Kabanata 04

5 1 0
                                    

KABANATA APAT

NAPAHIKAB ako nang makaramdam ng antok. Hindi na mabilang kung nakailang hikab na ako. Kasalukayang nagkaklase sa subject na General Bio. Ito na rin ang huli naming klase ngayong araw.

"Puyat ka ba?" palihim na bulong ni Angela sa tabi ko, takot na mahuli ng aming guro na kasalukuyang may ginuguhit sa pisara.

Hindi ko siya pinansin. Hanggang ngayon ay masama pa rin ang loob ko sa kaniya sa pag-iwan sa akin sa canteen noong lunes.

Ilang beses siya nagsorry sa akin pero palaging may pang-aasar sa dulo kaya lalo akong naiinis sa kaniya dahil hindi naman siya sincere!

Bumalik raw siya pero naabutan niyang nakatayo na sa harap ko ang tatlo kaya hindi na siya tumuloy. Hindi manlang talaga ako tinawag at tuluyang iniwan do'n!

Gusto ko nang umuwi. Hindi ko alam kung bakit bigla ako naging antukin nitong mga nakaraang linggo.

Nanlaki ang mata ko nang biglang may naisip. Hindi kaya buntis ako?

"Can anyone give me one biologist and their contribution?"

Ang pagiging antukin ay isang sign na buntis ang isang babae.

Inisip ko kung kailan ang naging huling dalaw ko. Delay na ako ng isang linggo. Pinilig ko ang ulo sa naisip.

Sinampal ko ang sarili ko para matigil sa kahibangan. Paano ako mabubuntis, e, wala nga kong boyfriend! Tanga, Blair!

"Miss Romero." Gulat akong napabalik ng tingin sa harap nang marinig ang apelyido ko.

"Miss?" takang tanong ko. Bakit ako tinawag?

Nakatingin na rin sa akin halos lahat ng kaklase ko animo'y naghihintay.

"Stand up!" narinig kong may binubulong si Gela sa tabi ko pero hindi ko siya maintindihan dahil nasa harap ang focus ko.

"Can you give one?" tanong ni miss na ikinataka ko. Anong give one? Ano bang tanong?

Sa sobrang pag-iisip ko kanina ay hindi na ako nakasunod sa klase, ni hindi ko nga alam kung anong topic namin ngayon, tanong niya pa kaya!

"Can you repeat the question, miss?" magalang kong wika.

May iilan akong nakitang nagbubulungan sa gilid, ang ilan ay nakangisi pa na animo'y natutuwa sa pinapanood.

"I repeat the question for you, Miss Romero, dahil mukhang wala sa klase ko ang utak mo." Narinig ko ang ilang hagikhikan sa paligid. Napalabi ako, mukhang magiging pulutan ako mamaya nito sa kani-kanilang group chat, ha. "Give you give one biologist and it's contribution?"

Ano raw?

"Umh, a-ano po, a-ah." Hinampas ng malakas ng aming guro ang mesa dahilan para mapatalon ako sa gulat.

"Ayan ang sinasabi ko. Makikinig na nga lang sa klase, hindi pa magawa, Miss Romero." Napayuko na lang ako sa dahil sa hiya. Lahat ng mata nila ay nasa akin.

I don't want this kind of attention. Simula elementary, hinahangahan ako at pinupuri dahil sa husay ko sa klase. And this kind of attention na nakukuha ko ngayon is foreign for me.

Nanliliit ako ngayon. Ang lawak ng paligid pero pakiramdam ko may malalawak na wall na nakapaligid sa akin.

Feeling ko ang tanga ko na sa isip nila.

"Miss ako po!" pagpresenta ni Chantal. Kita ko sa periphiral vision ang agad na pag-irap ni Gela.

"Pabida," mahinang bulong pa nito.

Run After My NightmareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon