“Nako naman, Maria. Tuwing punta mo nalang dito ay iyak ka ng iyak. Ano ba’t tawagan mo nalang kaya ang dahilan ng pag-iiyak mo para mapanatag na ang puso at utak mo.” Pinahid ko ang mga luha na naglalandasan sa aking mga mata.
Naririto na naman ako sa bahay ni Amelia. Wala kasi akong ibang mapuntahan. Hindi ko naman kayang maglagi sa bahay sapagkat mas lalo lamang akong nalulungkot roon. Halos maga-apat na buwan na simula ng umalis si Andres. Balita ko ay masaya naman siya sa States, masipag mag-aral. Ayoko naman ng malaman iyon pero hindi ko naman mapigilang marinig dahil halos lahat ng nakapaligid sa akin ay bukambibig si Andres.
Alam ko namang hindi naging maganda ang huling pag-uusap namin. Narinig ko siyang kausap ulit si Eliza, hindi ko naman alam kung nagkita nga ba sila. Siguro naman ay oo. Maaga akong pumunta sa Hope Haven nung araw na iyon, pero bago ako umalis ay wala si Andres. Pero umasa parin naman ako kahit papaano, may iniwan akong sulat sa kanya pero pag-uwi ko ay talagang umasa akong sana, sana ay naroon siya at hinintay niya ako at binasa niya ang sulat ko. Pero wala, walang Andres sa bahay. Wala na rin ang maleta niya at iilang gamit nalang niya ang naiwan. Hindi ko alam, sa tingin ko ay hindi nga niya manlang binasa ang sulat ko dahil mukhang hindi naman iyon nagalaw.
Wala eh, talagang nung mga panahon na iyon ay umaasa na akong hindi siya tumuloy sa states at pinuntahan niya nga si Eliza. Pero ilang araw nun ay sinabihan ako ni Doña Valentina na naroon na raw sina Andoy at Andres sa U.S. Nung mga panahon na iyon ay hindi ko alam ang ikokonklusyon. Kung ano ba ang mga nangyari dahil sa totoo lang ay napakabilis ng mga nangyari. Akala ko ay magkasama ba si Eliza at Andres. Akala ko ay tuluyan na akong iiwan ni Andres. Hindi ko manlang napakinggan ang paliwanag niya. Siguro ay masama ang loob nun sa akin. Pero mas masama ang loob ko, hindi man lang niya naisipang umuwi at kamustahin ako.Pero iilang beses naman din siyang tumawag pero hanggang ngayon ay wala parin akong lakas ng loob na sagutin ang mga tawag ni Andres. Hindi ko alam ang dapat kong maramdaman tuwing kinakamusta niya ako sa pamamagitan ng mga magulang niya. Tila ba nawiwindang narin ang mga desisyon ko sa buhay. Oo, namimis ko siya pero wala akong sapat na lakas ng loob para ipakita iyon at iparamdam sa kanya iyon. Kasi sa loob-loob ko ay naroon pa rin iyong katotohanang mahal niya pa rin si Eliza at handa niyang iwanan ang lahat para sa kanya.
“Amelia, Buntis ako.” Titig na sabi ko kay Amelia. Nakita ko ang panlalaki ng mga mata niya at napatingin sa tiyan ko. Bigla siyang napatakip sa bibig niya at niyakap ako.
Ito rin ang isa sa mga dahilan kung bakit hindi ko maharap-harap si Andres. Apat na buwan na akong buntis. Wala pang nakakaalam liban na kay Amelia. Ayoko munang malaman ng mga magulang ko, ng mga magulang ni Andres at lalo na siya mismo. Hindi ko kasi alam at hindi ako handa sa magiging reaksyon niya. Sa pagkaka-alala ko ay pinainom niya ako ng gamot nung matapos niya akong angkinin pero hindi ko na nagawa. Natatakot akong sabihin niyang mas lalo niya akong kinamumuhian dahil nagdadalang tao ako na kung tuutusin nga ay para sa kanya ay isang pagkakamali.
“Totoo ba? Nako, dapat sabihin mo nga ito kay Andres! Teka! Tatawagan ko siya-“ biglang napakunot ang noo ko sa sinabi niya.
“Bakit may numero ka niya?” Nakita kong napangiwi siya sa tanong ko.
“Oh, huwag kang mag-isip ng masama. Kinuha niya mula kay Emilio ang numero ko. Lagi siyang tumatawag para tanungin sa akin kung nagkikita ba tayo at kinakamusta ka. Alam mo, sa tingin ko ay may nararamdaman na sa iyo si Andres, hindi naman siguro mag-aabala pa iyong taong kamustahin ka kung wala siyang pakialam sa iyo.”
Napabuntong hininga na lamang ako at napahawak sa manipis na umbok ng aking tiyan. Hindi naman ako nag-iisip ng masama. Bakit naman ako mag-iisip ng masama. Tsaka baka isipin ni Amelia na nag-seselos ako. Nako, hindi ah. Bakit naman ako magseselos?
“A-Ayoko muna. Hihintayin ko nalang na siya mismo ang makaalam.” Hindi ko alam kung bakit, pero siguro ay dala ng aking pagbubuntis o sadyang natatakot lamang talaga ako. Natatakot ako sa magiging reaksyon ni Andres pagnalaman niya lahat. Iyong pagbubuntis ko, hindi ko alam kung tatanggapin niya o hindi.
“Nako naman, ako ang napapagod sa inyong dalawa. Siya sige kung ano ang desisyon mo. Basta kung may problema nandito lang ako. Tsaka huwag mo masyadong pinapagod ang sarili mo at baka makasama sa bata.” Tumango na lamang ako sa sinabi ni Amelia.
Napaisip ako, paano kung malaman ni Andres? Mamahalin niya ba ako o gaya pa rin ng dati ay kakasuklaman niya na naman ako?
BINABASA MO ANG
Kung Di Rin Lang Ikaw (CASTILLON 1)
RomanceMaria Galellea, a beautiful young woman, faced a tough decision when her mother insisted she marry the son of the powerful Castillon family. Despite secretly loving him, she couldn't bear to come between her best friend and her childhood sweetheart...