KABANATA 2: PAGOD NA AKO

49 31 13
                                    

Mabilis ang paglipas ng panahon. Halos mag iisang buwan narin ang lumipas ng huli akong nakarinig ng bali-balita mula sa paligid tungkol kay Eliza at Andres. Noong mga unang mga linggo, kalat sa amin ang tsismis na nagtanan sina Eliza at Andres, ang sabi sabi naman ng iba ay nabuntis ni Andres si Eliza at nagpakalayo-layo, ang iba naman ay sinabing itinakwil na ang kaisa-isang tagapagmana ng mga Castillon dahil mas pinili nito ang isang hamak na dalagang wala namang maipagmamalaki ni kahit kakaunti kung ihahambing sa yaman ng mga Castillon.

Umugong nga ang mga haka-hakang iyon sa Hermosillo ngunit ng lumipas ang panahon ay agad din namang unti unting nawalang parang usok.

Hindi natuloy ang plano ng pamilya ko at plano ng pamilya ni Andres na kami ay ipagkaisang dibdib. Ano pa ang saysay ng kasalang iyon kung wala naman ang kanilang unico ijo. Hindi naman din malaking bagay sa akin iyon sapagkat mas nanaisin kong mas maging masaya sila kaysa ikasal nga sa akin si Andres pero nasa kay Eliza parin naman ang kanyang atensyon at ang kanyang puso. Parang pinagmumukha ko lang tanga ang sarili ko.

Simula pa noon ay halos sabay sabay na kaming nagsilakihan. Naalala ko pa dati, tuwing sabado at linggo ay palagiang nasa bahay namin si Eliza habang si nanay Isay naman ay naglalaba sa bahay namin. Lagi nga kaming naglalaro ni Eliza kung hindi sa aking silid ay doon kami laging naglalagi sa likod bahay kung saan may puno kami ng sampalok at mangga. Laging iyon ang kinakain namin tuwing meryenda. Nilalagyan namin ng bagoong na gawa ni nanay Isay ang mangga.

Sobrang lapit namin ni Eliza sa isa't-isa noon. Halos hindi nga kami mapaghiwalay. Kung anong mayroon ako ay gusto ko ay mayroon din siya. Mas lalo pang nadagdagan ang mga kaibigan ko ng maging kaibigan namin si Gabriel at Andoy. Naalala ko pa dati na ang taba taba pa ni Gabriel at may bulok na ngipin pa dahil laging kumakain ng tsokolate. Habang si Andoy naman ay palaging palasalita. Siya nga talaga ang nagpapasaya sa amin. Lagi nga kaming pinagkakaisahan ni Andoy noon. Pero mabait naman talaga si Andoy talagang minsay ay pilyo nga lamang ito.

Noong sabay sabay na kaming tumuntong ng trese, doon na dumating sa buhay namin si Andres. Pinsan siya ni Gabriel at Andoy, may lahi siyang kastila dahil ang nanay niya ay purong kastila habang ang tatay naman niya ay may dugong ruso. Naalala ko pa, ayaw na ayaw kong kausapin siya kasi ang tahimik niya at hindi ko siya maintindihan. Marunong naman siyang mag ingles pero mas lalo ko siyang hindi maintindihan. Pero kalaunan ay natuto narin naman siyang magtagalog. Lumipat ang pamilya nila sa Hermosillo mula sa Berlin, marami silang negosyo, malaki ang bahay nila. Doble sa laki ng bahay namin. Ang nanay niya ay dating aktres sa Espanya habang ang tatay naman niya ay isang businessman at isang abogado.

Lumipas ang mga taon, halos sabay sabay na kaming lumaking lima. Ako, si Eliza, si Gabriel, si Andoy at si Andres. Labing pitong taong gulang ako noon, napagtanto ko sa sarili ko na gusto ko si Andres, sino ba namang hindi mahuhumaling kay Andres? Mula sa kulay kastanyo niyang mga mata, sa napakatangos niyang ilong, sa napakabait niyang ugali at higit sa lahat ay anak siya ng gobernador ng Hermosillo. Halos lahat ng mga kababaihan ay may gusto sa kaniya. Pero gayon din ang pagkalugmok ng aking puso ng mapansin kong tila ba gusto rin ni Eliza si Andres.

Hindi ko alam ang gagawin ng mga panahong iyon. Ano ba ang dapat isaalang alang ko? Ang pagmamahal ko para kay Andres o ang pagkakaibigan namin ni Eliza? Napagtanto ko ang lahat at isinampal sa akin ng katotohanan iyon. Hindi na dapat pa akong pumili, sapagkat bakas na sa tinginan nina Andres at Eliza na mayroon silang pagtingin sa isat isa. Mahirap mang tanggapin ngunit wala akong magagawa. Kaya kong makuha lahat ng aking naisin ngunit hinding hindi ang puso ng isang taong may iniibig nang iba.

Simula noon ay doon ko napagtanto na walang patutunguhan ang pagsinta ko para kay Andres. Mahal ko siya, oo. Pero hindi ako ang mahal niya. Kaya tanggap ko na sa sarili ko na hanggang doon na lamang ako, at ang pagtingin ko sa lalaking unang nagpatibok ng puso ko.

Kung Di Rin Lang Ikaw (CASTILLON 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon