"Happy Birthday Belgian!"
Hindi ko inakala.
"Happy Birthday Belgian!"
Sila ang mga tao na nagpatunay sakin na may salitang pamilya.
"Happy Birthday, Happy Birthday!"
Sila ang hindi nag-sawa na alagaan ako at ituring na kapamilya.
"Happy Birthday Belgian!"
"Thankyou po sa lahat ng inihanda niyo para sa debut ko Ate Ran. Salamat po sa inyong lahat!"
Si Ate Raquel at Kuya Bryan ang mga unang tao na hindi ako kailan man sinaktan o iniwanan. Dinagdagan pa nila ang circle of friends ko.
"Atse Belchan! Happy Birchday!" Si Rance Alcantara at si...
"Ate Belch! Ako chin mewon!" at si Ranthea Alcantara. Ang cute nilang mag-kapatid. Pero hindi naman sa kanila iikot ang istoryang ito.
Kundi sakin.....
"Salamat sa pag-dalo! Thankyou po!" tapos na ang munting kasiyahan na naganap sa condo ko.
"Nag-enjoy ka ba Belgian? 18 ka na, at lumalaki kang maganda huh? Sigurado ka bang wala ka pang boyfriend nang lagay nayan?" natawa naman ako sa sinabi ni Kuya Bryan sakin. Boyfriend? Kasintahan? Nobyo? Mahal?
"Wala po talaga Kuya Bry. Imposible po yun mangyari sa mga nakagawian ko sa school. Tanda niyo naman diba?" ngayon siya naman ang natawa.
Sinabi ko lang naman ang totoo. Hindi talaga ako friend ni Social life.
"Baguhin mo naman yun Nate! Sayang ang beauty mo no? Wala ka talagang makakatuluyan niyan sige ka!" ang kaisa-isang tao na tumatawag sakin niyan ay si Ate Ran.
Sila talaga ni Kuya Bryan ang gusto ko magkatuluyan kaya lang, matagal na palang mahal ni Ate Ran si Kuya Prince. Hindi mo naman pwedeng utusan ang puso mo na mag-mahal ng iba ng agad agad.
Hindi mo matatawag na pag-mamahal yun kung madali mo lang ito itatapon at mag-hahanap ng iba.
"Buti naman at tinulungan ako kanina ni Ate Ran sa paglilinis. Kung hindi, mahihirapan talaga ako." isang maliit na selebrasyon lang naman ang ini-regalo sakin ni Ate Ran dahil nga debut ko.
Pero hindi man lang nag-paramdam ang mga magulang ko. Maitatawag ko pa ba silang magulang kung pinabayaan nila ako at sinunod ang mga puso nila?
Mapait pa sa ampalaya ang buhay ko. Well, hindi na ganun ka-bitter dahil may konting twist na nilagay sila Kuya Bry at Ate Ran.

BINABASA MO ANG
Torn Between 2 IDIOTS!(Hiatus)
Fiksi RemajaTahimik..... Yan ang buhay ni Belgian DATI! Pero talagang malupit ang Tadhana para sa kanya. May Past na nga siya at natutunan niya naman ang salitang Past is Past. Pero walang nag-sabi sa kanya na may Present at Future pa. Magulo... Ayan na pala s...