KABANATA 5: MRS. CASTILLON

42 30 7
                                    

Tila ba panaginip lamang ang lahat.
Tila ba kamakailan lang nangyari ang naganap na engrandeng handaan para sa kasalanang magaganap. Ngunit ngayon ay narito na ako sa loob ng sasakyan at hinihintay na lamang ang hudyat mula sa simbahan.

Kinakabahan ako.
Napatingin ako sa aking mga kamay. Nanginginig ang mga ito. Sinubukan kong pigilan iyon gamit ng pagtiklop nito ngunit wala rin namang epekto.

Napatingin ako sa gilid ko kung saan ang pintuan ng kotse ng bumukas ito. Nakita ko ang aking tiyahin sa ama na si Tiya Esmeralda. Ngumiti ito sa akin ng pagkatamis tamis na tila ba siya ang ikakasal sa araw na ito.

“Kinakabahan ka ba?” Kay lamyos na tanong nito sa akin ngunit pinilit ko namang ngumiti ngunit nauwi lamang iyon sa ngiwi

“Huwag kang kabahan. Isa ito sa mga napakamemorableng araw sa buong buhay mo. Dapat ay masaya ka-“

Hindi natuloy ni tiya Esme ang kanyang sasabihin ng may lalaki ang tumawag ng atensyon nito. Sumilip naman ako para makinig sa pinag-uusapan nila.

“Maghintay pa po raw tayo ng kaunting oras ma’am, hindi pa po kasi dumarating ang lalaking ikakasal.”

Mas lalo pang tumindi ang aking kaba dahil sa narinig. Nakita ko ang pagbaling sa akin ni tiya Esmeralda at ngumiti ito ng tipid at saka sinarhan ang pintuan ng kotse Tila ba takot na marinig ko ang mga pag uusap nila tungkol sa magiging asawa ko.

Napabuntong hininga na lamang ako sa nangyayari. Dapat ang kasalang magaganap ay kanina pang nagsimula. Halos trenta minutos na akong nag aantay. Kung susumahin nga ay matagal-tagal na sapagkat sinadya kong magpahuli dahil sinigurado ko ang aking sarili kung tama ba ang pumunta pa rito.

Ngunit narito na ako, pumunta ako. Pero si Andresano naman ang wala. Ngunit sa tingin ko naman ay alam ko na kung nasaan siya. Tiyak akong hinihintay niya si Eliza, sapagkat iyon ang kanyang sabi noong marinig ko sila. Ngunit sino pa ba ang hihintayin niya? Hindi niya ba alam na lumisan na si Eliza at ang kanyang mga magulang upang magpakalayo layo upang takasan ang kahihiyang dinulot ni Eliza sa Hermosillo? Sa tingin ko ay wala siyang alam.

“Maria, maghintay ka na muna ng ilang sandali pa. Sinusundo na si Andres ng kanyang ama at ng ama mo kasama sina Andoy at Gabriel.” Napatingin ako kay Tiya Esme. Tila ba awang awa ito sa akin sapagkat tila ba hindi na ako sisiputin ng mapapangasawa ko.

Ano na kaya ang nangyayari sa loob? Kung hindi pa darating si Andres pag lumipas ang iilan pang mga minuto ay hihilingin ko na lamang na itigil ang kasalang ito. Ano pa at wala si Andres.  Ano ba ang mayroon si Eliza na wala ako? Halos araw araw kong tinatanong iyon sa aking sarili simula ng malaman kong may pagtingin si Andres kay Eliza.

Hindi ko alam kung anong nakita ni Andres kay Eliza na wala sa akin. Ni halos ay sabay sabay naman na kaming lumaki. Kasing bait naman ako ni Eliza. Masipag sa pag aaral, ako pa nga lagi ang mas lamang kay Eliza noon sapagkat lagi lamang siyang ikalawa sa lahat ng bagay. Sa mga sinasalihan naming patimpalak, sa pag-aaral at kahit nga sa mga kaklase namin.

Ngunit sa lahat ng iyon, bakit si Eliza parin? Mas nauna kong ipinaramdam kay Andres na mahal ko siya, pero si Eliza parin ang pinili niya. Ano ba ang kulang sa akin?

“Maria? Umiiyak ka ba?” Nabigla ako sa sinabi ni Tiya Esme at pupunasan ko na sana ang umaagos na bubutil ng luha sa aking mga mata ng pinigilan ako nito

“Itong panyo at gamitin mo. Ano ba at umiiyak ka. Masisira ang ayos ng mukha mo, kung inaalala mo si Andres ay huwag ka ng mag alala. Nasa loob na siya.”

Halos hindi pa ako makapaniwala sa tinuran ni tiya sa akin. “S-Si Andres ho?”

“Oo, sino pa ba? Halika na at tuloy na tuloy na ang kasal ninyo. Huwag ka ng malungkot diyan.” Tinulungan ako nitong makababa sa kotse sapagkat halos hindi ko madala ng maayos ang aking trahe de Buda sapagkat napakagara niyonbinila pa mula sa Italya ng aking mga magulang

Kung Di Rin Lang Ikaw (CASTILLON 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon