4th

20 1 0
                                    

Ang malas ko talaga. Ang malas malas ko. Okay naman na sa akin na may girlfriend si Kedric pero yung makakasama ko pa silang dalawa? Oh hell no.


Alam mo yung feeling na nakikita mo si crush na ang sweet sa ibang babae? Yung tipong hindi mo maiiwasang titigan sila tapos kapag napatingin sila sayo automatic na ngingiti ka ng pilit?


Oa na, alam ko. Pero iba parin kasi talaga. Syempre siya yung pinaka unang friend ko sa university na 'to. And I totally admit na may pagka possessive ako.


Wala akong karapatan magselos kasi alam kong hindi naman kami. Hindi ko naman kasalanan na naging crush ko siya eh.


"Hi Krizelle. Ang ganda mo ngay," sabi ni Tiffany sa akin. Siya yung girlfriend ni Kedric.


Ngumiti lang ako sa kanya at bumati. Mahiyain nga kasi ako tsaka ang awkward kaya.


Maganda talaga siya, nakakaintimidate. Mabait din naman pala si Tiff kaya okay na siya sa akin. Medyo.. uhm.. high spirited siya kaya nahihirapan ako makipagsabayan sa kanya since tahimik lang naman akong tao.


Nakakasama na ulit namin sila ni Kedric pero mas madalas parin kaming magkasama ni Dexter. Lagi din kaming magkatext nung lalaking yun. May pagka sweet pa nga eh. Hindi ko nalang pinapansin.


"Anong balita?" tanong ni Samantha sa isa naming kaklase, si Stan.


Ewan ko kung anong sumapi dito sa bestfriend ko at pinapabantayan niya yung boyfriend niya. Oo, sila na ni Jess. Mas nauna pa siyang nagka love life kesa sa akin.


Seatmate ni Jess si Stan kaya siya yung laging tinatanong ni Sam. Nagmukha tuloy siyang spy.


"Wala naman. Tingin ka sa kanya bilis," sagot ni Stan.


Sabay kaming tatlo na lumingon at tumingin sa kanya. Napataas nalang ang kilay ko nung nakita kong ngumiti at kumindat pa si Jess. Ang sweet, nakakasuka.


Pagkatingin ko sa harap ko, nagpipigil si Stan ng tawa. Anong problema nito?


"Anong nakakatawa ha?"


"pfft. Ikaw. Hahaha," at ayun. Hindi na niya napigilang tumawa ng bonggang bongga.


Umalis na ako ng room dahil wala namang ibang ginawa yung dalawang yun kundi asarin ako. Mas mabuti ng mag isa ako noh.


Pumunta ako sa gym para sana humiga sa may bleachers kaso may training pala yung varsity team. Umupo ako dun sa pinaka taas malapit sa score board at doon nagbasa ng libro.


"1 word, 2 lips, 3 4 5 fingers form 1 fist.

1 corner, 2 parents, 3 4 5 reasons to hide.

1 child, 2 eyes, 3 4 17 years of fear.

A broken broomstick, a pair of wild faces, angry whispers, locks on my door.

Behind Her SmileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon