CHAPTER SEVEN

68 7 0
                                    

Odessa's POV

"Mama. Sino pong tumawag? Si Seven po ba?". nanginginig kong tanong ilang oras na kasing nawawala ang anak ko at wala pa kaming Balita.

Umiling si Mama. Hopeless na ako lalo lang akong umiyak wala ding Balita sa lakad ni Oscar.

"Si Peter yung tumawag."  natigilan ako mula sa narinig kay Mama.

"Wag ka na daw mag-alala kasi nasa kanya daw si Seven. Tinawagan siya ng Anak mo."   umiyak na rin si Mama.  "Odessa... sa totoo lang hanga ako kay Peter dati inalagaan ka niya diba. Ngayon ang Anak mo naman. Nakita mo ba ang punto ko?" 

Tumango ako.

"Kahit iniwan mo siya heto pa din siya diba bakit nga pala kayo nag-away ni Seven?"  

Pinunasan ko ang luha ko.  "Nagpropose po kasi kanina si Oscar sa Mall. Nagalit po si Seven bakit ganun Mama halos apat na taon niyang kasama si Oscar pero ni minsan hindi siya nagustuhan ng anak ko. Samantalang si Peter na ilang araw pa lang niyang nakikita grabeh ang saya ni Seven tapos gustong-gusto niyang maging Daddy si Peter kesa kay Oscar. Kaya kanina talagang nagalit siya sa akin Mama..."

"Hindi mo masisisi si Seven kung maghanap siya ng pagmamahal ng isang Ama at gaya mo si Peter rin lang ang gusto ng Apo ko siguro dahil nung nasa tiyan mo pa lang siya ramdam niya kung gaano mo kamahal yung lalaking yon matalinong bata si Seven tiyak kong magkakasundo sila ni Peter."

Tama naman si Mama sa lahat ng sinabi niya si Peter kahit minsan hindi niya ako binigo pero kahit minsan hindi niya ako niligawan man lang basta na lang masaya kami at lage niyang pinaparamdam sa akin na mahalaga ako. Isang relasyon na walang label at wala ding brand basta nag-i-i love you kami sa isa't isa pero walang pormal na ligawan o kahit ano pa. Ayoko nang umasa sa ganong relasyon hindi ako kagandahan gaya ng mga nilink kay Peter sa loob ng apat na taon pero alam ko naman na hindi yon totoo kaso ang sakit-sakit pa din si Peter lang ang pinangarap ko dati pa hanggang ngayon siya pa din…

***

Peter's POV

Maaga akong. Naghanda ng almusal para makakain agad ang instant anak ko. Bacon at itlog saka Sinangag ang niluto ko.

"Wow! You know how to cook Daddy."

Napalingon ako sa maliit na boses na yon. Natawa ako gaya ng Mommy niya kulot din ang buhok niya. Umupo si Seven sa bakanteng upuan saka niya kinuha ang kutsara at tinidor. Wow independent si Baby!

Inihain ko na sa kanya ang mga niluto ko ipinagtimpla ko din siya ng Orange juice. Sarap na sarap ang munti kong Anghel.

"After that you will going to take a bath cause Daddy have a recording today and I will taking you with me. Okay."  nakangiti kong turan sa kanya.

Bumilog ang kanyang mga mata sa tuwa.

"Really! Wow! Thank you po!"  she got up of her seat and hug me wow. Am I going to be a good Dad in the future?

Mabilis na naubos ni Seven ang almusal niya agad siyang nagtungo sa  banyo at naligo buti na lamang at mahilig akong mangolekta ng mga gamit na pambata meron din siyang pink toothbrush na katabi ng tatlong toothbrush. Paglabas niya ng banyo nagdali-dali siya sa kwarto niya. So ako naman ang maliligo. Nakisuyo ako kay Zach kaninang madaling araw na ikuha ako sa bahay ko ng ilang pirasong damit hindi ko kasi maiwan si Seven na mag-isa.

Paglabas ko nakabihis na ako naka tshirt ako ng puti at blue jeans. Nagulat pa ako ng madatnan ko si Seven sa Sala. Nakasuot na siya ng damit nakapants siya at light blue shirt tingin ko ayaw niya ng pink mukhang may lalaki na ako ah!

"Are you done Daddy?"  tanong niya sa akin habang sukbit na niya sa likuran ang bag. Lumapit ako sa kanya para maitali ng maayos ang kanyang sintas.

"Yan. Okay na. Wait for Daddy okay. I'll go check the house before we go."  tumango naman siya. Nauna na sa akin ang dalawa alam kasi nilang may kasama akong bata. Lumabas na kami ng madobol check ko na lahat. Pareho kaming may dalang bag ni Seven.

Just Once My Shy Odessa Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon