Chapter four: Cold eyes

66 4 0
                                    

Nikki POV

"R-ry-ryan?"

Yung mukha niya.. poker face pero yung mata niya.. super cold.

"I just want to know kung may tao ba dito." malamig niyang sabi.

Agad kong pinindot ang end call button ko sa phone at pasimpleng tinago sa bulsa ko.

"Y-yeah? M-ma-may t-tao dito." utal utal kong sabi.

Itinago ko sa likod ang kamay ko at minotion ang kamay ko.

Agad namang lumapit ang lima.

"Who are you?!" mataray na sabi ni Mika.

"Im Adrian. Im just checking if this room was CR or.." sabi ni Ryan.

Agad namang nanglaki ang mata nila.

"Adrian as in Adrian Davies aka Ryan?!" sabi ni Minnie

"Yep." malamig na sabi nito at umalis na.

Agad akong napaupo.

Nanlalambot ang mga tuhod ko.

Fckshit.

Hindi naman ako ganito kanina.

Bakit? Bakit napaka lamig nang mata niya? Well.. oo malamig nga naman talaga siya pero bakit.. hindi naman siya ganon sakin?

Nung nasa London pa ako.. Palagi akong nagbibigay nang mga selfie picture ko kaya imposible naman na hindi niya ako matandaan diba?

"Nikki.." sabi ni Mika.

"Wag kang humarap sa kanya na mahina ka, nicks." sabi sakin ni Jam.

"Oo nga! Katulad nung hinarap ko yung EX ko. Sarap nga bugbugin nun eh pero nagpipigil ako. Isa daw yun sa sign na nakapag move on kana." sabi ni Emmy.

"Hindi ako nag mo-move on no! Ako nga tong lumalapit sa kanya, mag mo-move on pa ako?" pilosopo kong sabi sa kanya.

Napaisip naman siya.

"Ayy. Oo nga no." sabi niya.

"Gwapo pala nun, Nikki.. pero napansin niyo ba yung mata niya?" tanong ni Minnie.

"Ha? Hindi eh.. sayang!" sabi ni Mika.

"Super cold nang mata niya nang tignan niya si Nikki. Parang hindi niya ito kilala." patuloy niya.

"WTH!! Bakit ba ganon yung lalaking yun? Baka sa susunod, papahirapan na niyan si Nikki!" sabi ni Xiamara.

"Ang OA mo talaga eh no! Ano to, koreanovela? Teleserye?" tanong ni Minnie.

***

Bumaba na kaming anim at uuwi na kami.

"Bye girls. Take care sa pag uwi ha" sabi ni Mika.

"Yes nanay." sabi ni Xiamara.

Nagkatawanan kami.

"Mika.. aminin mo nga. Bakit kaba galit sa lalaking mayabang na nagsabing may Cancer ka?" tanong ni Minnie.

Agad namang namula ang pisngi ni Mika.

"OH NO!" sigaw niya.

Ay. hindi ko pa pala napaliwanag sa inyo.

Si Mika kasi pag kinikilig or nahihiya, namumula siya as in super red. Hindi naman nagtanong ang mga magulang niya sa mga doctors kasi cute daw si Mika pag ganon.

Nagkahiwa-hiwalay na kaming anim dahil hindi naman kami magkapit-bahay.

Medyo malayo layo na ako kaya medyo walang tao.

6 bad boys and 6 mean girlsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon