CHAPTER ONE

241 8 3
                                    

Odessa's POV

Maaga akong nagising inaabangan ko laso ang crush ko lage siyang dumadaan dito sa street namin dahil kaibigan niya ang kapitbahay ko at araw-araw niya pang sinusundo. Sinisilip ko lang siya mula dito sa maliit na bintana ng kwarto ko at masaya na ako.

Ang cute niya yung tipong hindi nakakasawang titigan kaso kanina sinumpong ako ng pagkamahiyain ko kaya yan wala na nakaalis na ata sila.

Napatingin ako sa Wall clock na nakasabit sa pader ng kwarto ko.   "Hala! Male-late na ako!"  dali-dali akong kumuha ng tuwalya para maligo at baka masaraduhan ako ng Registrar Office Friday pa naman ngayon.

"Odessa. Batang to talaga oh. Ilang beses ko bang dapat sabihin sayo na wag kang nagtatatakbo hindi ka na bata dalaga ka na po."  natatawang sita ni Mama ng makita akong pababa ng hagdan.

"Sorry po. Male-late na po ako sa appointment ko po sa University na papasukan ko."  pumasok ako agad sa banyo saka ako nagmadali sa pagligo.

Patakbo uli akong umakyat papuntang kwarto narinig ko na naman si Mama habang natatawa kakasaway sa akin. Isang white printed t-shirt ang pinili kong isuot. Natinernuhan ko ng black straight cut jeans hindi ako mahilig sa mga hapit sa katawan na damit pakiramdam ko kasi kabastos-bastos ‘yon. Humarap ako sa salamin at nagsuklay ng mahaba at kulot kong buhok.  "Ayan Odessa mukha ka nang tao!" 

Kinuha ko ang bag ko at saka ako lumabas ng kwarto.

"Odessa, Anak mag-almusal ka na muna bago ka umalis maaga pa naman eh."   pinagbigyan ko si Mama kumagat ako ng isang hotdog saka ako uminom ng tubig.

"Busog na po ako. Ma."  natawa na lang si Mama saka ako binigyan ng pera para sa enrollment ko.

***

Lakad-takbo ang ginawa ko alam ko kasing mahaba na naman ang pila sa trisikel at hindi nga ako nagkamali ako na ang pinaka-dulo.

Nilabas ko ang cellphone ko saka ako naglaro ng walang kamatayang Candy Crush! Nasa kalagitnaan na ako ng pagkatalo ko ng may nag salita mula sa likuran ko. Natigilan ako.

"Candy Crush yan. Diba. Naglalaro ka rin pala niyan. Dessa?"   God! si Peter!

Dali-dali kong itinago sa bulsa ng maluwag kong pantalon ang cellphone ko.

Natawa si Peter.

"O bakit mo tinago? Bakit talo na ba?"  tanong pa niya hindi ako makatingin sa kanya ng diretso buti at nakita ko si kuya Zacharry at yung isang lalaki na minsanan ko lang makita sa tapat ng bahay ni Kuya Zacharry.

Humarang si Peter.  "Oi. Dessa ha bakit tinititigan mo si Arth? e andito naman ako."  napanganga ako sa sinabi niya ewan pero ramdam kong nag-init ang mukha ko.

"Hi. Odessa. Saan ang punta mo?"  bati ni kuya Zacharry. Sasagot na sana ako ng magsalita si Peter.

"Baka makikipag date? Ang bata-bata pa date agad. Hayssss...."  umiling-iling pa ito.

"Ha? Date? Talaga Odessa? Ang aga pa ah."  tumingin si kuya Zacharry sa relo niya.  "9:36am palang ah."

Natawa ako.  "Magpapa-enroll po ako. Maaga po kasi ang appointment ko sa University na papasukan ko."  Napansin kong napangiti si Peter, bakit kaya?

"Ah. Kala ko date. Bihis na bihis ka kasi."  natulala ako sa tinuran ni Peter.

Hindi ko alam kung ilang minuto na akong tulala ng marinig ko ang pagtawag sa aki  ni Peter.

"Dessa. Sasabay ka ba sa amin sa trisikel o mag-i-special ka?"

Napatitig ako sa Kulay Brown na Mata ni Peter.  "S-sasabay ako senyo."

Just Once My Shy Odessa Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon