TBTI 7- Still Staring

26 5 2
                                    

Belgian's POV

Sunday, sana maituturing ko na yun na rest day.

Ngunit, pero, sapagkat, datapwat, bagkus, at iba pa! Ito ang araw na pupunta ang consultant—este si Ate Ran sa condo ko.

*ding dong*

Muntik pa akong matumba sa sofa ng may mag-doorbell. Halos gumapang ako sa sahig sa sobrang labag ng kalooban ko sa gagawin kong 'to.

"Hi my baby Nate!" May ngiti na mas nakakasilaw pa sa flashlight na bumungad sa akin si Ate Ran. Hindi ko alam kung papapasukin ko siya o sasabihing nagbago na isip ko.

And ofcourse, dahil may hiya pa ako pinapasok ko na si Ate Ran.

"What made you change your smart mind, Nate?" My mind was close that time, gusto kong sabihin.

"Droga, Ate Ran pasensya na talaga. Parang—parang ayoko—" Pinutol niya ang paghe-hesitate ko at sinabing.

"Belgian, I told you to trust yourself. Sa pagkakaalala ko may 'Mind your own business' na kasabihan. And people should do that, inggit sila kasi maganda ka. Kahit anong mangyari wag mo silang papansinin. Trust me, they'll respect you after this." Ate Ran winked at me with a smile. Paano nalang gagawin ko kung wala siya?

Sino nalang magsasabi sa akin na magtiwala ako sa sarili ko?

"Now, magbihis ka na. We're going to the mall!" Tinaas niya ang kamay niya sa ere. Isip bata talaga si Ate Ran kahit kailan. Pero anong sinabi niya?

"MALL!?"

.

"NATE ANO BA YANG SUOT MO!?" Yan agad ang bumungad sa akin pagkalabas ko ng kwarto ko. My ears, my poor ears.

"Ate Ran, di mo kailangan sumigaw. Mahal kita pero minsan ang tinis ng boses mo." I was wearing a black hoody, yung buff tignan, jeans and converse. What's wrong with my attire?

"Nate, mahal din kita pero madalas WALA KANG SENSE OF FASHION! Girl, baka gusto mong magpakababae?" I rolled my eyes. Alam ko naman na wala akong sense of churvalu eklavey na yun. Isinusuka ko ang fashion.

"Okay, so ako na ang pipili for you. Just stay there." Pumasok si Ate Ran sa kwarto ko at wala na akong nagawa kung hindi kausapin si Bangtanie the Persian cat.

"Tanie, asan si Kris!?" Gulat na gulat si Bangtanie sa akin kaya tumakbo ito papuntang kusina.

My gosh! Ang EXO ko unti-unti nababawasan. Ngayon na 11 nalang sila, hindi ko maiwasang malungkot lalo. Alam kong si Kris ang nawala kasi siya lang naman ang goldfish ko na naka-front yung baba.

At dahil dun, walang lunch si Bangtanie sa akin.

"Nate, come here and change." Maka-Duterte kaya si Ate Ran o ano?

Pagpasok ko sa kwarto ko, isang eye sore na pink. PINK! hoody at SHORT shorts na black. You could say na Blackpink in your area ang lagay ko.

"Ate Ran, san mo napulot yan?" Nginuso ko ang kapirasong damit sa kama na parang diring-diri. Tinaasan ako ng kilay ni Ate Ran.

"Saan pa ba, edi sa closet mo! Atleast nga may maisusuot ka palang matino dito. Di mo lang sinusuot!" I eyed the weird clothing and gulped.

"Isuot mo na yan bago pa ako ang mag-suot sayo niyan." Lumabas na si Ate Ran ng kwarto at muntik na akong mag-irritated dance.

I changed my DECENT clothing to this blackpink I don't know.

My legs are showing too much, Nooo!!!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 19, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Torn Between 2 IDIOTS!(Hiatus)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon