Chapter 11

10.3K 42 0
                                    

WARNING: R-18, not suitable for minors.

Chapter 11

"Bakit ganyan ang mukha mo, Myreen? Aren't you happy to see me again?" he asked with a wide smirk.

Masama ko siyang tiningnan. I am mad. Really really mad to the point that I wanna punch Viel.

"I will never be happy to see you again. Bakit pa ba kayo bumalik? You ruined my life." galit kong sabi habang nakakuyom ang kamao.

Nangingilid na ang mga luha ko sa galit. Nagbabara na rin ang lalamunan ko. This is what he wanna see.

The weak Myreen and I won't give him any satisfaction.

Gusto kong ipakita sa kanila na hindi na ulit nila ako mapapaikot. I won't be their robot anymore.

"Matapang ka na ngayon? We'll see, Myreen." he smirked.

He tapped my cheeks slightly before he left me here.

Parang nanghina ang mga tuhod ko pagkaalis niya, mabuti na lang at nakahawak ako sa posteng malapit sa akin. Habang nakatungo ako sa natapon na milktea ay kusang nagbagsakan ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.

Kahit anong pahid ko sa luha ko gamit ang isang kamay ay hindi ito nauubos. Hindi ko alam kung ilang oras na akong nandoon hanggang sa bumuhos ang malakas na ulan.

Malalaki ang bawat patak kaya para na akong basang sisiw. Naghahalo ang init ng luha at ang malalamig na patak ng ulan sa aking pisngi.

I am starting to get cold when the rain stop falling on my body. Mayroon ring bumalot sa aking tuwalya.

My tears fell again when I saw Jandrex. Bumilis ang tibok ng puso ko at parang nagdidiriwang sa kasiyahan.

He came back! Bumalik siya! Binalikan niya ako!

My insides are celebrating. Pinipigilan ko lang ngumiti dahil magmumukha akong tanga sa harapan niya.

Malamig pa rin ang mga mata niya pero ramdam ko mayroon siyang pakialam sa akin. Ang balikan niya pa lang ako dito kahit nakita niyang kasama ko Viel kanina ay malaking bagay na sa akin.

"What are you waiting for? Let's go to my car." aniya at inakbayan ako.

Hinapit niya ako palapit sa katawan niya para magkasya kaming dalawa sa payong. Basa na rin ang kaliwang bahagi ng balikat niya dahil hindi naman ganoon kalaking payong ang dala niya. His umbrella is for one big person like him.

On the back of mind, I am wishing that his car is park miles away from where we are. Gusto kong ganito na lang kami kalapit.

He's so warm. Being with his arms feels nostalgic. Ganito kami lagi tuwing umuulan dahil tamad akong magdala ng payong. Hahapitin niya ako palapit sa kanya at mag-eenjoy ako kasi gustong-gusto ko ang amoy niya. He didn't change his scent until now and I unconsciously did what I always do before.

"Stop smelling my neck." he hissed.

Parang natauhan naman ako at sa harap na tumingin.

"S-Sorry." nahihiya kong sabi.

Nasa tapat na pala kami ng sasakyan niya. Tinggal niya ang pagkakaakbay sa akin at binuksan ang front seat.

Napangiti naman ako ng malaki kahit hindi niya nakikita.

Pumasok na ako sa sasakyan niya. Agad na sumalubong sa buong katawan ko ang lamig ng aircon. Mabilis naman si Jandrex nakaikot sa kabila at nakaupo na siya ngayon sa driver's seat.

Awkward silence enveloped his car. Ang malakas na ulan lang sa labas ang tanging maririnig.

"You're freezing to death but you still didn't turn off the aircon." He tsked and turn it off by himself.

Their ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon