𝑷𝑹𝑶𝑳𝑶𝑮𝑼𝑬

55 18 0
                                    

Nang imulat ko ang mata ko, nasa loob ako ng isang kwarto, hindi lang to basta kwarto, pamilyar ang bawat pader na nakikita ko. Para ring dinaanan ng bagyo dahil napakalat, madumi, maalikabok at mukhang lumang luma na. Puro sapot ang ding ding, inaanay na kahoy at may mga halaman na ring tumutubo sa loob.

Bumangon na lang ako sa pagkakaupo ko, nakaramdam ako ng kaba at sakit ng ulo, at paghawak ko sa ulo ko ay, malagkit ito kaya napatingin ako sa kamay ko.

"Dugo?" Sabi ko saka muling hinawakan ang ulo ko at dugo nga ito. Bakit? Anong nangyayari at bakit may dugo sa ulo ko?

Paglabas ko ng pintuan ay may babaeng humiklat sakin para tumakbo kami, umiiyak siya habang tangan ng mahigpit ang kamay ko.

"Takbo na Luna! Mahahabol na tayo ni Kevin!" Hiyaw ng babae. Ngayon ay naalala ko na kung sino siya. Eli.

Muli akong napatingin sa kamay niyang hawak ang kamay ko habang hila hila niya ako patakbo, may galos ang kamay niya at may dugo rin gaya ng akin, napatingin naman ako sa likuran naming dalawa. Si Kevin, habang habol habol kami sa pasilyo ng abondonadong bahay bitbit ang kutsilyo.

Parang bawat hakbang namin sa pag takbo namin ay siyang mabagal na pagtakbo ng oras. Na wiwirduhan ako, nananaginip ba ako? Totoo bang nangyayari to?

Nanlilisik ang mga mata ni Kevin habang habol habol kami, namumula ang mata niya at mukha siyang umiiyak. Suot niya'y gray na tshirt pero may mga bahid ng dugo yung damit niya.

"Diretso" sabi ko kay Eli dahil mukhang yun na ang exit ng tinatakbuhan namin at mukha ring wala na kaming lilikuan. Tamang paglagpas namin sa exit na yon ay tinulak ko naman yung pintuan na siya ring na lock at nag tago kami ni Eli sa labas ng bahay at buti na lang ay matataas ng talahib dito.

"Tara na, anjan na si Kevin" bulong ni Eli bago kami muling tumakbo habang nakayuko palayo sa bahay.

Ligtas na ba kami? Dito na ba nag tatapos to?

The Dreamers : The First Dream Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon