Pain

258 15 0
                                    

Ikaw lang gumagawa ng problema mo. Madaling mag move on, kung gugustuhin. Pano mo maiiwasan ang masaktan?

Hindi mo maiiwasan yun. Dadating talaga sa buhay natin ang punto kung saan akala mo hindi mo na kakayanin dahil sa sobrang sakit. Pero ang totoo, akala mo lang yun. Kasi ikaw lang ang nag iisip na hindi mo kaya. Ang puso, hinding hindi mo pwedeng turuan pero pwede mo bigyan ng oras.

Hindi kasi ganun kadali iwanan ang masakit na nakaraan lalo na kung masyado itong naging makahulugan sayo.

Itigil mo na yung thought na, meant to be kayo. Kasi lalo ka lang talaga masasaktan. Meant to be kayo pero ano nangyari sa inyo? Ala nganga? Isipin mo na lang na makakahanap ka din ng para sayo. Everyone deserves better. And that person is not good enough for you. Siguro nga para sayo, perfect na siya. Pero para kay God, hindi.

Kung pano magmove on? Think all the negative things about him. Iwasan mong maging emo kasi muka ka lang tanga, TBH! Maybe a little change about yourself can help. Ilabas mo siya sa isip mo. He's not worth your precious time. Bond with your friends. Magfocus sa studies. Makipagsocialize. Magwattpad.

As you can see, maraming dahilan para maging masaya ka. Kaya wag mong hayaan na iisa lang ang maging rason ng kalungkutan mo. Swear! That person is not worth it. Always look at the bright side of life!

Moving on takes time. I won't survive four heartbreaks if I didn't give my heart a time for it. Siguro nga nakakapagod masaktan pero maiiwasan mo bang magmahal kung may dumating para mahalin ka?

Ang sakit na nararanasan mo ngayon, magiging kwento na lang pagdating ng panahon. Wag mong hayaan na may mabuong galit dyan sa puso mo. Maaaring makatulong yan sa pagmove on mo ngayon pero kapag nagkita ulit kayo, mananatili ang bitterness sayo kasi alam mong may natitira pa ring sakit. Forgiveness is one of the keys in moving on.

Believe it or not, may communication pa rin ako with some of my Exs. Pero kapag nag uusap kami, wala na lang sakin kasi move on na e. Tinatawanan ko na nga lang yung mga pag iyak ko dahil sa kanila dati e. Ginagawa ko lang pala na kawawa ang sarili ko.

Tandaan mo na wag na wag mong ipapakita sa kanyang nasasaktan ka o umiiyak ka. Kasi baka hindi bumalik sayo yan dahil mahal ka. Baka bumalik lang yan dahil naaawa siya. Mabuti nang nakikita niyang masaya ka, na pinagsisikapan mong makamove on sa kanya.

It's just a heartbreak, and not the end of the world. So instead of crying, chin up and smile like you've never been hurt before.

Advice CornerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon