Adjust

328 45 3
                                    

@olivepeppermint

Lahat ng bagay pwedeng makasanayan. Pero syempre hindi ganun kadali yun. It's good news na napunta ka sa higher section dahil ibig sabihin nag iimprove ka. Hindi importante ang mga taong nakapaligid sayo katulad ng mga new classmates mo na walang ginawa kundi magcompete. Iprioritize mo ang sarili mo. Just do everything you need to do inside the classroom; study, participate, and socialize. Kung hindi mo sila kayang bagayan, let yourself to be YOU. Hindi mo kailangan magpanggap para tanggapin nila, maghanap ka ng taong kayang tanggapin ang tunay na ikaw.

Nung 1st year highschool ako, napunta ako sa section 2 kahit mataas ang average ko. Bakit ayaw ko ng section 1? Ang tanging dahilan ko nun ay Ayoko ng pressure/stress. As the school year goes by, naging top 4 ako sa room namin kaya nung nag 2nd year ako, pinilit ako ng mama ko na mag section 1. Naging ganyan ang sitwasyon ko, katulad ng sayo.

Ayoko dun, konti lang din yung mga kaklase ko nung 1st yr. Ang tingin ko dati sa section 1, mga snob, walang ibang alam kundi ang mag aral, weird, ang akala ko din noon puro lang sila competition pagdating sa grades. Pero nagkamali ako, simula 2nd year hanggang 4th year, sila ang nakasama ko at yun ang naging dahilan para mabago ang tingin ko sa kanila. Katulad din pala sila ng ibang estudyante na may kalokohan, kaingayan, at kasayahan. Nagkaroon ako ng maraming kaibigan, hindi lang sa section namin kundi pati na rin sa ibang sections at lower batch sa school namin. Naging confident ako makisalamuha sa tao. Nagkaroon ako ng mga tunay na kaibigan sa section na pinaka ayaw ko noon. Thankful ako sa mama ko dahil pinilit nya ko noon. Wala akong pinagsisihan na napunta ako sa higher section dahil naging masaya ako.

Tandaan mo to. Ang lahat ng bagay na hindi nakasanayan ay sa una lang mahirap dahil sa huli, masasabi mong naging masaya ka rin at hindi mo yun pinagsisihan. Try mo sila kilalanin, malay mo hindi naman pala sila katulad ng inaakala mo. One last thing, study hard at the same time enjoy your elementary/high school life ^_^

--

Sana nakatulong 'to. Salamat sa tiwala ^_^

Advice CornerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon