03

29 0 0
                                    

Sumakay ako at umupo sa passenger seat.
"Saan po tayo sir? Ano to taxi? Come here idiot." Sabi niya at tinapik tapik ang shotgun seat.

Lumipat ako sa shotgun seat at tumitig lang siya sakin. Problema nito?!! "What?" na guguluhan kong tanong. "Your seatbelt." Sabi niya. "Ohh!! Wait kasi. Atat? Tsk!" Inis na sa sabi ko. He just chuckle a bit na para bang iniinis ako!!

"Raggy I'm curious bakit mo ko pinost?" Tanong niya sakin habang nag mamaneho.

"Tbh, prank ko sana mga kaibigan ko that time na may bf nako ganoon. Eh kasamaang palad di naman kita kilala and ikaw yung na pili ko. Ayon ganoon kabilis" pag kwe-kwento ko sa kaniya.

"Ahhh prank... so pinili mo ko because? I'm good looking? Or I'm your type?" Napangisi siya habang sinasabi niya sakin to.

"Kilabutan ka nga!!! Pinili ko lang naman yon kasi no choice. Duh!" Maarte kong sabi. Di ko lang masabi na siya type ko HAHAHAHA

"Turn left then ayon na yung samin." Pag turo ko ng daan.

"Omgggg may cat!!!!!" Sigaw ko kasi may pusang tatawid!! Jusko.

"What the fuck Raggy?!! Lower your voice! Ouch" sabi niya habang naka hawak sa tenga.

Nang malapit na kami sa bahay namin sabi ko kay Jayce na huwag akong i hatid sa mismong bahay namin kasi nga ma iissue ako!!!

"Dito nalang. Baka asa labas mami ko ma issue pa tayo." Kalmado kong sabi.

"So? Di ka naman na lugi sa pogi ko ba namang to." Pag mamayabang niya sakin.

"Huu!! Cheee! Tigil tigilan mo ko. Baba mo nako." Binaba niya ko sa may convenience store at bumaba rin siya upang bigyan ako ng payong. "Here, take this. Mag kasakit ka pa, ako pa sisihin mo." Sabi niya sakin.

Papasok na sana si Jayce sa sasakyan. Huminto ito at bumalik sakin. "May nakalimutan ka?" Tanong ko.

Tumingin lang siya sakin at sinabing "meron, kiss." Hinalikan niya ko... hindi ako nakapag salita dahil sa ginawa niya!!! "I'm off Louie" he said and smile at me.

What the fuck is happening?!!!! I was too stunned to speak. Like literally speechless. Naging bato ko for a minutes. That bitch!!!

I ran to my house and change my clothes because na basa. Habang nag papalit ako hindi ko matanggal sa isip ko yung kiss na yon...

Bakit? Para ano? Hindi ako makatulog noong oras na yon kakaisip doon. It's 10;36PM na pero di pa rin ako nakakatulog.

Nagulat lang ako ng tumunog ang phone ko.

@lucasie messaged you.

I checked his message. "Hey, how's the meet up?" He messaged.

I replied "it's awkward:<"  paano naman kasi yung paparazzi!!! Paparazzi... putangina!!!!

PUTANGINA WHAT IF MAY PAPARAZZI NUNG KINISS AKO NI JAYCE?! No... no... no!!!! Sa sobrang paranoid ko di nako nakipag usap kay Lucas.

Nagising ako kinaumagahan dahil sa katok.
"Ano?!! Aga aga eh!!" Sabi ko habang nakapikit.

"HAPPY BIRTHDAY BESHYY KO!!!!"
Sabay putok ng confetti kaya nagulat ako ng sobra. "Puta kayo!!!" They surprised me:< I wanted to cry because this is my first time na may mag surprise sakin.

"Thank you..." may namuong luha sa aking mata at unting unti itong dumausdos sa aking pisngi.

"Aww!! Nag cry ang bebe ko!!!" Haliah shouted. And she hugged me.

Lumapit sakin si Vianna and start caressing my cheeks "don't cry Louie!! Naiiyak din ako eh!!" She said.

I wanted to laugh because I saw Lucas. Naka make up na pang clown si tanga HAHAHA "hapi burtdey pu" ani ni Lucas and hugged me.

"I didn't expect this because wala naman talagang nag c-celebrate ng birthday ko."
Pag papaliwanag ko sa kanila.

