KABANATA 4: PAGPAPARAYA

41 30 14
                                    

Napatitig ako sa repleksyon ng aking mukha sa salamin, pinilit kong ngumiti ngunit mabilis din naman iyong nabura.

Mabilis na lumipas ang panahon at oras na lamang ang bibilangin at sasabihin na sa mga tao ang kasalang magaganap sa susunod na mga araw.

Magara ang aking kasuotan. Hinabi pa mula sa Europa. Ganoon ang paghahandang ginawa ng pamilya ko at pamilya Castillon. Ito ang unang hakbang patungo sa pag iisa ng Castillon at Clemente.

Tila ba ako ay nakalutang sa ulap sa mga oras na ito. Hindi dahil sa kasiyahan kundi dahil sa paghihinagpis. Ayokong pakasalan si Andres sapagkat hindi naman ako ang laman ng puso niya. Ang huli naming pag-uusap ay doon sa ospital at sa tingin ko ay hindi kami nagkaunawaan at tiyak na galit siya sa akin noong malaman niyang ako mismo ang nakiusap sa mga magulang niya na maikasal mismo sa kaniya.

Narinig kong bumukas ang pintuan ng aking silid at nakita ko roon ang aking ina at mukhang galit.

Agad kong pinunasan ang aking mga luha at ngumiti ng matamis sa kanya.

"Pasensya napo, mama. Medjo sumama lamang po ang pakiramdam ko."

Kinuha ko nalamang ang aking susuoting sapatos at sinumulang suotin ito. Habang sinusuot ito ay nagulat ako ng maramdaman ko ang yakap na bumalot sa aking buong katawan. Hindi ko magawang magsalita dahil sa bilis ng pangyayari.

Napansin ko nalang ng maisara ang pintuan at narinig ko ang boses ng aking ina sa labas.

"Bilisan mo na at huling huli na tayo sa pagdiriwang."

Hindi ko mapigilang mapaiyak at napayakap sa aking sarili.

Minsan lang mangyari ang ganito. Ang pagyakap sa akin ng aking ina at maramdaman ang mainit na hatid nito sa akin. Alam kong masaya siya. Masayang masaya at natatakot akong bawiin ang kasiyahang iyon.

NAKAKASILAW ang mga magagarang ilaw sa mansion ng mga Castillon. Kitang kita iyon ng aking mga mata. Maraming tao at tila ba inaabangan ng lahat ang aking pagdating.

Iilan lamang ang nakakaalam na ako ang napiling ipakasal sa unico ijo ng mga Castillon, at ngayon ay malalaman na ng lahat iyon.

"Maari pa tayong bumalik sa bahay, anak."

Napatingin ako kay papa na ngayon ay katabi ng tagamaneho. Tinignan ko naman si mama at nag-iintay na sitahin si papa ngunit tahimik lamang ito sa aking tabi. Napatitig ako sa aking kulay Asul na bestida. Hindi ako sanay na magbestida, lagi kong iniisip noon ay hindi ito nababagay sa akin. Pero ngayon ko lang napagtanto na maayos naman pala ito.

"Itutuloy ko po ito."

Naunang lumabas si mama at papa. Nagpaiwan ako sandali at napagpasyahang sa likod bahay dumaan. Ayokong makaagaw ng atensyon. Gusto ko munang makita si Andres at marinig ang opinyon niya sa mga nangyayari at mangyayari.

Pagbukas ko ng pintuan sa kusina ay halos abala ang lahat sa pagluluto. Halos wala ngang nakapansin sa akin hanggang sa napansin ako ng isa sa mga kasambahay. Nanlaki ang kanyang mga mata at hinila ako papasok.

"Bakit ka rito dumaan, Maria? Hindi ba at dapat sa harapan ka? Kanina pa naghihintay lahat sa iyo base sa narinig ko. Pumanhik ka na roon sa hardin, at naghihintay na lahat sa iyo."

Napasilip ako sa sala at napahinga ng malalim ng mapansing walang tao roon.

"Nasaan po si Andres?"

Marahang tanong ko. Tinuro nito ang ikalawang palapag kung saan naroon ang isa sa mga silid ni Andres. Kaagad akong umakyat roon at tinungo ang silid nito. Kinakabahan kong kinatok ang pintuan. Ngunit wala akong narinig mula roon. Pinihit ko ang siradora at sa awa ng diyos ay bumukas ito. Pumasok ako at nakita ko si Andres na nakatayo sa may balkonahe ng kanyang silid kung saan tanaw ang kanilang hardin.

Kung Di Rin Lang Ikaw (CASTILLON 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon