KANABATA ISA
"ANO ba ang panaginip?"
Tinatahak namin ang daan pauwi nang bigla iyong itanong ni Arya, kaibigan ko. Nauuna siya nang bahagya sa akin kaya tumigil muna siya para lingunin ako.
Nagtataka akong napatingin sa kaniya. "H-Ha?"
"Lutang lang, sis? Panaginip. Dream in english, duh!" irap niya.
"Tuleg! Alam ko! I mean- anong klaseng tanong 'yan?"
Nagkibit-balikat siya. "Curious lang ako kung anong isasagot mo. You're weird, kaya sure akong weird din perspective mo sa mga weird na bagay." Kumindat pa siya animo'y nanonood sa interesenteng bagay.
Naiinis akong tumingin sa kaniya. I'm not weird!
Panaginip...
"Para sa akin... ito 'yung nabubuo ng utak natin nang hindi natin namamalayan. We have want in life and desire that is impossible to happen in reality, so our brain does it for us," tugon ko.
"See. You're weird," manghang aniya na akala mo may gustong patunayan.
"Anong weird do'n?" singhal ko. It's a common answer na madalas marinig sa paligid for pete's sake!
"Ayan! Kung ibang tao tinanong ko, ang isasagot nila malamang sa 'kin ay 'dream is scenario occuring in person's mind during sleep'."
"Pareho lang 'yon tuleg! Ikaw ang weird!"
"Gaya mo pa 'ko sa 'yo, duh!" maarteng sambit niya.
Hindi ko na siya sinagot. Huminto ako sa paglalakad nang mahalina sa ganda ng kalangitan. Sumandal ako sa barandilya at nagpangalumbaba rito.
"Pero posible namang mangyari sa ibang mundo..." bulong ko pagkatapos ng mahabang minutong pagtanaw sa kalangitaan.
"Huh?" nagtataka niyang tanong. Sumandal siya sa railings kung saan nakapatanong ang siko ko. Patagilid niya akong nilingon.
"We have a desire that impossible to happen here... pero pwedeng mangyari sa ibang mundo," sagot ko.
Kitang-kita ko ang pagtataka sa mukha niya. "Like parrallel universe?"
"Naniniwala ka ro'n?" Mahinang tawa ko.
"I'm asking you, huwag mong ibalik sa 'kin ang tanong!" Irap niya bago iiwas ang tingin sa akin. taray.
"Pipti-pipti. There's a part of me na naniniwalang may isa pang ako sa ibang mundo na nabubuhay kabaligtaran sa buhay na mayro'n ako ngayon... but the other half ay hindi, since wala pa namang scientific research ang nagpapatunay rito."
Binalik niya ang tingin sa akin. Tumango tango siya animo'y sumasang-ayon. "Sabagay. Marami kasing nagkaka interest sa topic na 'yan kaya 'yung iba nakikigaya na lang rin kahit wala namang patunay kung totoo ba o hindi."
"Siguro kapag nakatawid na ako ro'n baka magbago isip ko," dagdag ko. Sinalubong ko ang mata niya bago bahagyang tumawa.
"Kaabnuyan mo! Tara na nga, baka abutan pa tayo ng dilim sa paglalakad!" pag-aaya niya.
Hindi naman ako totally na naniniwala sa parallel universe o kahit sa kabilang buhay lalo na't wala pa namang nagpapatunay nito. Para sa 'kin ay isa lamang itong haka-haka na ginawa ng mga tao sa kanilang isipan para libangin ang kanilang mga paniniwala.
Mayroong pang usapin na kumakalat na sa kabilang mundo naninirahan ang mga taong namayapa na. Nakakatawid daw sila sa harang na pumapagitna sa mundo ng mga buhay at mundo ng mga kaluluwa kaya may nakakakita sa kanila at tinatawag ito ngayong multo.
BINABASA MO ANG
Run After My Nightmare
Teen Fiction"Bakit ako narito sa loob ng aking bangungot?" Si Samara Blair Romero ay isang simpleng estudyante na palaging nangunguna sa klase dahil sa kaniyang pagiging mapagkumpitensya, ngunit nagbago ang lahat pagkatapos mamatay ng kaniyang ama. Nawalan siya...