Spot the Difference

159 7 1
                                    

Karamihan sa atin naguguluhan sa salitang "Crush", "Gusto", "Mahal". Ako man ay nahirapan ipaliwanag ang pagkakaiba nilang tatlo pero may sarili akong pagkakaintindi sa mga salitang iyan.

*Crush*

Maraming nagsasabi na ito ay isang 'paghanga' lamang. Yung tipong kontento ka nang makita lang siya kahit sa malayuan. May kilig factor pa kapag nakita mo siya at may kasiyahan itong dulot sa iyo.

Para sa'kin, may dalawang klase ng Crush:

Una ay yung mga gwapo/maganda, athletic, campus heartthrob, campus student officers, famous celebrities, etc... Yun bang sa tingin natin ay mahirap abutin kaya hanggang tingin lang tayo.

Pangalawa naman ay yung paghanga dahil sa mabait siya, matulungin, matalino, masayahin, etc... Yun bang hinahangaan mo, hindi lang yung physical appearance niya kundi pati ang kalooban niya. Syempre ito yung klase ng taong, kilala mo, nakakausap mo lagi, nakakasabay kumain. Yung abot-kamay mo lang.

*Gusto*

Wala namang masyadong pagkakaiba ito sa pagkakaroon ng crush sa isang tao. Gusto mo siya dahil sa looks or characteristics niya. Yun bang may dahilan ka kung bakit mo siya nagustuhan.

*Mahal*

Ito yung pakiramdam mo kung saan hindi kumpleto ang araw mo kapag hindi mo siya nakakausap. Yung sobrang espesyal niya sayo pero hindi mo alam kung bakit. Hindi siya maalis sa isip mo tapos bigla mo siyang mamimiss. Gusto mo rin siya laging makasama, at sobrang saya mo sa tuwing nasa tabi mo siya.

At yung pakiramdam na ayaw mo siyang mawala sayo. Sobra ka rin naaapektuhan sa mga kilos niya. Yung tipong kapag masaya siya, masaya ka rin; kapag malungkot, doble ang lungkot na nararamdaman mo. Gusto mo lagi siyang masaya kaya gagawin mo lahat para mapasaya siya. Kapag nagmahal ka, dito mo magagawa yung mga bagay na akala mo hindi mo kaya at dito mo rin matututunan ang salitang 'sakripisyo' (I'll explain more about this on next next update).

Back to the main topic, Love. Marami tayong nababasa na iba't ibang kahulugan nito. Ibig sabihin marami itong eksplanasyon na katumbas. Maraming kahulugan pero iisa lang ang pakiramdam. Yung mahal mo siya pero hindi mo alam ang dahilan.

True Love, "I love you even though..."
Fake Love, "I love you because..."

You see the difference?

Ang totoong nagmamahal, walang dahilan.
Ang kunwaring nagmamahal, may pinanghahawakan.

--

To sum it all up, Ang Crush at Gusto ay halos magkapareho lamang ngunit ang Mahal ay may malaking pagkakaiba sa dalawang ito.

Advice CornerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon