Kabanata 03

12 2 0
                                    

KABANATA TATLO

NAPABUNTONG hininga ako bago maglakad papunta sa mga kagrupo ko. Isang linggo na ang lumipas nang magsimula ang klase pero puro groupings na agad ang ginagawa.

"Anong plano?" tanong ng isa sa mga kagrupo kong lalaki na medyo may kalakihan ang katawan nang mabuo na ang pabilog na ginawa namin para makapag-usap sa gagawin.

"Sino muna leader natin?" sabat ng isa. Nakalimutan ko pangalan niya pero tanda ko siya dahil sa makapal niyang make-up.

Isa-isang nagsitinginan sa 'kin ang mga pamilyar na mukha "Hindi ako," mabilis kong tanggi nang mabasa sa mukha nila ang gustong mangyari, "ikaw na lang." Turo ko sa babaeng may makapal na make-up, tutal siya naman nagbukas ng topic tungkol sa leader, edi, siya na lang. "Makikipag cooperate na lang kami."

Nagsitanguan naman sila bilang pag sang-ayon. Hindi naman tumanggi ang tinuro ko, mukhang mas pabor pa sa kaniya ang suhetsyon ko. Hindi na ako nagulat. Ang dali lang naman nila basahin. Tinanong niya dahil interesado siya.

Hindi naman ako takot maging leader. Ayaw ko lang talaga ng responsibility pag dating sa mga ganito. Mas gusto ko kasing buhatin ang sarili ko kaysa magbuhat sa iba. Mas mainam na makipag cooperate na lang kaysa ma-stress sa mga members na hindi tumutulong.

Graduate na ako magbuhat. Gusto ko na lang ngayon maging dumbbell.


"SINABIHAN akong bida-bida nung Chantal, sis!" inis na sambit ni Angela. Lunch time na, pababa na kami ng building para pumunta sa cafeteria.

Kanina pa tapos ang MIL naming subject kung saan sinagawa ang pangkatang gawain pero hanggang ngayon ay ramdam ko pa rin ang inis nitong kasama ko dahil sa sinabi ng isa niyang kagrupo.

"Akala mo naman kung sinong maganda, e, maputi lang naman," pagpapatuloy niya. Muse kasi namin si Chantal na naging kagrupo niya. Bilangan kasi ang naging basehan kanina, at dahil magkatabi kami ay hindi kami naging magkasama sa grupo.

"Akala mo ang laki-laki nang natulong, ganda lang naman ambag." Natatawa na lang ako sa mga sinasabi niya. Matalino si Gela, aktibo rin siya palagi kaya madalas siyang nasasabihan ng pabida.

"Tumigil ka na baka marinig ka," awat ko.

"Dapat lang na marinig niya, aba! Para aware siyang kulay lang ang maganda sa kaniya at hindi mukha!"

Pagdating sa cafeteria ay nakakalat ang mga estudyanteng kumakain, ang iba naman ay nakapila pa sa iba't-ibang mga stall para bumili ng makakain.

Inilibot ko ang paningin para makahap ng bakanteng lamesa.

"Teka lang, sis, puntahan ko lang sila Kath," paalam sa 'kin ni Gela nang makita ang circle of friends niya. Tumango ako sa kaniya bago nagpatuloy sa paghahanap.

Gusto ko rin sanang hanapin sila Noah at Arya pero dahil sa dami ng estudyanteng nakakalat ngayon ay imposibleng makita ko sila, bukod pa ro'n ay wala na akong oras para maghanap pa sa kanila. Nagugutom na 'ko.

"Finding someone?" Nagitla ako nang marinig ang boses na iyon mula sa aking likod.

Liningon ko ito para makita ang isang pamilyar na mukha. Tinagilid ko ang ulo ko, iniisip kung saan ko ba siya nakita.

Parang nakita ko na siya dati pero hindi ko lang maalala kung saan at kailan.

Lumipas ang ilang segundo, hindi ako kumibo, nakatagilid pa rin ang ulo ko, pilit siyang inaalala.

Natauhan ako nang bigla niyang ilahad ang kamay sa harap ko. "I'm Seven."

Aabutin ko na sana ang kamay niya para magpakilala rin nang bigla ko siyang natandaan.

Run After My NightmareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon