CHARLOTTE
“I will never be the same person as you think,” napahinto ako sa aking paglalakad nang marinig ko ang usapan ng dalawang tao sa loob ng opisina ni Sir Aries. “No one cares anymore.” Dagdag pa nito na halata naman talaga sa boses niya ang panlalamig sa kausap. Kung hindi ako nagkakamali, ‘yong jowa niyang si Ma’am Charry ito.
“Aries you can’t do this to me! Are you crazy?! We’re getting married on Sunday!”
Isang malakas na kalangsing ng babasaging bagay ang narinig ko sa loob ng opisina ni Sir Aries. Matinding away talaga ‘to ‘pag nagkataon. Ibang iba siya no’ng nakilala ko sa loob ng eroplano; tahimik, kalmado, at nakangiti na animo’y isang anghel sa langit na pinababa dito sa lupa.
“Do you think you can fool me, Charry? Go to hell! Get out of my office right now! Ayaw kong makita ang pagmumukha mo na gumagala dito sa gusali ko. And once na makita kita na nagkakalat dito sa loob, ako mismo kakaladkad sa iyo palabas ng gusali ko! Now, out!”
Nagulat pa ako nang biglang bumukas ang pintuan ng opisina. Ang sama pa ng tingin sa ‘kin ni Ma‘am Charry. “Out of my way!” Nasa bukana na kasi ako dahil may kailangan akong ibibigay kay Sir Aries. Akala niya naman siguro ikinaganda niya ang pagmamaldita sa akin. Palibsaha hiniwalayan ng bilyonaryong jowa.
Sumilip muna ako sa bukana ng pintuan bago ako kumatok. Medyo kinakabahan ako dahil wala sa mood ang bossing ko ngayon. Baka ako ang mapagbuntungan ng galit nito.I was about to knock when he suddenly spoke.
"Am I not good enough to be loved?" I quietly entered his office. "Ah, yes, by the way. I shouldn't be asking such useless things. I know that they will betray me." Saka siya bumaling sa akin. Nakangiti siya subalit 'yong ngiti niyang iyon ay kakaiba. Ngiting may halong galit.
Nakatayo lang ako sa harapan ng malawak na mesa niya habang 'di inaabalang pansinin ang mga bubog na nagkalat sa sahig. Napalunok ako ng laway nang lumapit siya sa 'kin. Mas malapit. Napatungo ako. Mayamaya ay napansin ko ang kanan kamay nito na may pulang likido na umaagas roon.
"Ma-may sugat ka." Imbes na mailang ay awtomatiko akong kumilos. Kinuha ko ang kamay niya at saka tinignan ang palad—malaki ang hiwa ng sugat.
Nang mahawakan ko ang kamay ni Sir Aries, gulat nalang ako nang bigla niyang hapitin ang bewang ko na dahilan 'di kaagad ko nakawala sa mga bisig niya.
I can't help myself but not to take any moves. I hold my breath. Isang galaw ko lang tapos ko nito ngayon.
Ibang-iba ang pagkatao niya dito ngayon kesa sa una ko siyang nakilala. He's so gentle and kind. Hindi mo masasabi na maging agresibo siya ngayon, not like no'ng nasa loob kami ng eroplano; kalmado, tahimik, at alam mong ligtas ka sa mga kamay niya. But this time, hindi ko talaga masasabi na ligtas ako ngayon sa kanya, kundi baka ikapapahamak ko pa ito.
“Aries hindi na ako makahinga sa sobrang lapit mo,” Loud and clear. Nakawawalan na ng balanse at katinuan ang ginagawa ni Aries ngayon. Anytime pwede akong bumigay. “Can you please let me go?” Hindi niya pinakinggan ang sinabi ko o hiling ko na pakawalan ako sa mga bisig niya. Nagiinit na ang mukha ko dahil ilang pulgada lang ang lapit niya.
“Collapse into me, just this once,” I still stopped myself from giving in to his words. “And I promise you will never have to fall again.” He might think that I can be easily over with his sweet words. I am woman, I have weakness and I am prone to temptation. Humugot ako ng lakas mula sa aking sarili. Hindi pwede ‘yong ganito kaagad, at baka simulan ito ng malaking gulo. Baka biglang bumalik si Charry at makita niya kaming ganito ni Aries, kahihiyan ang makukuha ko.
“Aries stop!” Sa wakas ay nakuha ko rin ang kumawala sa mga bisig niya. Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa subrang takot na baka biglain niya na naman ako. Ilang pulgada lang ang layo niya, alam kong hindi siya nagulat sa ginawa ko dahil alam niya naman sa kanyang sarili na mali ang ginawa niya.
YOU ARE READING
Own By Him (Short Story) ✔️
Storie breviBlurb Takot sumakay ng salipawpaw si Charlotte Villanueva dahil bata palang siya ay nagkaroon na ito ng trauma dahil sa isang matinding trahedya. Ngunit dahil ang lokasyon ng pinag-aplayang trabaho-online nito ay nasa lungsod ng Maynila, habang siya...