"Where's your mom?" Haliah asked.

"Work. Simula 5AM aaliss siya at papasok."
Malungkot na sabi ko.

They hugged me again.

Nag ayos nako at pumasok na kaming apat.

Papasok palang kami sa campus ay masasamang tingin agad ang sumalubong samin. Problema nila? Binura ko na...

Dumeretso na kami sa classroom at nag ready for title defense.

"Why did you conduct this study?" Tanong ng isang panelists samin.

"Research needs to be done to gain knowledge of discoveries. As proof  or testing of the truth of existing knowledge."
Pag de-defend ko

We depended our research. "Yey, tapos na!!" Sabi ni Vianna. "Tara gala!! Bday mo naman eh" aya ni Haliah. Tumango nalang kami ni Lucas kasi no choice naman eh.

Nang palabas kami ng classroom ay halos lahat nakatingin sakin at nag bubulungan.

"Siya ba yon? Siya nga" they murmured

Para silang bubuyog!! Hinablot ni Vianna ang phone na hawak ng babae na bumubulong. "Pahiram nga!! Let see..." nanliit ang eyeball ni Vianna sa nakita niya "OMG LOUIE LOOK!!!!!!" Sigaw ni Vianna.

"Ikaw ba to? YOU KISSED JAYCE?!!!" sigaw pa ni Vianna. Tinakpan ko ang bunganga niya agad agad.

Hinablot ni Lucas ang phone upang tignan ito. "What's this Louie? Unang meet up may kiss? Are you insane?!" He shouted me and he's grinding his teeth na para bang mananapak na siya.

"Sorry guys... sasabihin ko naman eh." I pouted. " sorry na..." I keep apologising to them hanggang sa mapatawad na nila ko.

Bumalik kami sa room, and luckily wala ng tao so, solo namin ang room. At nag tanong na sila about doon kagabi.

"What happen ba?!!!" Excited na tanong ni Haliah.

"Ayon hinatid ako tapos bigla akong hinalikan. Malay ko ba don!!" Pag kwento ko

"Ginusto mo naman..." bulong ni Lucas

"Ha? May sinasabi ka ba? Sorry na kasii" sabi ko sa kanila.

"Alam niyo guys tara na sa mall. Lets relax!!" Aya ni Vianna para masira yung ka awkwardness.

Lumabas kami ng room at bigla nalang nag titilian ang mga tao... may demonyo kong nakikita... PUTA MAY DEMONYO!!!

"Hi Little Raggy" he winked. Its Jayce!!!! Ginagawa nito rito and paano niya nalamang dito ko nag aaral?!

Nakita kong umalis na si Lucas at iniwan kaming tatlo. "Lucas wait!!" Sabi ko.

Jayce grabbed my wrist and pinag paalam ako kila Vianna "Pahiram muna ah" sabi niya at hinila ko papunta sa kotse niya. Ngayon ko lang na pansing naka Mercedes-Benz pala siya.

Pinasok niya ko sa kotse at kinausap ako.

"Ano ba?!! Bitawan mo nga ako." Sabi ko.

"Kita mo yung sa social media?" Tanong niya.

"Ano ba yon?! Sabihin mo na kasi daming arte." Mataray kong sabi.

"YUNG KISS IDIOT. We kissed remember?" Sabi niya.

Napaiwas ako ng tingin sa kaniya dahil na f-feel kong namumula na ang mukha ko. Bakit ganto yung lalaki na to?!

"Hey, look at me Louie. This is serious." Seryosong sabi niya

I gulped "o-ohh...? A-ano ba kasi yon?" Kabadong sabi ko

"My mom thought that you're my boyfriend..." sabi niya "and gusto ka niyang makilala..." dagdag niya pa.

I was shocked. "Gago ka ba?! Anong boyfriend eh kahapon nga lang kita nakilala." Inis na sabi ko.

"Yeah I know but you need to help me or else... tr-transfer niya ko sa ibang school." He said.

"Please help me Louie." Pag mamakaawa niya.

Ugh!!! Lagi nalang ako napapasok sa gulo!!!  Lintek na buhay to.

"Ano bang gagawin ko?" Tanong ko

"So pumapayag ka na?" He asked.

"Obviously." I rolled my eyes.

"Just pretend na boyfriend kita."

_______________________________________
_______________________________

:)

Wildest DreamWhere stories live. Discover now