* Louie's POV *
"OMG!!!!!! JAYCE COMMENTED ON YOUR POST!!!!" Tili ni Vianna habang niyuyugyog niya ko. Napatakip ako bigla sa aking mukha habang nag papanic. "What do I do?!!!" Panic na sabi ko. Umupo sa tabi ko si Lucas at sabay sabing "Relax! You're Louie Anthony Gutierrez kaya mo yan!" Habang hinihimas niya ang buhok ko. "Louie you should check it na. Lagot ka talaga ka Jayce!!" Ani ni Haliah.
Binuksan ko ulit ang aking phone at tinignan ang comment ni Jayce.
@Jaycee_pogi commented on your post: who the hell are you?! You should delete this. NOW!
Namutla ako sa nabasa ko. Hala lagot. "Ano sasabihin ko? Sabihin ko na bang prank lang? Hoy!!!" Pangungulit ko sa kanila. Tumunog ulit ang phone ko at agaran ko namang tinignan ito.
@Jaycee_pogi commented on your post: hey liar, accept my request.
At nag notify ang kaniyang request at inaccept ko ito.
@jaycee_pogi messaged you.
"Hoy puta ka!!! He added you Louie!!! And he messaged you pa?! Beh send prayers beh!!! Crush ko yan eh!!!" Nag mamakaawang sabi ni Vianna. Biglang nanuyo ang lalamunan ko sa kaba kaya uminom ako saglit. "Let me handle this, inom ka muna beshy ko." Agaw ni Vianna sa phone ko. At agad naman akong tumayo at kumuha ng water.
Jayce: Who the hell are you? Come on talk to me!
Jayce: Delete it now or else?
Louie: Or else what?
Jayce: or I will... make you suffer!!
Louie: sige d-delete ko, sa isang condition.
Jayce: the hell? Okay fine, ano ba yon?
Louie: let's meet up.
Jayce: thats all? Okay, when and where?
Louie: hmm... how about...sa starbucks? 5PM?
Jayce: okay then, see you.
Rinig na rinig ko ang tawanan ng mga kaibigan ko na para bang mga baliw. Habang ako'y paupo, nakatitig sila sakin at pigil na pigil ang tawa. "Ano meron?" Curious kong tanong. Ayaw nila ko imikin at napahawak nalang sa sintido si Lucas.
Nang bubuksan ko ang cellphone ko biglang kumaripas ng takbo ang tatlo sa kwarto sabay lock. Laking gulat ko ng makita kong kung ano ano pinag cha-chat nila kay Jayce!!!"PUTANGINA NIYO MGA TRAITOR!!!!" Sigaw ko sa kanila. "SORRY LOUIE!! CHANCE MO NA KASI TO PARA MAG KA BEBE ULIT!!!" Sigaw ni Haliah sakin.
Wala nakong magawa kung hindi tanggapin ang pangyayari. Lumala pa lalo problema ko!! Shutanginang kaibigan to, mapapaisip ka kung kaibigan ko ba talaga sila!! Hays.
Nag luto nalang ako ng dinner dahil ayaw talaga nila lumabas. I cooked steak for the dinner well done ang pag kakaluto dahil alam kong di nila gusto ang may dugo dugo pang steak.
"Lumabas na kayo!! Kakain na!!" Sigaw ko sa kanila. Hindi pa rin sila lumalabas kaya sabi ko "alam kong gutom na mga uod niyo sa tyan, pakainin niyo na." Natatawang sabi ko. Binuksan na nilang dahan dahan ang pinto at agad ko naman silang pinag hahampas ng unan. "MGA HAYOP KAYO!! TRAYDOR!!" Inis na sabi ko. Nag si takbo sila papalayo at sabi ni Lucas ay "ARAY!!! Si Haliah ang nag plano nito eh!!!"
After ng kulitan ay napagod din kami at kumain. Habang kumakain na stress ako kung ano susuotin ko sa meet up namin ni Jayce jusko!! "Hmmm!! Perfect talaga luto mo beshy ko! Pwede na talagang mag asawa!!" Sabi ni Vianna. "Si Jayce na mapapangasawa nyan" natatawang sabi ni Haliah at agad ko naman itong hinampas sa braso "ARAY HA!!" sabay himas sa braso niya. Tahimik na kumakain si Lucas, parang problemado. "Hoy kumag!, okay ka lang?" Tanong ko sa kaniya. "Yeah, pero need mo ba talagang kitain yung Jayce na yon?" Ani ni Lucas. Napag isip isip kong masyadong delikado iyon pero mas nakakahiya kung hindi ko kikitain iyon!! Letche kasi tong mga to nag chat pa ng ganon!!
Kinabukasan araw na ng pagkikita namin ni Jayce hindi ako mapakali. Tinulungan ako ng mga kaibigan kong mag ayos. "Ito okay ba? Bagay?" Tanong ko sa kanila. "THIS ONE!!! Cute mo here!" Ani ni Vianna habang ang dalawa naman ay busy sa pag hahanap ng masusuot kong shoes. Nang matapos nakong mag ayos, pinakita ko na sa kanila. "Here, okay lang ba?" They just give me a thumbs up.
