5th

15 0 0
                                    

Sabi nila yung mga tahimik at mahinhin daw na tao, nasa loob ang kulo. Yung tipong hindi mo aakalain na may magagawa silang pagkakamali.


Ganon na ba ako? Ni minsan hindi ko naisip na yung mga ginagawa ko ay masama na pala sa paningin ng iba. Wala naman akong masamang intensyon pero kung husgahan nila ako parang nakapatay ako ng tao.


"Malandi ba ako?" tanong ko kay Samantha. Nandito kami sa may open ground at nakaupo sa grass. Nadismiss kasi kami ng maaga ng kanya kanya naming prof.


"Ba't ka ba nagtatanong ng ganyan? May nagsabi ba sayo na malandi ka? Sabihin mo sakin kung sino! Ipaparape ko!" sigaw niya. Baliw.


I covered her mouth with my hand for the fear that someone might hear what she's saying. They might think that my bestfriend is a lunatic.


"Shut up! Hindi ganon yun. Basta sagutin mo nalang."


"Hindi ka malandi. Bakit? Nagkaboyfriend ka na ba? Hindi. Malaswa ka ba manamit? Hindi. Nang aagaw ka ba ng boyfriend ng iba? Hindi. Nakikipaglandian ka ba sa mga lalaki? Hindi rin. So anong problema mo?" sabi niya. Tinaasan niya pa ako ng kilay. Sungit.


Huminga ako ng malalim bago magsimulang magsalita. Hindi ko rin sigurado kung bakit ko ba 'to tinatanong sa kanya eh alam ko namang yan ang sasabihin niya.


"Kasi ano. Si Kedric yung pinakagwapo sa batch natin tapos kaclose ko pa siya. Si Dexter naman MVP sa basketball varsity team tapos lagi kong kasama.Ngayon naman si Stan na volleyball varsity player at magaling magbadminton ang lumalapit sa akin." sagot ko sakanya. Now that I've said it, it doesn't seem like a big deal anymore. I feel pathetic.


"You said it yourself. Sila ang lumapit sayo. Wala ka ng kasalanan dun kasi hindi mo naman sila pinilit. Hayaan mo na yung mga nagsasabi nyan sayo. Inggit lang sila kasi close friends mo yung tatlo sa maraming lalaki sa batch natin. Let them be."


I was speechless. I didn't know if I should've said something else. As I leaned my back against the tree, I realized she was right. I shouldn't care about what other people think about me.


"Hi girls," masayang bati ni Jess na kakadating lang kasama si Dex. Close na pala yung dalawa kasi parehas sila ng circle of friends. So most of the times, the four of us would eat and hangout together. Kapag busy naman silang lahat, si Stan yung kasama ko. Ewan ko ba pero parang iba na yung pagtingin sakin nun.


"May dala kayong food?" masigla kong tanong. Yan kasi ang usapan namin. Pwede lang sila sumama sa amin kapag may dala silang pagkain o manlilibre sila. Kami naman, pwede lang kami magpasama sa kanila kapag susundin namin yung gusto nila. Usually naman they ask for hugs and anything sweet but friendly.


"Favorite mo 'to diba Zelle?" tanong ni Dex na nakaupo sa tabi ko. Inabot niya sa akin yung isang box ng cupcakes. Red Velvet Cupcakes with Cream Cheese topping! I nodded my head yes to answer his question. Napangiti naman siya dun at kumain narin sila.


Nag usap usap lang kami tungkol sa mga school activities bago umuwi. Hinatid pa ako ni Dex sa sakayan ng jeep bago siya umuwi. Sweet.


Pasakay na ako nung bigla akong hinila ni Sam. Napatingin naman ako sakanya ng nagtataka. Bakit kaya 'to biglang nandito? Ang alam ko susunduin siya ng ate niya eh.


"Tara sa Jollibee. Treat ko," sabi niya bago pa man din ako magtanong.


So ayun nga, pumunta kami sa isang fast food chain malapit sa university. Hindi na ako nagreklamo kasi libre niya.


"Bakit may isa pang Watermelon Coke Float?" tanong ko sakanya na sinagot niya lang ng isang ngiti.


We ordered three drinks and three burgers pero hindi ko alam kung para kanino yung pangatlo. So hindi ko na pinansin at kumain nalang ako.


"Hi Krizelle," narinig ko. Lumingon ako sa likod at nakita ko si Stan na naglalakad palapit sa amin.


Pagkaupo niya ay siya namang pagtayo ni Sam. Pumunta siya sa may balcony at kumindat sa akin. Naiwan kami ni Stan na nagtititigan. Ngayon ko lang siya nakita ngayong araw, hindi ata pumasok eh. Namiss ko 'tong lalaki na 'to.


"Ba't di ka pumasok?"


"May sakit kasi yung kapatid ko, sinamahan ko sa bahay," sagot niya.


Nagkulitan lang kami at nag asaran habang kumakain. Alam ko na kung saan pupunta yung usapan kaya medyo naeexcite ako. Kung sakali mang mangyari yun, hindi na ako pagpapakipot pa.


"Uhm. May tanong ako sayo," sabi niya na nagpakaba naman sa akin.


"Ano yun?" tanong ko kahit alam ko naman na yung itatanong niya.


"Krizelle, pwede ba kitang ligawan?"


Ngumiti siya sakin kahit na halata namang kinakabahan din siya. Halos 3 months na kaming magkaibigan at noon palang naramdaman ko na. Siguro iisipin ng iba na ang babaw ko pero wala na akong pakialam. Hindi kasi nila alam kung gaano siya kasweet.


"Relasyon ang pinapatagal, hindi ang panliligaw," sagot ko.


"So tayo na?"


Ngumiti ako sakanya bilang sagot. Napatayo naman siya at nag Yes! Tinawanan ko siya kaya natauhan siya at bumalik sa pagkakaupo.


Nagvibrate yung cellphone ko kaya kinuha ko yun agad. Nagtext pala yung stepmom ko.


From: Tita Jeziel

Umuwi ka na.


Kinabahan naman ako dun. Baka kasi isumbong niya ako daddy na lagi akong late umuuwi. Nasa Brazil kasi siya, nagtratrabaho.


"Kailangan ko na umuwi," sabi ko. Nakabalik na pala si Samantha sa upuan niya. Umalis na kaming tatlo dun at bumalik sa school para ihatid si Sam sa kotse ng ate niya.


Hinatid din ako ni Stan sa sakayan ng jeep. Boyfriend responsibilities daw.


Bago ako sumakay sa jeep ay hinila niya ako. Anong meron at mahilig ata sila manghila ng tao ngayon?


Lumapit siya sa tenga ko at bumulong. Tatlong salita lang yung sinabi niya pero napangiti na ako ng todo.


"I love you."

Behind Her SmileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon