Naglabasan na ang lahat. Habang naglalakad si teacher Marie sa corridor, naramdaman niyang may tao sa likod niya ngunit ng lumingon siya. Ang nakita niya ay isang anino sa gilid ng gym. Na-curious siya kaya nilapitan niya ito, unti unti lumalapit na siya sa gym at papalakas ng papalakas ang kabog ng dibdib niya.
"M-may tao ba diyan?"
"Wag ka diyan! Walang tao diyan!"
Napalingon bigla si Miss Marie na may halong takot at kaba. Nakahinga siya ng maluwag nang malaman niya na estudyante ang sumigaw.
"Jerald? Anong ginagawa mo dito? Uwian niyo na di ba?"
"Wala ka na doon!" Sagot ni Jerald habang pababa ng hagdanan.
Bumaba na rin si teacher Marie sa building at napasin niyang walang tao kahit teacher o gwardiya. Napansin niya ang isang tao na nakaupo malapit sa gate, hindi niya ito maaninag dahil madilim na pero agad itong tumayo at lumabas ng school.
Maagang nakauwi si Miss Marie sa bahay niya. Gumawa ng lesson plan at maagang pumunta sa kwarto para magpahinga. Hindi mawala sa isip ni Marie yung aninong nakita niya malapit sa gym.
"Weird place, weird people." Sabi niya sa sarili niya. 9:00 pm nang may nareceived siyang text message.Buzzed..
From: +63927439****
Good evening Miss Marie Gonzales! Tomorrow we have a meeting in conference room.Miss Marie: Okay, may I know who's this?
From: +63927439****
I'm Mr. A.
Kinabukasan, maaga pumasok si Miss Marie para sa meeting. Agad napansin niya na siya lang ang tanging naka uniform sa meeting. Ngumiti siya at bumati.
"Good morning teachers!"
"Good morning miss Marie." Poker face nilang bati sakaniya.
Lahat nakatingin sakanya na parang may gustong sabihin. Nagsimula na ang meeting at dito napag-usapan ang dapat nilang maituro sa first grading. Hinahanap niya si Mr. A pero wala. Kaya sinubukan niyang magtanong sa ibang teacher.
"Ma'am excuse me po, bakit po wala si Mr. A?"
"Bakit mo siya hinahanap?"
"Nagtext po kasi siya saken kagabi."
Napalunok anh guro at nagpaalam na pupunta sa restroom. Nagpatuloy ang meeting hanggang sa natapos at pag labas ng conference room, narinig niya yong pinagtanungan niyang teacher at isa pang teacher na nag-uusap.
"Ma'am Lyn, baka siya na."
"Wag kang maingay baka may makarinig sayo."
Hindi na lang niya ito pinansin dahil baka nga naman hindi siya yung pinaguusapan. Umakyat na siya para sakanyang klase nang may nakasalubong siyang teacher. Halos kasing edad niya ito at bumulong sakanya at hinawakan ang kamay niya.
"I-ikot ang mata, wag kang magtiwala at mag-ingat ka."
Ngumiti ito sakanya at nagpatuloy sa paglalakad. Kinilabutan siya sa sinabi nang babae. Nang makarating siya sa classroom niya ay nandun na ang klase niya at nagkukumpulan silang lahat.
"Good afternoon class!"
"Good morning teacher Marie!"
"Okay you may take your seat."
"Ma'am ano pong gagawin naten ngayon?"
"Sulat muna tapos kwentuhan? Okay ba yun?"
"Yes ma'am"
Habang nagsusulat siya sa board at tahimik na kumokopya ang klase, napansin ni miss Marie ang anino malapit sa bintana ng room. Tinignan niya ito at madalian ding inalis ang tingin. Sa takot niya ay tumigil na siya sa pagsulat at agad nagsalita sa klase niya.
" Class, stop writing. Do you already have class officers? Aside from your president?"
"Meron na ma'am yung dati pa din."
"Ah okay, well 9-6 are you ready for your P.E class tommorow?"
"Hindi pa ma'am eh! Ano po bang P.E naten?" Sabi Carl
"Well, it's all about dance."
"Go kami diyan ma'am! Di ba gay stars?" Sagot ni Lemi ang leader nila.
"Yes! Sissy! Ma'am push na yan bukas!"
"Paano naman kaming Sciwiz?"
"Kaming mga mathwiz?"
"Baket Justine and Shaira? Tuturuan naman tayo ni Ma'am anv arte arte niyo!" Sigaw ni Marquil
"Alam ko pero di kame interesado sumayaw!" Sagot ni Shaira
"Uy Lemi and Shaira mahiya kayo si ma'am nakatingin sainyo!" Pag awat ni Daniel
"Enough with that arguement! Kung ayaw niyo sumayaw di wag!"
"Sorry po ma'am"
Bumilang ang araw at dumating ang buwan ng July. Pero patuloy parin ang pagpapakita ng anino kay Marie. Wednesday, kakatapos lang ng P.E class niya at naiwan siya mag isa sa gym na nagliligpit ng gamit. Sa pagkakataong iyon nalaharap niya ang anino na kinatatakutan niya, face to face. Nakita niya iyon HINDI SIYA ANINO tao siya pero nakatalukbong siya na itim na parang kulto. Sa takot niya ay nagsisisigaw siya at tumakbo papunta sa faculty. Takot na takot at nanginginig siya.
"Teacher Marie baket?!"
"S-sa g-gym may a-anino!"
"Baka guni-guni mo lang yun?"
"No ma'am I saw it. Hindi siya anino! Tao siya pero nakaitim na talukbong!"
Nagtitigan ang dalawang guro na nagpapahinahon kay Marie.
"Kumalma ka muna miss Marie."
Inabutan siya ni Mr. Santos ng tubig para mahimasmasan siya.
BINABASA MO ANG
Where Are You Teacher Marie?
HorrorThis story is all about the search of the Grade 9 students for their missing adviser Miss Marie Gonzales. Will they find their adviser alive? Or it will bring them to fear? Who abduct Miss Marie? Why her? Who's the suspect beyond the killings? Is it...