Chapter 50: Celebration Disaster

27 12 0
                                    

Eli's Point of View...

Friday afternoon and I was exhausted for the whole week practicing for our graduation na sa susunod ng friday gaganapin. Kinda excited about it but also nervous.

Inaayos ko lang mga gamit ko ngayon dahil uuwi akong bahay for weekend, nag st-start na ako mag kuha ng gamit dahil malapit na rin mag vacation.

As I finished packing my things ay sininukbit ko na yung bag ko sakin saka ako lumabas ng dorm. I texted Luna na pawui na ako sa village and she just reacted 'ok' to my chat, I guess bukas pa siya uuwi. Ng makarating ako sa gate ng school ay biglang humambalang yung kotse ni Zeb sa harapan ko.

"Saan ka na mag gagala, gabing gabi na?" Tanong niya as he rolled down his windows

"Technically it's 5pm and di ako mag gagala, pauwi na akong village" sagot ko and inopen niya naman yung pinto ng passenger seat niya.

"Hop in, pauwi na rin akong village" sabi niya and di na ako pumalag, mahirap na rin makasakay ng ganitong oras.

"Bat ngayon ka uuwi ng village?" tanong ni Zeb ng makapasok ako sa kotse niya.

"Nag u-uwi lang ako ng ilang gamit, since graduation na next week" sabi ko naman saka nag ayos ng sarili ko.

"Ohh next week na nga pala graduation niyo" I jump in my seat ng may magsalita sa likuran ko, it was Marvin.

"What the fuck" bulong ko, napahawak pa ako sa dibdib ko dahil sa kaba.

"Gulat na gulat" sabi ni Zeb as he drove off.

"Well I didnt know he was at the back" sabi ko naman at natawa naman si Marvin sa likod "Why are you with him pala? Uwi ka rin?" tanong ko kay Marvin and he nodded.

"Nasira kotse ko, di sana ako nakikisakay ngayon" sabi naman ni Marvin saka inopen yung ilaw sa likod, and again may kasama pa sila sa likod kaso tulog, di ko maaninag yung mukha.

"Who that?" tanong ko saka tinuro yung nasa likod.

"A friend, you don't know him" sabi ni Marvin saka sumandal at nag cellphone, umayos na lang rin ako ng upo saka nag labas ng phone, tinext ko naman si Mami na pauwi ako ngayong gabi at nakasakay ako kay Zeb, naeexcite na rin akong sabihin kay Mami na nanalo kami ni Luna.

Hour passed ng maibaba nila ako sa tapat ng bahay namin, I thanked Zeb at nag paalam na rin kay Marvin. Pag pasok ko ng gate nakita ko na yung kotse ni Daddy na nakaparada. Ngayon pa lang huminga na ako ng maluwag bago ako humakbang papunta sa main door namin. Mula dito sa kinatatayuan ko naririnig ko na silang nag tatalo.

When I opened the door ay mas lumakas pa yung hiyawan nila, pumasok na lang ako sa loob and there I saw them shouting at each other, I looked at them and mukhang nagulat pa sila ng makita ako. I wasn't expecting na ganito ang madadatnan ko sa kanila, Excited pa man din ako umuwi dahil sino bang hindi matutuwa, nanalo kami, nanalo ako, least of thing I can do just to make them proud.

"Elijah anak, anong ginawa mo dito" nagulat na tanong ni Mommy, I looked at them blankly saka umkayat ng kwarto, di ko na sinagot ni Mommy saka nag lock ng kwarto.

Pag ka locked ko ng pagka locked ng pinto ay nag away na naman sila, binagsak ko na lang yung dala kong bag saka ko tinapon yung katawan ko sa kama, tinakpan ko naman yung ulo ng unan. Kauuwi ko lang pero gusto ko ng umalis jusko.

Kung hindi lang nag sasara ng school by 8, babalik ako don.

Kinuha ko naman yung laptop sa bag ko saka nag open, nag dadaldalan na sila agad sa gc.

The Dreamers : The First Dream Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon