Daniel POV
Sht. I hate that woman who slapped me.
Nababaliw na ba siya?
Nagmamadali kaming pumuntang apat sa classroom 4-A.
Buti nalang talaga at nadala sa pakipag usap ang father ko. Hirap pa naman suyuin yun.
Pina introduce na kami nang sarili namin atsaka umupo sa likod.
Paking tape naman to oh. Pinag hiwa-hiwalay talaga kami.
"Class, please give this schedule paper to your seatmates." sabi ni Mrs. Alvares.
Kinuha ko ang papel at ibinigay sa katabi kong babae. Maputi siya aaminin ko.
Paglingon niya sakin para kunin... biglang lumaki ang mata niya.
By the way. Ako nga pala si Daniel Chris Munez na isang rich kid na grabe maka waldas nang pera. Father ko ang may ari nang school na to. Tapos yung uncle ko naman ang may ari nang Greystone College.
Transfer lang kami nang anim dito na si Chad, Macky, Adrian, Francis, and Ade.
"IKAW?!" sigaw niya sakin.
Kung makasigaw naman tong babaeng to.. parang nakakita nang anghel na super gwapo.
"Why?" kalmado kong tanong kahit gusto ko nang dumapa at tumawa.
Nakakatawa kasi yung itsura niya.
Namumula yung mga pisngi as in super red.
Agad niyang hinawakan ang pisngi niya.
"Oh no, oh no." sabi niya at umiwas nang tingin.
Malalalim yung mga hininga niya kaya parang nag alala naman ako. May sakit ba siya?
Baka may... CANCER SIYA?!
"MAY CANCER KA?!" sigaw ko sa kanya.
"H-huh? WALA NO!!" sigaw niya rin.
Biglang tumigil sa pagsusulat si Mrs. Alvares at tumingin samin.
"YOU TWO!! FIRST DAY NA FIRST DAY SUPER INGAY NIYO NA?! GET OUT OR SHUT UP?!" sigaw niya na naglalakihan ang mga ilong.
"Sorry," sabay naming sabi.
Biglang may papel na tumapon sa ulo ko at guess what? MAY BATO PA YUN!!
Pag tingin ko si Chad pala.. super ngisi.
Siya pala si Chad Lee. Isang super hari sa kalokohan. Walang nakakatalo sa kanya sa sayawan. Magaling rin siyang mag drawing.
Agad kong binasa ang papel na super naiirita. Muntik ko na ngang mapunit eh.
'Bagong bully nanaman pre? Patagalin mo naman yan nang mga one week.'
Agad akong napangisi.
***
"WAHAHAHAHAA!!!" tawa nang mga tao.
"Yan ang bagay sayo, pathetic girl!" sigaw ko sa kanya habang ang babaeng ito ay umiiyak na nakayuko.
"W-wa-wala n-na b-ba ba t-talaga t-tayong chance, Chris?" tanong niya sakin na nanginginig.
"Chance?! Kailan kapa natutong maniwala diyan ha?!" sigaw ko sa kanya at binuhusan nanaman siya nang orange juice.
Patuloy parin siya sa pag-iyak.
Nagulat ako nang biglang may humila sa braso niya.
"Hoy ikaw lalaki!!" sigaw ng babae... kanina?
BINABASA MO ANG
6 bad boys and 6 mean girls
Novela JuvenilWala pang maisip si Author eh. Basahin niyo nalang.