sa akin. Binigyan din niya ako ng pink na panyo that time. Inisip ko na coincidence lang yun. Simula nung araw na yun, lagi kong naaalala si Iyana kay Alhexx. Mahal ko si Iyana. Mahal na mahal. Kahit na may iba na siyang mahal. But now, whenever I think about Iyana, I remember Alhexx. Naguguluhan na ako. Maybe Alhexx is the only one who's there during the time na miss na miss ko si Iyana kaya siguro bigla bigla na lang siya ang maiisip ko pagdating kay Iyana. Ang gulo noh? Ako rin talaga naguguluhan.
.
"What do you think Mr. President?!" ...Venice
.
"Huh?" ..me
.
"Are you with us? Sabi ko, okay ba na Hollywood ang theme natin sa welcome party,?" ..ven
.
"Ah yun ba ang gusto ng majority? Kung yun nga sige! Just go with it!" ..me
.
"So yun! It's final guys! What about the setting? It's should be blah blah blah. " ...si Katniss na yung nag- e-explain. Bahala na kayo diyan.
"*huk* Kent! Itigil mo na yan please. t-tama n-na! *huk*" . . . Biglang nag play agad iyan sa isip ko. Hindi ko talaga maipaliwanag ang naramdaman ko that time. Ang hirap ng ganito nababaliw na ata ako. Tinignan ko yung picture namin ni Iyana pag-uwi ko galing sa sea side. Parang bakit ganun? Naiinis ako sa kanya. Naiinis ako kay Iyana. Kung dati, sarili ko ang sinisisi ko, ngayon siya na. Pero mahal ko talaga siya. Ang tanga ko talaga. Pero ano sa akin si Alhexx? Ang gulo. Nalaman ko pa kay Kat na nagkasakit daw si Alhexx. Hindi ko alam kung bakit automatic na nagdrive ako papunta sa bahay nila. Tumatawag ako pero walang sumasagot sa loob. Kaya naman pumasok na ako, hindi naman kasi naka-lock yung pinto. Luminga linga ako sa paligid, at nakita ko yung Family Picture nila. Ang cute niya pala nung bata siya. No wonder naman na maganda siya. So may kapatid pala siyang lalaki, pero mas bata sa kanya.(*BLAAAG!*) ..May narinig akong nabasag sa itaas kaya naman agad akong tumakbo pataas at doon nakita ko si.
.
"Alheeeeex!!!" ..mabuti na lang at nasapo ko siya. Matutumba na sana siya that time eh. Nagkatitigan kami. Ang lakas ng tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung bakit.
.
"Alhexx What happened?!" ...sabi nung isang lalaking nasa pinto ng room ni Alhexx. Kaya naman nagulat ako kaya't nabitawan ko si Alhexx, nagsorry naman ako at tinulungan siyang makatayo. Familiar sa akin yung lalaki. Ah siya yung niyakap ni Alhexx sa School noon. Yung missed na daw niya. Kung kapatid niya ito, di ba dapat mas matanda si Alhexx? Ah baka boyfriend niya. (*) may parang kumurot naman sa puso nun. Ang saya nilang tingnan. Nag haharutan tas nagbabangayan. Nakalimutan na nga yata nilang nandito ako eh.
"Ahemmm!"
.
"Uyy Kent ano palang ginagawa mo dito?" ...si Alhexx yan. Sabi ko na nga eh nakakimutan na nilang nandito ako. Ang totoo niyan, gusto ko lang siyang dalawin. Titignan kung okay na siya. Pero mukhang okay naman siya eh. Ang saya pa niya. Mabuti nalang dala ko yung panyo niya. Kaya yun na lang ang dinahilan ko. Ayaw nga niya atang nandon ako eh, kaya nagpaalam na lang ako, tapos um-oo lang siya. See? Ayaw nga niya. Sabagay, sino ba ako? Kaibigan niyang naglalabas lang ng sama ng loob at problema sa kanya. Hanggang sa pagbaba ko, naririnig ko yung tawanan nila sa itaas. Now I know. Napatunayan ko na sa sarili kong, Mahal ko pa rin si Iyana, pero may gusto ako kay Alhexx.
.
.
(Andrew's entry/POV)
.
Ang sarap ng tulog ni Alhexx. Napaka-peaceful niyang tignan habang natutulog. Kumusta na kaya ngayon sa school.? Hindi ko naman kasi maiwan si Alhexx mag-isa dito. Kasi aalis lang ako saglit eh, may nangyayari agad. Bumili lang ako ng ulam don sa baba kanina, pag balik ko may ibang tao na dito. At natumba pa siya. May katigasan din kasi ng ulo itong Alhexx na ito. Pasalamat siya, mahal ko siya. Oo halata naman diba? Nagpaparamdam na nga ako sa kanya, pero ang manhid niya sobra. Sabi pa niya, umalis na daw ako, at yung taong gusto ko raw ang bantayan ko. Eh kung siya naman yung taong yun. See? Manhid talaga. Pero nakapag desisyon na ako. In regards to our friendship, mag co-confess na ako sa kanya. Baka maunahan pa ng iba. Wish me luck guys.
BINABASA MO ANG
The Story of Us
Teen FictionWe met for a reason. And that reason is the so-called LOVE. They say love is the one thing we are capable of perceiving that transcends time and space. Others may say, love is a feeling of a strong and constant affection. Tss =___= constant affectio...