Kabanata 02

13 2 0
                                    

KABANATA DALAWA

"BLAIR!"

Hindi pa man kami tuluyang nakakapasok ng gate ay agad na umalingawngaw ang isang pamilyar na sigaw sa akin.

Kasama ko na sina Noah at Arya. Hindi na nila ako hinayaan pumatong pa sa loob ng coffee shop kanina. Nang makita nila ako ay agad silang tumayo at sinalubong ako sa labas saka sumakay papunta rito.

Hindi naman na ako umangal dahil nakakain na ako sa bahay kanina, at malapit na rin kasing mag 10am.

Sisisihin na naman nila ako kapag na-late! They are punctual, naligaw lang ako sa circle.

Liningon ko ang pinagmulan ng pamilyar na sigaw na iyon. Nakita ko ang parang tangang tumatakbong papunta sa akin na si Angela.

"Magkaklase ulit tayo!" sigaw niya sabay yakap sa 'kin, "na-miss kita sobra."

Inis ko siyang tinulak. Ang higpit ng yakap niya, balak 'ata akong patayin ngayon. "Alam ko! Nakita ko name mo sa list, hindi mo na kailangan pang sumigaw!"

"Bakit parang hindi masaya ang beshy ko na 'yan? Nagsasawa ka na ba sa 'kin?" Humarap siya sa akin saka ngumuso na parang bata. "Hindi mo ba ako miss?" Linapit niya ang mukha sa akin na parang hahalikan ako.

Ang clingy!

Inis kong tinulak ang mukha niya palayo. "Sawa na talaga ako sa mukha mo kaya ilayo mo 'yan! Saka anong miss? Magkasama tayong nag-enroll, last last week lang 'yon! Magka-vc din tayo kagabi kaya 'wag kang OA!"

"Kunwari ka pa, hindi ka mabubuhay sa room pag wala ako." Which is half truth.

Hindi ko na siya pinansin kaya humarap siya sa dalawang kasama ko. "Kunin ko na bff ko, ha," paalam niya kila Arya.

Tumango lang si Noah habang si Arya naman ay hindi naitago ang pag-irap na hindi pinalagpas ni Angela. "Oh, baka matanggal eyeball mo niyan, May," panunukso ni Angela sa kaniya na mas lalong nagpainis dito.

Alam na alam niya talaga kung paano sirain ang araw ni Arya, psh! war 'to war!

Ang pinaka ayaw ni Arya ay ang tawagin siya nito sa kaniyang second name na May, kaya nang nalaman ito ni Angela ay hindi na siya nito tinigilan sa pagtawag ng May.

Tuwing nagkakasama nga sila ay kinakabahan ako, pakiramdam ko ay magkakaro'n ng sabong katulad na lang ngayon.

Arya hates rowdy person na katangiang tinataglay ni Angela kaya never silang nagkasundo.

Hindi na rin ako umaasang magkakaayos 'tong dalawa. Hilig kasing mang-inis ni Gela at masyado namang palaban si Arya. She is the definition na ang liit liit pero ayaw magpatalo.

"Ows? Yung pangalan mo nga hindi bagay sa ugali mo, pinakaelaman ko ba?" walang prenong bulas ni Arya. Nakataas pa ang isa niyang kilay.

Nanlaki pareho ang mata namin ni Noah sa gulat.

Sinasabi ko na nga ba!

Hindi kasi talaga mahilig magtimpi 'tong si Arya. Kung anong nasa utak niya ay linalabas niya kahit pa alam niyang makakasakit. Wala siyang pakialam basta malabas niya lang kung anong gusto niya.

Hinila ko na si Angela bago pa magkapikunan, baka makagawa pa kami ng eksena sa gitna pag nagkataon. Ayaw kong pumasok ng guidance sa unang araw ng klase!

Kumaway na ako kay Arya habang hatak-hatak sa kaliwa kong kamay si Gela. Si Noah naman ay nakasunod sa amin, pareho kasi kami ng building.

Umakyat na kami sa building ng STEM. Sa 5th floor pa ang room namin samantalang si Noah naman ay 3rd floor. Mabilis niya kaming linagpasan dahil sa haba na rin ng binti niya.

Run After My NightmareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon