KABANATA 8: AKALA KO MAHAL MO NA AKO

34 27 4
                                    

Simula ng araw na iyon ay hindi na nagpakita sa akin si Andres. Hindi ko alam kung nasaan siya at doon ko lang nalaman ng sabihin ni Donya Valentina na pinadala pala ni Don Fransisco si Andres sa Buenavista para asikasuhin iyong lupang dati nilang pinag-awayan ng kanyang ama. Maglilimang araw na at kahit anino niya ay hindi ko makita. Sa susunod na linggo ay aalis na rin siya para pumunta sa states. Siguro huwag ko ng bigyan pa ng importansya ang nangyari sa amin. Tiyak rin naman akong wala lang iyon sa kanya. Inilabas niya lang ang lahat ng galit niya sa akin. Wala naman talaga siyang pakialam.

Napangiti na lamang ako ng matamis ng makita ko ang mga batang masayang kinakain ang spaghetti na niluto ko pa mismo para maging meryenda nila ngayong araw. Tatlong araw narin simula ng magsimula akong magturo sa Hope Haven. Halos buong araw at oras ko ay dito ko iginugol sa Ampunan. Umuuwi lang ako sa bahay, minsan kina mama at papa pagpapadilim na. Mas ramdam na ramdam ko kasi ngayon ang kalungkutan. Ngayon ko lang napagtanto na mas mabuti pang ibigay ko ang oras ko at panahon sa mga batang naririto. Ramdam na ramdam ko pa ang kasiyahan. Iyong totoong kasiyahan.

“Mrs. Castillon, kumain ka na po. Kanina pa kayo nagtatrabaho. Baka malipasan kayo ng gutom” napangiti ako at tinanggap ang ibinigay ni lilyth na isang pinggang spaghetti. Sinimulan ko iyong kainin habang nakikipagtawanan sa mga bata.

“Alam mo po, gustong gusto ko magkaroon ng iyong doll na nagsasalita.” Masayang turan ni Anding sa akin habang labas pa ang kulang na ngipin nito sa unahan. Kinurot ko ng marahan ang pisngi niya at hinawakan ang kamay niya at ngumiti.

“Bibilhan kita bukas ng ganoon. Pati rin iyong ibang bata.” Mas lalong lumapad ang ngiti ng mga bata. Halos sabayan nilang sinasabi ang mga nais nilang laruan. Pero isa lang ang nakaagaw ng pansin ko, may isang batang nagsabi na gusto niya ng nanay at tatay. Sa hindi malamang dahilan ay napangiti ako.

“babye ate Maria! Bukas po ulit!”

“Iyong lauran po wag niyong kalimutan!”

“Bye po ate Maria!”

Isa-isa ko silang niyakap at hinalikan sa noo. Hindi ko alam pero ang gaan ng pakiramdam ko. Mas nakakaramdam pa ako ng totoong pamilya sa Hope Haven. Mag aalas-sais na ng napagpasyahan ko ng umuwi. Hinihintay ko ang sundo ko pero hindi pa ito dumarating. Hanggang sa may isang kotse na pumarada sa harapan ko. Hindi iyon ang sundo ko at hindi rin naman pamilyar sa akin ang sasakyan. Pero napangiti ako ng makita ko si Gabriel at si Andoy. Kaagad ko silang niyakap.

“Hala, bat narito kayo? Ikaw Andoy, bakit nandito ka, akala ko ba nasa states ka na? Ang dami mong pera ha para magpabalik-balik ka rito sa pinas” sabay tawa ko pa.

“Ano ka ba, ginagawa ko lang Hermosillo at Baybay ang Pinas at Amerika”

“Nako, ang sabihin mo ay namimis mo lang talaga ako” singit pa ni Gabriel na kinukuha ang dala kong bag. Nagpasalamat naman ako sa kanya habang pinapapasok ako sa loob ng sasakyan.

“Hoy, anong miss. Eh si Maria lang naman ang namimis ko. Sino ka ba?” Pang-aalaska pa ni Andoy sa nakakabatang kapatid.

“Kainis talaga to” nagtawanan kami ni Andoy dahil napipikon na naman si Gabriel.

“Nga pala, Maria. Diretso na tayo sa bahay ninan Tita at Tito Fransisco ha. May handaan kasi doon kasi mahal na mahal nila ako kaya ayon, nagpa lechon” nagtawanan pa sina Gabriel at Andoy pero ako ay hindi ko magawa. Ang dapat sanang ngiti ay nauwi sa ngiwi.

Pagkarating ka pagkarating namin sa mansyon ay halos ayaw kong umapak palabas ng sasakyan. Nauna na si Andoy ngunit si Gabriel ay hinihintay pa ako.

“Maria, ayos ka lang?” Napatango ako at napangiti ng pilit. Tila ba nauubusan ako ng hangin. Kinalma ko muna ang sarili ko bago ko napagpasyahang pumasok na sa loob. Naroon naman si Gabriel sa gilid ko at bago paman kami makapasok sa main door ay nahagip na ng mata ko ang taong halos limang araw ko ng hindi nakita. Hindi ko namalayang napatigil pala ako sa paglalakad. Hindi ko alam ang dapat na iakto gayong kung tutuusin ay ito ang unang pagkakataon simula ng huli naming pagkikita na parehas kaming nasa tamang huwisyo.

Kung Di Rin Lang Ikaw (CASTILLON 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon