Kabanata 05

8 1 1
                                    

KABANATA LIMA

"GISING NA!"

Napadaing ako nang may humila ng kumot ko na nakapulupot sa akin. Muntikan pa akong mahulog sa kama kung hindi lang ako tinulak pabalik sa gitna nitong taong nangbulabog ng araw ko.

Si kuya Briar.

"Tumayo ka na diyan, tanghali na! Sumunod ka na kay nanay sa palengke," aniya habang tinutupi ang kumot kong hinila mula sa akin.

Napatingin ako sa orasan. 6:17am. Seriously?!

Tinignan ko siya nang matalim pero dahil alam kong wala akong laban sa kaniya ay tumayo na lang ako para mag-ayos.

Nakakainis! Ang aga-aga pa. Paanong naging tanghali ang 6 am?! Nabago na ba ang definition ng tanghali?

Weekend ngayon kaya walang pasok. And helping my mother in the market is one of my duty. Hindi na ako umagal dahil iyon na lang ang ambag ko sa kanila sa buhay.

Matagal na kaming may pwesto sa palengke. Simula nang mawala si tatay ay si nanay na ang mag-isang nag-asikaso nito, tumutulong ako tuwing weekends. Si kuya naman ay may trabaho kaya hindi na siya reponsable pag dating dito.

"Saan ka?"

Naglalakad ako ngayon papunta sa sakayan nang may tumigil na sasakyan sa gilid ko at magtanong.

Automatikong lumapad ang ngiti ko nang makita ang fresh na mukha ni Noah.

Ang kaninang hindi magandang gising ko ay biglang gumanda dahil sa kaniya.

"Duty," tugon ko. Nagsilbi namang code iyon sa kaniya at agad na naintidihan na sa palengke ang punta ko.

Kababata ko siya at magkapit-bahay lang kami kaya halos alam niya na rin ang takbo ng buhay ko.

"Sakay na. Idaan na kita ro'n." Hindi na ako umangal nang alukin niya ako. Hindi naman ito ang unang beses na gawin niya iyon pero palagi pa rin akong kinikilig na parang ito ang una.

Kung nagtataka kayo kung ba't nag co-commute pa rin kami papasok kahit na may sasakyan naman si Noah ay sa kadahilanang ayaw niyang gamitin ito at dalhin sa school. Magmumukha raw kasi siyang mayabang sa paningin ng iba.

Si Noah ay hindi kagaya ng ibang anak mayaman, lumaki siya ng simple kahit na angat sila sa buhay. He never underestimate others and neither did his family.

The only thing that is not good about him is that he always thinks about what other people will say to him.

Speaking of sasakyan- naalala ko na naman yung mokong. Kung katulad lang siya ni Noah na hindi nagdadala ng kotse, siguro hindi niya ako nasagasaan that time- eme okay na pala kami kahit na puro pang-aasar lang natanggap ko sa kaniya nakaraan sa park.

"Saan pala punta mo?" tanong ko sa kalagitnaan ng byahe.

"Kay dad. Pinapapunta ako sa cite nila." Tumango ako.

Engineer ang daddy ni Noah at alam kong iyon din ang balak niyang kuning course sa college kaya stem strand ang kinuha niya.

Bata pa lang ay palagi na niyang nababanggit na gusto niyang maging katulad ng daddy niya. Sure na siya agad sa landas na tatahakin niya. Parang ngang nabuhay na lang siya para sundan ang path na nakalaan para sa kaniya.

Samantalang ako...

Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung anong mangyayari sa buhay ko. Hindi ko na alam kung nasa tamang landas ba ako o nakikisabay na lang talaga sa agos.

I always feel envy to those people na alam ang purpose nila sa buhay. Sa ganoong paraan, nakikita nila ang sarili nila kung saan ba sila dapat pumunta.

Pero hindi ako sinuwerte tulad nila. Kabilang ako sa mga taong naliligaw at naguguluhan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 08 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Run After My NightmareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon