6th

20 0 0
                                    

"Okay class, debate tayo," agad na sinabi ni Ma'am pagkapasok niya palang sa room. Napaayos kami ng upo kasi medyo strict siya pero mabait naman.


"About what po?" tanong ng isa kong kaklase. Ang alam ko siya yung laging first honor sa batch namin.


"Gender. Girls versus boys tayo ngayon. Go," sabi ni Ma'am kaya medyo napasimangot ako. Konti lang kasi kaming mga babae dito hindi lalagpas ng 20.


So we gathered at the left side of the room while the boys stayed opposite us. The professor gave us 5 minutes to gather our thoughts. Nagform kami ng isang malaking circle at nagsimulang mag brainstorm. Naririnig pa namin yung mga lalaking tumatawa, sumisigaw, at nagtutulakan. Hindi naman siguro sila masaya noh?


"Time's up! The debate will start with the girls," sigaw ni Ma'am sabay turo sa aming mga girls. Agad namang tumayo yung isa naming classmate.


"Mas important ang girls kasi we give birth to new lives," sabi niya. Tumayo naman si Jess at ngumiti dun sa babae ng nakakaloko.


"Kung walang boys, paano kayo mabubuntis?" tanong niya sabay tawa ng mga lalaki. Nakipag apir pa siya sa mga katropa niya.


"Kung walang girls, sinong magpapanganak sa inyo?" girls.


"Ate kilala mo si Adam? Lalaki ang unang ginawa ng Diyos," boys.


"Dahil kay Eve kaya dumami ang mga tao," girls.


"Dahil sa sperm cell kaya nabuntis si Eve," boys.


Mabilis na nagpalitan ng mga salita ang mga kaklase ko. Wala kasi akong maisip kaya nanahimik nalang ako dito sa likod. Nakikitawa at nakikisigaw nalang ako bilang suporta sa mga girls sa class.


"Kung walang girls, edi wala kayong minamahal ngayon," sabi ko. Nag eenjoy na kasi kaming lahat kaya nakisali na ako. Wala na akong pakialam kahit kanina pa ako tinitignan ni Kedric.


Nagulat nalang ako nung biglang tumayo si Kedric at kumindat sa akin. Tinaasan ko siya ng kilay bago tumingin kay Tiffany. Nakatingin na pala siya sa amin.


"Kung walang boys, sinong magmamahal sa inyo?" sabi naman ni Kedric.


Natahimik kaming lahat na parang nag iisip. Hindi lang naman lalaki ang nagmamahal sa amin ah? Pero syempre iba parin talaga yung mamahalin ka romantically.


After a few seconds of dead silence, nagtinginan yung mga boys at biglang nag asaran at nagtulakan. Kahit kelan talaga masyadong masaya ang mga lalaki.


Biglang nagring yung bell kaya dinismiss na kami agad ni Ma'am. Pagkalabas ko ng room nakita ko si Dex na nakatayo malapit sa lockers.


"What are you doing here?" tanong ko sa kanya. Usually naman kasi dun na kami nagkikita sa may gazebo.


"Waiting for you, obviously. Gusto lang kita makita," he said before looking down.


Behind Her SmileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon