Paasa o Umaasa?

662 41 3
                                    

Naranasan niyo na ba ang umasa? Umasa sa isang bagay na akala mo ay ganun lang kadali para mangyari? Sa bagay na mangyayari na sana kaso naudlot pa?

Yung tipong excited ka na at todo porma tapos hindi pala matutuloy ang gala mode?

Sakit kaya nun.

Masakit ang umasa. Pero ano nga ba ang tama?

Walang paasa kung walang umaasa?

o

Walang umaasa kung walang paasa?

Naguluhan ka ba?

Basahin mo ulit! (take your time)

Masayang magmahal, pero hindi sa lahat ng oras. Dahil minsan ito pa ang nagiging dahilan ng iyong kalungkutan.

Masakit para sayo ang mawala sya, pero naisip mo din bang masakit din kahit nasa tabi mo siya?

Kahit alam mong magkalapit lang kayo, parang ang hirap niyang abutin dahil may mahal siyang iba.

Yung tipong kayo ang magkausap pero ang bukambibig niya ay yung babaeng/lalaking mahal at pinapangarap niya. (Muka ba kong diary!?)

Pero may mga bagay na hindi mo maiiwasang makakapagpagulo sa isip at puso mo.

-Katulad ng  maaari niyang kilos o pakikitungo sayo. Magbibigay siya ng motibo, just for nothing. Maybe because you're his/her friend. He/She loves/cares for you because you're friends. (Friendzoned)

-Sasabihin nya sayong gusto ka nya kahit may mahal syang iba. Ano to? Lalalang? (Landi Landi Lang). Tandaan nyo 'to, kahit mahal mo ang isang tao..wag mong kalimutan gawin ang tama. Hindi naman totoo na lahat ng tao nagiging tanga sa tuwing nagmamahal. Kapag nagmahal ka, hindi naman mawawala sayo ang kalayaan mong mamili kung magpapakatanga ka. Choice yun at hindi sakit na bigla na lang tumatama sa tao.

Ano ang tama? Siguro ang kalimutan ang nararamdaman mo para sa kanya. Mahirap pero kung gugustuhin at tutulungan mo ang sarili mo, for sure kakayanin mo.

I'm not saying na, wag ka nang umasa na mamahalin ka rin niya. Kung sa tingin mong may pag-asa, then go. Pero kung mas malinaw pa sa transparent na wala talaga, stop na. Wag ka nang magpaka-martir dahil walang award yan, sayang effort.

-Ayaw ka niyang mawala dahil mahalaga ka sa kanya. I think, ito yung sobra talagang makakapagpagulo sayo. Mahalaga ba dahil kaibigan mo ko? o dahil sa ayaw mo mawalan ng reserba?

"No one deserves to be Second Choice" Isako kita d'yan e.

Kung gusto mo ng maayos na buhay, mabuti kung balewalain mo. Alam niyo naman pareho na may mahal siyang iba, sadyang malandi nga lang talaga. Wag niyo lolokohin ang sarili niyo, kunwari mahal mo siya o kunwari mahal ka niya. Dahil sa umpisa palang alam niyo na kung ano ang totoo. In everything you do, there will always be a consequence.

Pano kung nadevelop siya sayo?

Edi maganda, may picture na kayong dalawa! Chos. Syempre good news yun. Pero wag kang umasa na 100% ikaw lang ang maaaring laman ng puso nya. Hindi kasi madaling kalimutan ang nauna para sa pangalawa.

Madali lang naman makalimot. Hindi mo naman kailangan magkaroon ng amnesia  para makalimutan ang nararamdaman mo para sa kanya. Hindi naman siya mismo ang dapat mong kalimutan e, ang nararamdaman mo LANG!

Isipin mo na lang na isa siyang train sa LRT. Tuwang tuwa ka dahil walang tao sa loob ibig sabihin, hindi mo na kailangan makipagsiksikan. Pero bigla kang nadisappoint kasi hindi pala 'to hihinto sa harap mo at dumaan lang sa istasyon na kinatatayuan mo.

UMASA KA KASI AKALA MO PARA SAYO NA.

Advice CornerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon