KABANATA 3: PASYA

42 30 11
                                    

Napahawak ako ng mahigpit sa mga kamay ni tatay Juan. Ningitian ko siya upang kahit gaano ay gumaan naman ang kanyang pakiramdam. Narito ako sa kuwarto niya kung saan siya na ospital.

"Anak, pasensya ka na sa nangyari. Hindi ko lubos maisip na maaaksidente kami ng iyong ama. Lubos akong humihingi ng kapatawaran."

Unti unting tumulo ang mga butil ng luha ni tatay Juan. Nakita kong sinsero ito sa paghingi ng tawad na kung tutuusin ay wala naman talaga itong kasalanan sa nangyari.

"Huwag na po kayong humingi ng tawad, tay Juan. Wala naman po kayong kasalanan. Kasalanan ko po lahat ng ito. Kung sana ay pinigilan ko na lamang si Eliza at Andres ay hindi ito mangyayari. Pasensya napo, tatay, nanay Isay." Halos lumuhod na ako sa harapan ng kama na kinahihigaan ni tatay Juan ngunit biglaan naman akong pinigilan ni nanay Isay. Talaga namang may katotohanan lahat ng sinasabi ko. Kung sino man ang dapat sisihin rito ay ako iyon. Tama si mama, ako ang may kasalanan ng lahat. Ako ang lubos na mas nakakaalam pero wala akong ginawa.

"Ano ka ba, Maria. Wala kang kasalanan. Ginawa mo lang ang sa tingin mo ay tama. Ang gusto ko lamang ngayon ay ang makauwi si Eliza at gumising na si Don Luisito. Namimiss ko na ang anak ko. Ilang beses na kaming pinagbantaan ng mga Castillon, kung hindi lalayuan ni Eliza si Andresano ay lalo kaming gagapang sa hirap."

Ganito nga ba kalupit ang mundo? Hindi ko masikmura ang nangyayari. Ngunit kahit gustuhin ko man ay wala akong magagawa. Ayaw ko man ay wala akong pagpipilian. Ayaw ko namang pati ang pamilya ko ay malagay sa alanganin. Mahirap kalaban ang mga Castillon. Iba sila kung maglaro.

"Hindi niyo po dapat pinagdadaanan ito. Wala naman po kayong ginawang hindi kaaya-aya sa mga Castillon. Pasensya napo nanay Isay, kung mayroon lamang akong magagawa ay matagal na akong kumilos."

Niyakap ako ng mahigpit ni nanay Isay at hinagod ang buhok ko. Nakaramdam ako ng pagkalungkot. Alam kong nahihirapan na din sila sa nangyayari. Akala ko ay tama ang naging desisyon ko. Pero mukhang nagkamali ako. Hindi ko na pala dapat pang hinayaan si Eliza na makipagtanan kay Andres. Sana ay walang nangyaring ganito. Hindi sana naghihirap ang mama ko, hindi sana nakaratay at walang malay ang ama ko, sana ay hanggang ngayon ay makakalakad pa sana ng maayos si tatay Juan, at sana ay hindi naghihirap si nanay Isay.

Sabay sabay kaming napatingin sa pintuan ng bigla itong bumukas. Tumambad roon si Eliza. Lupaypay ito at namumula pa ang mga mata. Tumayo ako at nagpaalam na kina nanay Isay at tatay Juan. Hinayaan ko na siya sa pamilya niya. Bago paman ako nakalabas ay nagtagpo pa ang aming mga mata at alam kong marami siyang nais sabihin ngunit sa tingin ko ay hindi pa ito ang tamang oras para doon. Pagkalabas ko sa pintuan ay naglakad na ako papalayo ngunit napatigil ako ng marinig ko ang pamilyar na boses na iyon.

"Maria"

Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses. Nakita ko muli ang kanyang mala anghel na mukha. Ang kanyang mga mata na kulay kastanyo. Ang lalaking ilang beses man akong sinaktan ng palihim ay hindi ko magawang burahin sa aking puso.

Walang emosyon ko siyang tinignan. Hindi ko rin mabasa ang kanyang mukha. Mukhang napipilitan lang siya. Nakasuot ito ng kulay puting pang itaas at kita roon na nabibilad siyang lagi sa araw dahil bakas ang hindi pantay na kulay ng kaniyang balat sa itaas na bahagi ng kanyang braso na natatakpan ng kaniyang damit.

"Bakit?" Sinlamig ng yelo na aking wika.

"Kamusta ang papa mo?"

Napabuntong hininga ako at umiwas ng tingin. Ayaw ko mang aminin ngunit may epekto parin sa akin si Andres. Mahal ko siya, simula pa noon hanggang ngayon.

"Hindi pa siya nagigising. Iyan lang ba ang pakay mo? Dahil kung wala na ay aalis na ako."

Nakita ko ang dagling kalungkutan sa mukha nito. Bakit siya malulungkot? Hindi siya dapat malungkot dahil kung tutuusin ay tumakas sila para maging masaya. Tapos na akong palaging tulay para sa kanilang dalawa ni Eliza. Pagod na pagod na ako. Siguro naman ay panahon na para malaman nila iyon.

Kung Di Rin Lang Ikaw (CASTILLON 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon