CHAPTER NINE

78 6 2
                                    

Odessa's POV

Nasa banyo na ako para maligo ng maalala kong wala nga pala akong damit. Naku anong isusuot ko paglabas?

May narinig akong mahinang katok.

Lumapit ako sa pinto.  "Bakit Peter?"

"May dala akong damit mo. Ummm noong nakaraan apat na taon kasi nakahiligan ko ang bumili ng mga damit na pambata para sa anak mo saka damit mo na rin kaya meron kang damit nasa Cabinet lahat. Hindi ko nasabi sayo kasi ang sarap ng tulog mo kagabi pagdating ko. Ito ilalagay ko na lang dito sa doorknob akyat muna ako."

"O-okay. Kukunin ko na lang."  rinig ko ang papalayong yabag ni Peter kaya agad kong kinuha ang damit na isinabit niya sa doorknob.

Wow alam pa din niya ang taste ko straight cut jeans at white t-shirts at Teka... Itinaas ko ang mga kapirasong tela wow pati underwear ko alam niya ang size teka hindi pa naman niya ako nakitang hubad ah! O baka hinulaan lang niya.

Paglabas ko ng banyo nakabihis na ako si Peter naman ang pumasok sa loob. Umupo muna ako sa sofa habang inaantay siyang matapis. Naalala ko pa dati na lagi ko lang siyang tinatanaw sa bintana ng kuwarto ko ang sarap balik-balikan ng mga alaalang iyon parang kahapon lang dalagita pa lang ako ngayon meron na akong Anak na napaka-sweet kahit bunga siya ng pagkakamali ng kanyang Ama mananatiling pa rin siyang parte ng pagkatao ko dahil sa kanya kaya nalagpasan ko lahat ng pagsubok kahit hirap na hirap na ako hindi ako sumuko para sa kanya.

Bumukas ang pinto ng banyo kaya agad akong napalingon sa direksyon nito nahiya ako ako ng makita ko ang abs ni Peter— teka abs nga! Wala siyang ibang saplot tanging nakatapis na tuwalya lamang ang pinakatakip sa katawan niya nahiya ako at nagbaba ng tingin.

"Ay sorry nawala sa isip ko. Sandali lang magbibihis lang ako."  saka siya umakyat at pumasok sa kabilang kwarto so doon pala siya natutulog. Saglit lang at bumukas uli ang pinto ng kwarto kaya dali-dali akong bumalik sa sofa baka mabuking pa niyang sinusundan ko siya tiyak na tatawanan niya ako pag nagkataon at nakakahiya iyon!

"Sorry kung natagalan ako kinuha ko pa kasi itong Red bag ni Seven."

"O-okay lang."  hindi ko maiwasang mapatitig sa kanya ang gwapo niya after four long years nag kaedad nga siya pero mas lalo siyang gumagwapo. Bumilis na naman ang tibok ng puso ko heto na naman ang kilig factor namin dati mauit na naman ba ang ‘walang level at lalong walang brand’ naming relasyon kung saka-sakaling maulit man sa paglakataong ito nakahanda na akong sumugal sa nararamdaman mo para sa kanya.

"Dessa. Alin dito ang gusto mong isuot?"

Tinignan ko ang tinutukoy niya. "Wow Peter ang daming sapatos at sandals niyan ah. Kanino yan?"

Tumayo siya at saka ako kinabig palapit sa kaya sa unang pagkakataon sa lumipas na apat na taon naglapat ang mga labi namin. Napapikit ako, iyon ang una kong halik at masaya ako dahil si Peter ang first kiss ko at sinisigurado ko na siya din magsisilbing last kiss ko. Saglit lamang ang halik na iyon pero ramdam ko ang damdaming nakapaloob dun.

"Kanino pa ba o di sayo yung kabilang shoe rack sakin yon yung isang yon sa mga bata yon. Pili ka na para alis na tayo gusto ko ng makasama si Seven. Commute tayo hindi kasi pwedeng tatlo tayo sa Motor baka malaglag kayong mag-ina ko e. Okay lang ba sayo?"

Hindi ko maiwasang kiligin sa tinuran ni Peter tinawag niya kaming mag-ina niya.

"Ha? O-oo naman."  sagot ko habang nagsusuot ng sapatos.

Ako ang unang lumabas ng bahay.

Nilock na ni Peter ang pinto at naglakad na kami papunta sa sakayan ng traysikel ang simple lang niya naka white t shirts lang siya at black walking short na tinernuhan niya ng tsinelas at itim na sumbrero at shades pang disguise daw niya.

Just Once My Shy Odessa Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon