CHAPTER 6 - (YOU BETTER PRAY HARD)

106 4 0
                                    

Nang huminto ang lahat, tumahimik ang paligid. At nang pababa na sila ng hagdan ay biglang sumulpot ang lalaking nakaitim at may hawak na kutsilyo pero sa pagkakataong yun, dalawa na sila. Sa takot nila, para silang mga statwa na napako sa kinalalagyan nila.


Hanggang may isa sakanila na sumigaw ng...



"TAKBOOO!!!!!!!!!!"


Nagkahiwa-hiwalay silang magkaka-klase, pero naglakas loo bang grupo nila Ronald na bumaba para pahabulin yung dalawang lalaki. Pero laking gulat nila nang hindi sila pinansin nang mga ito.

"Mga tol! Teka! Hindi nila tayo hinahabol!" sigaw ni Romell

"Sandali lang! Wag muna tayong sumugod! Matatalino mga kaklase natin! Hindi yan basta makukuha!" sabi ni Jerald

"Doon! Doon sa punong Malaki! Magtago muna tayo!" suggestion ni Justine F.


Papalapit na sila nang biglang may umagaw ng atensyon ni Jerald. Napalingon siya sa bandang kanan, nahiwagaan siya sa nakita niya kaya kinusot niya ang mga mata nito. At nang maaninag niya sa gitna nang dilim, isang babae pero mukhang namukhaan niya to kaya nilapitan niya. Naghalo ang kilabot at lungkot nang Makita niyang muli ang pumanaw na ate.


"Ate?? A-ate Alyssa?! Ate!!! Sandali lang!!!" sigaw ni Jerald habang sinusundan ang kanyang ate, hanggang sa makarating siya malapit sa canteen. Huminto ang ate niya gayun din siya.

"Ate.. miss na miss na kita!" maluha-luhang pagkasabi niya.

"Iligtas niyo siya."


Pagkatapos nun ay bigla nalang naglaho ang ate niya. Sa hallway, paakyat nang hagdanan ay naisip niya na baka kaya siya dinala doon ng kapatid niya ay dahil may kailangan siyang gawin. Kahit natatakot, ay umakyat parin si Jerald. Nakarating siya sa second floor.


"Psst.... Toledo.." bulong ni Dennis "Halika dito..."

"Pumasok si Jerald sa kwarto, madalim at tahimik ang buong second floor. Hanggang sa may narinig silang yabag ng paa at kalansing ng susi.

"Sssssshhhhh....... Wag kayong maingay......" bulong ni John Dave "may tao..."

Nabasag ang katahimikan ng may umalingawngaw na malalim at nakakatakot na boses.

"Where are you dear students?" mabagal na pagkakasabi. "I'm not going to bite you....." sabay nag evil laugh.


Huminto ang lalaki sa harapan ng pinto, tila sinusuring mabuti ang lugar. Mangiyak-ngiyak sa takot sina Dennis, John Dave, Daniel at Jerald. At nang maramdaman nilang wala nang nakatingin sakanila. Dahan dahan silang gumapang palabas nang room. Tinignan nila ang paligid at wala na yung lalaki.


"Tol wala na yung humahabol satin!" kabadong pagkasabi ni Daniel.

Nagulat silang lahat nang biglang bumulaga sa likod nila yung lalaking nakaitim! Nagsigawan sila.

"Tang@#$%^&!!!!!!!!! Takbooooooo!"

Sa kasamaang palad, naabutan si Dennis ng lalaki kaya napahinto sila para balikan si Dennis.

"Tooooool! Wag niyo ko iwaaaaaaaaan!!" Sigaw ni Dennis habang nagpupumiglas. Sigaw siya ng sigaw hanggang sa tinakpan ang kaniyang bibig.


Tumakbo sila pabalik para iligtas si Dennis. Pinalibutan nila ang lalaking nakaitim para wala itong kawala. Ngunit naalala nila na may kutsilyo na dala ito. Kaya nagisip sila nang ibang paraan. Naalala ni Daniel na sa madidilim na part lang kadalasan nagpapakita yung lalaking nakaitim, kaya agad agad bumaba siya para buksan ang main switch nang building.


"Wait lang mga tol!!!!" karipas na takbo ni Daniel pababa ng hagdanan. Nang makarating siya agad agad iniangat niya ang main switch para pwede nang buksan ang mga ilaw. Muli siyang umakyat para puntahan ang mga kasama. Pero ang naabutan niya ay ang duguang si Dennis! At yung lalaking palapit kina John Dave at Jerald.


"Jerald!!!! Kalabitin mo ang switch!!" habang hawak niya si Dennis

"Dens!!! Lumaban ka!! Matatapos din to!!!!" paga-alala ni Daniel sa kaklase!

"Di ko na kaya pre..." nanghihinang sabi ni Dennis

"Jerald!! Yung switch!!!!!"

Kinakapa ni Jerald ang switch hanggang sa nabuksan niya ito. Akmang sasaksakin na siya nang lalaki nang biglang bumukas ang ilaw. Biglang yumuko ang lalaki at tumakbo. Pinuntahan nila agad si Dennis na naliligo sa sariling dugo.

"Tol! Saglit lang! ilalabas ka namin dito!" sabi ni John Dave

"Pre! Lumaban ka!" Mangiyak-ngiyak na sabi ni Daniel

"Pag sumuko ka dito! Humanda ka saken sa training!!!!" sigaw ni Jerald "Ako nang bahala dito! Buksan niyo lahat ng switch ng ilaw!"


Agad tumakbo ang dalawa para buksan ang ilaw. Pero hindi pa man sila nakakrami nang binubuksan eh biglang bumukas ang ilaw sa buong campus! Kinilabutan sila dahil papaanong nangyari yun eh walang tao malapit sa main switch!


Sa kabilang dako, nagsigawan ang iba pang magkakaklase nang bumukas ang ilaw. Pero parang nabunutan sila nang tinik nang marinig nila si John Dave at Daniel na sumisigaw.


"Labas na kayo! Okay na lahat!!" Paunti unti nagsilabasan ang magkakaklase at kampanteng bumaba ng hagdanan.

"Teka! Kulang tayo!" sigaw ni Andrei "Nasaan si Dennis at Jerald???"

"Oo nga! Asan sila??"

Sa gate, nakita nilang papalabas si Jerald na buhat buhat si Dennis.

"Lumaban ka! Wag kang weak!" sabi ni Jerald

"Pre dumidilim na paningin ko.. iligtas niyo si ma'am." At tuluyang nawalan ng malay si Dennis.

Where Are You Teacher Marie?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon