2nd

21 1 0
                                    

Days passed and I was starting to feel the intensity of being in college. Ganito pala talaga kapag nasa university ka na. Halos araw-araw may assignments, quizzes, at activities tapos yung mga projects binibigay na kahit kakasimula palang ng sem.


Days passed and patuloy lang akong nakakakita ng mga gwapo sa building namin. I mean, may mga babae namang engineering students pero mas agaw pansin talaga ang charisma ng mga guys dito.


Ang tunay na gwapo, lakad palang nakakamagnet na ng babae. Yung tipong may angas pero cool lang, yung confident pero humble parin. Ganon si Kedric eh.


Days passed and laging nauulit yung scene namin sa may steps ng gazebo. Tatabi siya sa akin at sabay kaming kakain pero hanggang dun lang yun. Bihira lang kaming mag usap pero hindi awkward.


Hindi ko alam kung bakit pero feeling ko ayaw sa akin ng mga tao. Kung makatingin kasi sila parang naghahanap sila ng bagay na mali sa akin. Naghahanap sila ng pwedeng laitin.


Buti nalang at mabait yung seatmate kong babae na si Samantha. Naging bestfriend ko na nga siya eh. Siya lang kasi yung babae sa classroom na hindi maarte at hindi maingay.


Nakwento din niya minsan na may crush siya sa isang guy pero hindi ko naitanong kung sino at kung taga saang section. Siguro ngayon ko na malalaman.


"Sam, sino na yung crush mo?" tanong ko sa kanya.


Bigla naman siyang napatingin sa akin na nanlalaki ang mga mata. She gestured me to keep silent and I just rolled my eyes at her. Hindi siya dapat mag-alala kasi wala namang makakarinig... unless nandito sa room yung guy na yun.


"Nandito siya 'no? Ituro mo dali," pangungulit ko.


She looked around the room full of men laughing with their own circle of friends. Nakita na niya siguro yung crush niya kaya lumapit siya sa akin at bumulong.


"10 o'clock. The one with glasses."


Pasimple akong tumingin sa direksyon na sinabi niya at hinanap yung naka glasses daw.


"Si Jess? Loko loko kaya yun!" I whispered to her. She just smiled at me na parang may binabalak. Evil.


Hinila ko yung upuan niya palapit sa akin at hinarap ko siya. Nakipagtitigan muna ko sa kanya para malaman niyang seryoso ako.


"One day, there was a girl who was very good that she can pass as an angel. She met a guy who was the total opposite of her. And just like any other story, they fell in love. The girl believed that she would be the one who would change him into a better person. Plot twist? The guy only played with her feelings. He left her with a broken heart," kwento ko sa kanya ng dahan dahan.


"Anong point mo?" sabi niya sa akin ng nakataas ang isang kilay.


May mga tao talaga na kahit iexplain mo ng paulit-ulit, di talaga nila nagegets. Hindi ko alam kung magulo ba ako magsalita or talagang hindi niya lang talaga naintindihan.


"Will that be your story?" tanong ko.


Napasimangot naman siya bigla pagkarinig sa tanong ko. She looked down and started to play with her fingers which is a sign of her uncertainty. Binatukan ko naman siya at napasigaw pa siya sa sakit.


"Uhm, excuse me. Miss, okay ka lang ba?"


Jess walked toward Samantha and they stared at each other. Being the best friend that I am, I told him that Sam hasn't eaten anything yet. The result? Jess asked her out to lunch.


Hindi dumating yung prof namin kaya umalis na ako at pumunta sa student lounge, baka sakaling makasama ko pa si Kedric. Bumili pa ako ng chips para may makain habang naghihintay.


"Hi Zelle," narinig kong sabi niya. Kilalang kilala ko na yung boses na yun.


"Kedric! And.."


"Ah! Si Dexter nga pala, friend ko," pagpapakilala niya dun sa kasama niya. Lumapit naman siya sa akin at nakipag handshake. Is it just me or is this guy checking me out?


So we spent an hour just sitting together while eating the food they bought. Nagpapatawa naman silang dalawa kaya hindi boring. For the first time, I actually enjoyed being surrounded by laughter and noise.


"You look better when you're smiling. I like your dimples," biglang sabi ni Dex.


Natigilan naman ako sa sinabi niya. These are the rare moments when people tell me that I look good. Napansin ko namang natahimik si Kedric kaya napatingin ako sa kanya. Nagulat ako nung makita kong nakatingin pala siya sa akin.


"I'll go ahead. May class pa pala ako."


Pinanood naming umalis si Kedric at tumakbo papasok sa building. Baka naman malalate na siya?


After namin kumain, hinatid ako ni Dex papunta sa next class ko. He's a Fine Arts student pala. He enjoys music daw kasi kaya yun ang napili niyang course.


Honestly, gwapo naman siya eh. He's tall pa because he belongs to the university's basketball team. He's not that bad.

Behind Her SmileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon