Frances (P.O.V)
"Hmmmmm" ungol ko habang unti unting minumulat ang aking mata. At pagkamulat ko agad ako nasilaw sa ilaw na bumungad sakin kaya napapikit ako ng mariin. At ng dinilat ko ulit tumingin ako sa aking kanan ay may nakita akong isang lalaking natutulog at hawak ang aking kamay. At nagulat ako si Hiro pala ang lalaking ito.
Ang himbing ng tulog nya. Siguro napuyat to kakabantay sakin. Sabi ko sa isip ko.
Tinitigan ko na lamang ang mala anghel nyang mukha. Napaka tangos ng ilong at ang pilikmata nya ay may pagkamahaba din. At dumako ang mata ko sa kanyang labi na manipis na animoy kulay rosas sa sobrang pula noon.'Tapos kana ba tumitig Frances?" Nakapikit na sabi nya dabay ngisi. At ako naman ay nagulat at biglang namula sa sobrang hiya. Kaya nag iwas ako ng tingin at sya naman ay umayos ng upo.
"Ok naba pakiramdam mo? Gusto mo ba ng makakain? Ikukuha kita. May masakit ba sayo sabihin mo lang? Tatawag ako ng doctor agad agad." Mabilis na sabi nya at ako naman ay natatawa nalang sa sobrang pag aalala nya.
"Aba!may gana ka pang tumawa sa nangyari sayo. Nag aalala na nga ako dito na baka may masakit sayo tapos tinawanan mo lang ako" sabi nya at bumalik.sa pagkakaupo. Nakita ko naman syang naka pout at nakasimangot. Ang kyutttt *O*
Kaya umayos ako ng upo at inabot yung mukha nya na sya namang kinagulat nya.
"Hmmm! Wala naman masakit sakin Hiro ee. Oo nagugutom ako pero hindi naman gaano. Saka wag kana mag alala ok lang ako. Wag kana mag tampo. Sorry na natatawa lang naman kasi ako sayo eh sorry" sabi ko habang hawak padin yung mukha nya at sya naman ay namumula habang nakatitig sakin.
"O-oo na o-okay na kasi ikaw eh nagaalala lang naman ako pinag tawanan mo pa.! Osya wait lang bibili muna ko sa labas ng makakain mo dito ka lang saglit lang ako." Sabi nya sabay halik sa noo ko at ginantihan ko sya ng matamis na ngiti.
Pagkalabas nya ng pinto ay umayos nako ng higa.para makapag basa ng libro.at kinuha ko iyon sa tabing lamesa na nasa kanan ko.
Nagulat ako kasi biglang namatay ang ilaw kaya agad akong napabangon. At alam kong sa oras nayon ay may taong pumasok na agad namang nagpalakas ng tibok ng puso ko.
"Hiro! Ikaw bayan? Wag moko lokohin sorry na bati na tayo pls!" Mangiyak iyak na sabi ko.
At nagulat ako kasi may tumutok nq kutsilyo sa leeg ko na nakapag patulo ng luha ko.
"W-wag p-po!" Umiiyak na sabi ko.
"Frances! Alam mo ba na malaki ang naging kasalanan mo sakin huh?" Pabulong na sabi nya habang tinanggal na nya ang pagkakatutok ng kutsilyo sa leeg ko.
"Hi-hindi po! A-no p-po ba a-ang ka-kasalanan ko sainyo? At tinatakot n-nyo ko?" Umiiyak na sabi ko. At bigla naman nya kong sinakal.
"Hindi mo alam? Huh?? Malaki.malaking malaki"sabi nya na halos tumalsik na sa mukha ko yung laway nya. At saka nya tinaggal ang pagkakasakal nya sakin. At ako naman ay na paubo at nag habol ng hininga sa ginawa nya.
At paglingon ko bigla nya kong sinampal at duon na walan ng malay.
**************
Hiro(P.O.V)
"Magugustuhan kaya to ni frances?"tanong ko sa sarili ko sabay taas ng hawak kong supot.At habang naglalakad ako may nakabangga akong isang lalaking naka itim as in itim lahat suot nya.
Hindi man lang sya lumingon at nagpatuloy lang sya sa paglalalad nya. At ganun nalang din ang ginawa ko at binaliwala.Pagkapasok ko nakita ko si frances na natutulog kaya inayos ko muna ang pagkain na binili ko para sakanya.
Pagkalapit ko..........
********
BITIN??? ;)HOPE YOU LIKE IT
BINABASA MO ANG
Im Inlove with my Childhood Friend
Teen FictionMeet Frances Gaile Alcantara she is a kind girl,lovely,caring and also with a beautiful HEART. She had a Childhood Friend name Dwayne Matthew Zy. He is a snob type person,ungentleman,cold hart guy. but he is too handsome and a prince i her school. P...