I wear a black turtleneck sweater for my top and a black loose pants for my bot. And I have my bag for my things.
"Wish me luck!!! Wahh!!! Lord bless me!!" Sabi ko habang nag s-sign of the cross. "Go Louie!!! Get your man!!!" Pang aasar nila sakin. "I'll give you a ride." Pag pri-prisintang sabi ni Lucas at di ko naman ito tinanggihan. Chee!! Sayang pamasahe.
Chinat ko na si Jayce na papunta na ako sa place na pag m-meet upan namin. After ilang minutes we arrived na sa SB. "Thank you for the ride Lucas!!" Sabi ko. Tumango lang siya at umalis. Pumasok nako sa loob at nag antay.
Ilang oras nakong nag aantay wala pa rin siya!!! Ano siya? Gold? Puta 2 hours nakong nakaupo rito hindi ko na maramdaman puwet ko. At nagulat ako biglang may nag titiliang mga parang baliw na babae sa labas. At nanlaki ang mata ko ng makita ko si Jayce. SI JAYCE BEH!! OO SI JAYCE!! Pogi niya pala sa personal!!! At ayon umiral ang kabadingan ko.
He's wearing a black compression shirt and a grey sweatpants. Mukhang kakagaling lang sa gym.
Nag lakad siya patungo sakin at habang ako'y tulala. He gave me a tissue. "Easy liar, nag lalaway ka naman masyado. Hahaha" pang iinis niya sakin. "I beg your pardon? Me? Mag lalaway sayo? Chee!! Let's end this na. So ano?" Masungit na sabi ko sa kaniya. "I'm already here. Ano ba kailangan mo bakit mo pa ko gustong makita? Gusto mo talaga ko no? Di nako magugulat." Mayabang na sagot niya sakin.Ughh!!! Ang yabang niya!! Speechless ako di ko alam sasabihin ko!! Puro pa flashes!! Ano ba to? Dami naman niyang paparazzi huhu.
"Chee!!, anyways d-delete ko na yung post tulad ng gust-" biglang may bumunggo sakin. Kaasar!!!
"Hi bro!!, iba ka na talaga Jayce!! Akala ko ba di mo kilala yan? Bat ka date mo? Ikaw ha..." sabi ng lalaking sumulpot nalang kung saan. Kaibigan ata nung tukmol na Jayce na to!!
"Zup Kurt, bat andito ka? May babae ka na naman? Gago ka talaga. This is..." Sabi niya at tinataasan ako ng kilay. "Hey Liar, what's your name?" Pangangalabit ni Jayce sakin.
"Ha? A-ano... uhmmm Louie!!! Louie Anthony Gutierrez hehe" kabadong sabi ko dahil ang dami talagang picture nang picture huhuness!!! Kailang. "This is Louie bro, Louie this is Kurt my best friend" pag papakilala niya at agad namang binigay ang kamay nung kaibigan niya sakin for shake hands. Tinanggap ko iyon at sabing "hello" agad din naman itong umalis kasi may pupuntahan at nag usap na ulit kami ni Jayce."So... here buburahin ko na tulad ng gusto mo." Pinakita ko sa kaniya at dinelete ko ito. "Good boy, so anything else?" Tanong niya. "Wala naman na so una nako..." sabi ko. Tumayo nako at lumabas at shutaaaa ang daming paparazzi talaga. Sikat talaga tong si Jayce pero infairness ang pogi!!! Ang tangkad!!
Habang papunta ko sa bus stop biglang umulan!!! Malas naman oh! Wala pakong payong. Tumakbo agad ako papuntang bus stop para makasilong. Malas wala pang bus!!!
"Putcha umaanggi!!" Sabi ko. Tumayo ako at lilipat sana sa kabilang side biglang may humarurut na kotse at nabasa ako!!! "Hoyy!! Letche naman oh!" Naiinis kong sabi. Huminto naman agad ang kotse at unti unting binaba ang windshield nito at nakita kong si Jayce pala nag mamaneho nito!!! Ughh!!! Malass!!! "Ikaw na naman? Malas ka talaga eh no? Sinasadya mo to no?" Pambibintang ko sa kaniya. "What the... HAHAHAHA mukha kang basahan." Pang iinis niya sakin.
Bumaba siya at dahan dahang binuksan ang pinto ng sasakyan niya at sabing "hop in Rag, hatid na kita"
________________________________________
_______________________________:)
YOU ARE READING
Wildest Dream
RomanceMeron ka bang panaginip na parang totoo? Yung tipong ayaw mo ng magising sa panaginip na iyon. Louie Anthony Gutierrez experienced it, kung pwe-pwede lang na di na siya magising at tumira nalang sa panaginip gagawin niya.