Yakap yakap ang aking mga libro sa Pisika at Matimatika, habang nagmamadali naman ang aking paglakad papunta sa silid aralan. Lakad takbo kong tinungo ang kinaroroonan ng pintuan at sinilip ko pa roon kung nandiyaan naba ang aming guro sa Filipino. Napahinga ako ng malalim ng makitang walang kahit na anong bakas na naroroon si Mrs. Abellar.
"Psst, narinig mo na ba?"
Pagka-upo na pagka-upo ko palang ay iyon na ang binungad sa akin ng aking kaibigang si Amelia. Napakunot naman ang aking noo at inayos ang aking pag upo.
"Bakit? May nangyari ba?" Naguguluhan at naiintriga kong tanong pabalik sa kanya. Lumapit ito sa akin at may ibinulong sa aking tenga.
"Si Eliza at Andres, mukhang hiwalay na. Narinig ko mula kay Emilio na mukhang may ipinagkasundo na pala sina Don Fransisco at Doña Valentina para kay Andres."
Hindi naman ako nakakibo.
"Oh, bakit hindi ka manlang nabigla? Alam mo na?" Agad akong umiling at umiwas nalang ng tingin kay Amelia.
"Sa bagay, talaga namang wala ring patutunguhan ang pagmamahalan nilang dalawa. Langit si Andres, habang si Eliza naman ay lupa. Sino ba namang magulang ang papayagan ang kanilang anak na maging nobya ang anak ng isang hamak na tagagawa ng kopra?"
Napatingin ako sandali kay Amelia.
Bigla ko siyang pinaupo ng maayos ng makita ko si Eliza na papasok sa aming silid aralan. Halata sa mukha nito ang lubusang lungkot. Lugmok na lugmok rin ito at namumula ang mata na tila kakaiyak lamang. Hindi ko na nakikita ang palagiang ngiti na ginagawad nito sa buong klase kapagka darating ito. Tila ba hindi na siya ang kilala kong Eliza at ang kababata kong napakamasayahin. Tila ba pasan-pasan nito ang mundo.
"Kawawang Eliza, halatang wala siyang tulog."
Hindi ko na napag aksayahang lingunin si Amelia dahil sa binulong nito. Subalit ginawaran ko na lamang ng simpleng ngiti si Eliza ng umupo ito sa tabi ko.
"Ayos ka lang ba?" Nag aalala kong tanong.
Alam ko namang hindi siya ayos. Ngunit kahit sa simpleng tanong ko lang ay baka maibsan ang sakit na nararamdaman niya.
Simple niya akong ningitian ng pilit at hinawakan ang kamay ko.
"Maaari mo ba akong samahan sandali?" Sandali naman akong napaisip. Ngdadalawang isip kung pagbibigyan ko ba siya sa hiling niya.
Napabaling ako kay Amelia na ngayon ay abala na sa pakikipag kwentuhan sa iba pa naming kaklase.
"Halika"
Inaya ko na si Eliza at lumabas kami sa silid aralan. Nagtaka pa nga si Amelia kung saan kami pupunta ngunit sinabihan ko siya na babalik rin naman kaagad ako.
Tinahak namin ang may kalakihang na hardin sa Unibersidad, may iba't ibang mga bulaklak at mga upuan na pwedeng pagpahingahan ng mga estyudante.
Umupo kami sa isa sa mga upuan roon. Nakiramdam lamang ako sa kung ano ang ginagawa namin rito ngunit nasagot rin naman agad iyon ng mapansin kong humihikbi na si Eliza. Kaagad ko namang dinamayan ang matalik kong kaibigan. Hinaplos ko ang likod niya, nagbabakasaling maibsan nun ang sakit at lungkot na nararamdaman niya.
"Ang sakit. Sobrang sakit, Maria. Mahal namin ang isa't isa ngunit tila ba ay tutol naman ang lahat sa amin. Talaga palang napakahirap mahalin ng isang Andresano. Tila ba tingin sa akin lahat ng tao ay isang basahan na hindi bagay sa sahig pangmayaman."
Nakikiramay ako sa duguang puso ni Eliza. Gusto ko man siyang tulungan ay wala akong magagawa. Talagang wala.
"Huwag mong isipin iyan, Eliza. Kilala kita, matapang ka. Anak ka kaya ni Nanay Isay at Tatay Juan. Malalampasan mo rin ito. Alam kong gagawa ng paraan si Andres upang ipaglaban ka kung talagang iniibig ka niya."
BINABASA MO ANG
Kung Di Rin Lang Ikaw (CASTILLON 1)
RomanceMaria Galellea, a beautiful young woman, faced a tough decision when her mother insisted she marry the son of the powerful Castillon family. Despite secretly loving him, she couldn't bear to come between her best friend and her childhood sweetheart...