TBTI 2- "Meet Belgian Chocolate Chua"

69 8 4
                                    

Belgian's POV


"Morning EXO! At ikaw din pala Bangtanie! Hahahaha, ang cute niyo talaga... Haist." kausapin daw ba yung mga ISDA at yung Pusa tsk! Baliw ka na Belgian! Baliw na talaga!


"Bangtanie, wag mong kakainin ang mga EXO ko huh? May pasok na ang Manager ngayon. Baka naman pagdating ko ubos na yung laman ng aquarium." Waaaahhh! Sumagot kang pusa ka!!


"Meow~!" Aish, buti naman.


*sigh*


"Good Kitty! Now, maliligo na si Manager para makapasok sa Hell, uhh I mean sa School. Phew!" buti naman at may nag-regalo sakin ng Pusa para hindi puro yung mga EXO kong isda yung kausap ko. Sana nga lang hindi kainin ni Bangtanie yun.


( _ _ )


"Mmm... Masarap ba ang fresh milk Tanie? Tomo! Masarap nga diba? Aish! Makakain na nga lang!" BRRRRR! Kilabutan ka sa mga ginagawa mo Belgian. Baka mapagkamalan kang may sira pag nagkataon.


At bago ko pala makalimutan.....



Belgian Chocolate Chua, 18 years old, nag-aaral sa Finals High University for the rest of my Elementary and Highschool days. Ngayon College, dun padin. Mahalaga ang Loyalty Title sakin atleast yun hindi ko mapapakawalan. Top 5 naman, hindi sa hindi ako matalino pero sadyang tamad na talaga ako. My degree is HRM or Hotel and Restaurant Management. Gusto ko lang talaga mag-karon ng isang restaurant one day.


Parents huh? Ayuuuuuunnnn!!! Iniwan ako. Nag-ibang bansa para daw sakin. Yun pala planong mang-iwan at humanap ng kanya-kanyang kabit. I'm not being rude to them, bitter lang talaga sa fact na they chose their dreams instead of me. May family na si Mom sa America at si Dad sa France. Sosyal ha? Ako iniwan dito sa Pilipinas, but their financial support is always there for me.


Pero hindi naman yung luxury ang gusto ko, kundi sila mismo! They're my Mom and Dad, I would only feel them when it's New Year. Minsan nga ganito pa ang nangyayari....


"Hello Mom?"


"Anak, hindi ako makakauwi sa Pilipinas ngayong Taon. Madaming trabaho si Mommy, intindihin mo nalang okay?" napa pokerface nalang ako nung narinig ko yun.


"Okay Mom, advance Happy New Year nalang." it hurts so bad in the inside that I wanted to shout at them and slap them with their wrong doings.


"Advance Happy New year din anak, I love you!" atleast she said 'I love you'.


"I love you too, Mom." I was just so lonely that night until Christmas and New Year passed by without their presence beside me.



XxXxXxXxXxXxXxXxXxXx


*FHU, 10:00am*

Torn Between 2 IDIOTS!(Hiatus)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon