CHAPTER FIVE

75 7 0
                                    

 Odessa's POV

Delay ako ng isang buwan kinabahan na ako sa unang pagkakataon lumabas ako ng bahay sinamahan ako ni Mama magpacheck-up sa Ospital hindi ako makapaniwala sa resulta. Buntis ako para akong pinagsakluban ng langit at lupa.

"Mama..."  niyakap ako ni Mama.

"Andito lang kami ng Papa mo at ni Peter diba. Saka walang kasalanan ang batang yan. Apo namin yan ng Papa mo at Panganay mo yan..."

"N-natatakot po ako..."

"Ssshhhh... kasama mo kami Anak hindi ka nag-iisa."

Umuwe kami ni Mama agad akong nag-impake nagdesisyon akong lalayo muna. Wala si Peter nasa Out of town tour sila mas maganda ng umalis ako na wala siya kasi tiyak na malulungkot lang ako. Ayokong akuin niya ang responsibilidad na hindi naman kanya.

Nagpabook na nang ticket si Mama. Pupunta kami sa America kung nasaan si  Papa, gumawa na lamang ako ng sulat para kay Peter saktong bumisita naman ang Mama ni Kuya Zacharry kaya nakisuyo na lamang ako na ibigay kay Peter ang sulat ko.

***

Peter's POV

Excited na akong umuwi dalawang araw ko ding hindi nakita si Dessa hindi na kami nagpahatid pa sa Company Service nagpababa na lamang kami sa kanto ng Lumina Mall pagbaba namin nakakita ako ng nagtitinda ng kwek-kwek.

"Uy saan ka pupunta pare?". tawag ni Arth.

"Pila na kayo sa tricycle bibili lang ako ng kwek-kwek paborito ‘to ni Dessa."  marami akong binili humingi din ako ng dagdag na suka hindi ko na kinuha ang sukli dahil wala daw barya si Manong.  Nagmadali ako sa paglakad dahil kami na ang susunod na sasakay ng tricycle, sa back ride ako pumwesto. Mamaya magkikita na kami uli ni Dessa.

Huminto ang traysikel. Bumaba ako agad at kumatok sa pinto ng bahay nila Dessa pero walang nagbukas ng pinto. Wala ding ilaw ang buong bahay. Tumapat ako sa bintana ni Dessa.

"DESSA! ANDITO NA AKO!"  sigaw ko pero wala man lang sagot medyo kinabahan na ako.

"Pare."  may inabot sa akin si Zach, papel yon na nakatupi napatitig ako sa kanya.

"Kahapon pa daw yan binigay ni Odessa kay Mama para iabot sayo."  bumaba uli ang tingin ko sa nakatuping papel. Mukhang alam ko na to lalo akong kinabahan parang ayoko ng malaman kung ano ang nakasulat kaso galing ‘yon kay Dessa.

Kinuha ko mula sa kamay ni Zach ang papel saka ako umupo sa gilid ng bahay nito marahan kong binuksan ang papel. Dumulas ang Promise Bracelet na ako mismo ang nagsuot sa kanya kinuha ko iyon saka ko binasa ang sinulat niya para sa akin.

Peter

Siguro binabasa mo na ang sulat ko. Sensya na kung umalis ako hindi talaga kita inantay kasi ayokong makitang malungkot ka. Sorry kung iniwan kita... Peter... buntis ako nagbunga ang ginawa  ni Seb.  Alam ko na gusto mo kong panagutan pero unfair yon kasi matatali ka sa isang relasyon na kahit kailan hindi mo ginusto. Saka maraming babae dyan na mas nararapat sa atensyon mo. Hindi gaya ko na hindi kagandahan. Peter salamat sa lahat ng ginawa mo para sa akin. Salamat kasi naging masaya ako sa relasyon nating dalawa na walang label at walang ding brand basta masaya lang tayong dalawa diba... sana kaya kong ibalik ang oras para puro saya na lang. Peter... gusto ko lang sabihin sayo na Mahal kita sobra. Masaya ako sa tuwing kasama kita. Makita lang kita buo na ang araw ko. Alam mo bang pinangarap kitang maging Boyfriend kaya ang saya ko nung tinatrato mo akong parang prinsesa. Sana wag kang magalit sa akin. Sana kapag nagkita uli tayo pansinin mo pa rin ako kahit may Girlfriend kana.
Sorry...

Odessa.

Maingat kong tinupi ang sulat ni Dessa saka ko iyon inilagay sa bulsa ng pantalon ko hawak ko pa din ang Promise Bracelet na binigay ko sa kanya. Yumuko ako saka ko hinayaang tumulo ang mga luha ko.

Just Once My Shy Odessa Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon