Belgian's POV
Kinabukasan....
"Siguradong si Joanne ang ipanlalaban ng school natin."
"Of course! Bakit naman hindi? Ang dyosa kaya niya."
Madami. Sobrang dami.
Nap-pressure ako.
Bakit kasi ako pa ang gustong maging candidate ng principal na yun?
Wala akong pangalan sa school na'to. I'm a nobody. This is the life I want! I don't like this feeling na nape-pressure. Kahit hindi alam ng lahat na ako ang ipanlalaban sa bwiset na pageant na yan!
"Good morning Nate!" May bigla-bigla nalang na yumakap sa akin sa likod. Napaligiran ako ng sobrang sparkly na mood. Nakakadiri!
"Alrianne..." I said with a sigh. Hindi ko siya tatawaging Aki. I may or may not accept this friendship she's willing to give.
"I told you to call me Aki. Don't be stubborn, Nate." Umiling lang ako sa sinabi niya.
Inakbayan niya nalang ako para makasabay siya sa paglalakad ko, kanina ko pa binibilisan ang lakad ko pero talagang persistent siya.
"Nate tell me... May pinagawa na ba ang mga prof natin? Group reports? Homeworks? Essays?" Katulad ng kanina ay umiling lang ulit ako kay Alrianne. Nadinig ko pa ang pag-'hmph' niya.
"Didn't I told you? Speak. Talk! Don't be shy, at lalong hindi ka pipi. Magsalita ka kung ayaw mong dukutin ko yang dila mo." Nanlaki ang mata ko sa pagbabanta niya.
"Try me, Belgian." Belgian daw. Ngayon seryoso na siya?
"A-ano bang gusto mong sabihin ko?" Umiwas ako ng tingin kay Alrianne. Ang kulit!
"Sabihin mo sa akin kung tama ba yung balitang ikaw ang ipanlalaban sa pageant." Ito talaga yung pinaka pinaka! Nakakagulat na sinabi ni Alrianne. I tried to walk away but she caught up.
"Ano? So ikaw nga? Don't worry maganda ka naman Nate, confidence lang ang kailangan mo." She tapped my shoulder, parang sinasabing 'fighting'.
"Alrianne, I don't think so. Hindi ako confident, wala akong image sa school na'to, kung meron man yun ay ang nab-bully. I was blackmailed by the principal, at tsaka si Joanne naman andyan." I said. Nakakapagod. Mag-salita, I mean.
Alrianne slowly clapped her hands. "Bakit?" I asked. Weird niya talaga.
"Girl! Ang haba nang sinabi mo. I'm so proud of you! And katulad nga ng sabi ko sayo. Don't worry, dahil akong bahala sayo! I won't ever let you be the school target again." Ngumiti siya sa akin ng at kumindat pa. Napailing nalang ako.
Sana nga hindi na ako ma-bully. I never liked the kids in this school. College na'ko at lahat, ayoko nang maging target.
Pumasok ang prof namin, medyo bad mood ang itsura nito. Pinagdadasal ko lang na may ibigay na handouts, kahit masama ang mukha niya.
"Miss Belgian Chocolate Chua, please stand up." Luminga ang tingin ng mga ka-batch namin. Kinabahan ako bigla. Bakit?
Dahan-dahan akong tumayo. "Professor, bakit?" Mahina man ang boses ko ay sapat na para marinig ng guro sa harap.
"Pinapatawag ka ng Principal. You're excused." Muntik na yatang tumirik ang mata ko. My gahd, ano nanaman ba?
Binagalan ko talaga ang lakad papuntang principal's office. Pinagisipan kong mabuti ang magiging desisyon ko.
.
"Hindi po ako pumapayag." Nakayuko kong sabi dito.
"Kahit pa ika-expell mo ito?" Kinuyom ko ang palad ko. May gana pa talaga siyang takutin pa din ako gamit noon.
"Opo. Hindi ko naman nakikitang masama ang tumanggi. Mas madaming magagandang estudyante dito sa FHU kaysa sa akin. Mas sikat, mas malaki ang tsansa na manalo." Please. Please be convinced!
"You dissappoint me Ms. Chua. I expected a better answer from you. At ito lang ang masasabi mo sa akin? Please, what is our school motto?" Hinilot ng principal ang sintido niya. I want to do the same, pero kinuyom ko lang ito lalo.
"Competitiveness is success." This stupid motto. Muntik ko nang itirik ang mata ko habang sinasabi ang mottong yun.
"Alam mo naman pala Ms. Chua. Bakit hindi mo i-apply yan sayo. Lahat ng estudyante dito competitive. Walang nagpapatalo, we never back down easily. Kaya ikaw, pagisipan mo. Bibigyan pa kita ng dalawang araw para mag-desisyon." Tumayo na'ko at nag-bow.
Nasa pinto na ako nang mag-salita pa ang principal. "I'm expecting you to make the right descision." At doon umalis na ako ng Office.
And I'm expecting this school to change it's motto.
.
Lumipas ang oras uwian na. And later that night I found myself talking to Ate Ran.
"Ate Ran, help me change." I hope I won't regret this descision of mine.
XXXXXXXXXXXXXXXXXXXXX
(09/16/17)
Ang botcha kong otor😂 Sorry kung ang short nito. It was on purpose. At di ko alam kung may bumabasa pa nito HAHAHAHAH😂 PAWER!☝

BINABASA MO ANG
Torn Between 2 IDIOTS!(Hiatus)
Ficção AdolescenteTahimik..... Yan ang buhay ni Belgian DATI! Pero talagang malupit ang Tadhana para sa kanya. May Past na nga siya at natutunan niya naman ang salitang Past is Past. Pero walang nag-sabi sa kanya na may Present at Future pa. Magulo... Ayan na pala s...