Hezekiah's POV
I remembered wanting to strangle her that night. Such thoughts of anger were counted as sin.
But when we met again I couldn't look away at her frowning face, her enigmatic allure was still the same after two years. How could she stay apathetic?
"I'm sorry kung ngayon lang kita nadalaw, Heather," I softly said as I placed the bouquet of Pink Carnations at the top of her tomb. She truly liked these flowers.
Dinama ko ang katahimikan ng paligid at preskong simoy ng hangin bago ako pumikit at umusal ng maikling panalangin para sa kanyang kaluluwa.
As I ended my prayer, I remembered the importance of forgiveness. Isa sa mga katuruan ng Panginoon na kailangang magpatawad nang sa gayon ay mapatawad din tayo ng Diyos.
Madali lang sabihin na magpatawad pero mahirap lalo na kung hindi naman humingi ng tawad ang mga taong nanakit sa atin. But then, I realized that forgiveness is not for those who oppressed us but for freeing ourselves from the weight of bitterness.
My chest felt lighter.
"I didn't feel any anger when I saw her again," sabi ko at iniimahe ko siyang nakikinig sa'kin. "This is a sign, I guess."
"It's time to move forward, Kuya." I imagined her apparition saying that to me because I'm sure that's what she wanted for me too.
It's time to let go of the past and move forward. That's how life is, it keeps moving whether we like it or not, and it's up to us to stay stuck or ride the waves of uncertainty.
I smiled and in my mind I saw my sister waving at me. Saktong palubog ang araw nang umalis ako ng sementeryo at bumalik sa aming lumang bahay.
"Welcome back, Sir Kai—este Father Kai!" salubong sa'kin ni Nana Elma pagpasok ko sa loob ng entrada. Napailing at ngumiti lang ako sa kanya. "Ay sus, hindi pa rin ako sanay na tawagin kang 'Father'!" gusto ko rin sanang sabihin sa kanya na hindi pa rin ako sanay sa mga matatanda na nagmamano sa akin.
"Ako pa rin ang 'Kai' na inalagaan n'yo noon, Nana," sabi ko at kinuha ang kamay niya para magmano rin.
"Nasaan ang mga gamit mo? Hindi ba't umuwi ka rine sa Maynila para magbakasyon?"
"Iniwan ko ho sa headquarters ng Ilaw Foundation," sagot ko naman habang sumusunod sa kanya papuntang kumedor.
Napansin ko na halos walang pinagbago ang luma naming bahay, ang mga antique na gamit ay nangingintab pa rin na tiyak kong mabusisi nilang nililinis.
"At bakit mo roon iniwan? Hindi ka ba mananatili rito?" natigilan ako nang makita siyang pababa sa hagdanan. Napangiti ako lalo at lumapit sa kanya.
"Good evening, 'Ma," nagmano't humalik ako sa pisngi ng aking ina. "I decided to help out there for a while, but tonight I'll stay here."
BINABASA MO ANG
A Numinous Affair (Salvation Series #1)
General FictionIsang pari at doktor ang makikipaglaban sa pwersa ng kadiliman kundi pati na rin sa kanilang lumalagong atraksyon sa isa't isa. Will they be able to resist the temptation and complete their mission or will love be their ultimate downfall? A Numinous...