Kabanata 2

301 9 0
                                    


CHARLOTTE

"Bilisan mo gurl umuusok na 'yong ilong ni boss sa kakahanap sa iyo!"

"Putragis naman oh! Bakit ako pa talaga ang hinahanap e day off ko ngayon."

Kumalipas na ako ng takbo patungong elevator para puntahan si Aries. Hindi ko talaga alam, na sa dinami-daming empleyado niya ay ako pa talaga ang hahanapin kung saan rest day ko ngayon. Nagtataka ang mga nakakasabay ko loob ng elevator dahil hindi pa maayos ang suot ko; hindi nakatack-in ang white polo long sleeve ko, maging ang buhok ay hindi pa nakatali, at ni lipstick ay hindi pa ako naglagay.

"Shit!" Bulalas ko nang bumukas ang elevator kung saan floor ang opisina ni Aries.

Rinig ko pa ang bulungan ng mga nakasama ko sa elevator bago ako lumabas. Kesyo bakit raw ako um-apply sa kompanya na ito, masama raw talaga ugali ng boss namin, at mainitin ang ulo. Literal na masama ugali niya. Kung 'di ba naman ako ang pinapunta sa opisina niya sa araw ng day off ko.

Hindi naman sa galit ako pero nakakainis lang talaga siya.

"Sir? Day off ko po ngayon, bakit mo ako pinatawag ng wala sa oras?!" Medyo hatala sa boses ko ang pagkainis.

Nakaharap siya sa glass wall kung saan makikita ang buong ka-Maynilaan. Ang dalawang kamay ay nasa loob ng magkabilaang bulsa ng grey nitong slacks. Napabuga nalang aki ng hangin sa kawalan sabay bagsak ng mga balikat.

"I want to see you, masama ba iyon?"

Napatanga ako. Kaagad tumiwid ang mga tindig ko nang sabihin niya ang mga salitang iyon.

Gusto niya akong makita? Bakit?

"Sir Aries Luther—"

Hindi ko natapos ang sasabihin ko nang humarap siya at lumapit sa akin. Walang sabing hinapit niya ang bewang ko saka hinunggaban ng halik sa labi. Halik na hindi ko inaasahan na gagawin niya iyon sa akin. Sa ginawa niyang iyon naramdaman kong nanlambot ang buong kalamanan ko. Ang init ng halik, ang lambot ng mga labi. I want to speak with moans. Pinigilan ko ang aking sarili pero hindi talaga kinaya. Kumawala ang mahinang ungol dahilan para mas  lalo pang dumiin ang halik niya.

I couldn't help my self but to kiss him back. Hindi ko alam bakit tutol ang isipan ko sa sinasabi ng aking puso. Bakit imbes na pigilan ko siya ay pinili kong gustuhon ang mga ginagawa niya sa akin.

"You are written in my bones and etched onto my soul, Charlotte. Kiss me gently and let me feel your soul inside of me."

Ramdam ko ang panggigigil ni Aries sa akin. Mahigpit ang pagkakapisil sa magkabilaang braso ko. Kung para sa kanya ay wala lang ito, perp para sa akin Alam kong mali itong ginagawa ko dahil pumatol kaagad ako sa kanya. Pero bakit nangyari ito? Bakit ang bilis kong bumigay sa kanya kahit pa naman na hindi ko pa siya gaano kakilala. Boss ko siya at empliyado niya lang ako.  Alam ko ang iniisip ngayon ni Aries.

Nahinto lang ang ginagawa namin nang may kumatok mula sa labas ng opisina. Hingal na napatungo ako sa aking mga paa nang pakawalan ni Aries ang mga labi ko. Inayos ko ang aking sarili at akma nang aalus nang pinigilan niya ako.

"A-aries? Kailangan ko nang lumabas—"

"No. You can not go anywhere, Charlotte. We're not done yet."

Magugulat ka nalang talaga. Imbes na sundin ang sinabi niya, lakas loob akong lumabas ng opisina niya. Pagkakataon ko din 'yon kasi may kausap niya—lawyer niya.

Pinapunta niya lang pala ako sa opisina niya para laplapin! Ang kapal talaga nang pagmumukha ng lalaki 'yon. Pero bakit niya ginawa 'yon? Walang pasabi. Simula no'ng umalis ako sa opisina niya, wala ako ni isang tawag o chat/text na natanggap. Ang wierd lang. Dapat hinahanao niya na ako ngayon dahil tinakasan ko siya kanina. Pero bakit niya naman ako hahanapin? E, wala naman kaming label.

"Walang label pero nakipaglaplapan! Landi mo Charlotte." Monologue ko.

Napakamot sa ulo nang wala sa oras. Dumiretso ako sa maliit kong kusina. Sakto lang naman kasi ang lawak ng apartment ko—good for two person pero dahil single tayo, magbunyi. Karamihan na kasamahan ko rito sa apartment ay mga estudyante sa kolehiyo—taga probinsya 'yong iba. Naghanap ako ng pwedeng makakain sa late lunch ko sa mga cabinet. Nakapag-groceries naman na ako noong mga nakaraang linggo, at sigurado aki na meron pa dahil hindi ko kaugalian ang magluto ng ready to cook. Kahit pagod galing sa trabaho, nagawa ko pa rin ipagluto ang sarili ko kahit papaano. Hindi rin healthy 'tong mga nasa cabinet; noddles, can goods, atcetera. In case of emergency lang mga ito, katulad ngayon—tamad na akong ipagluto sarili ko kaya mag ra-ramen nalang.

Habang nagpapakulo ng tubig para sa ramen, nagpa-scroll ako saglit sa social media ko. Walang bago. Puro memes at nakatutuwang mga video's nakikita ko. May post din 'yong nakababata kong kapatid—si Alex. Mabait naman 'tong kapatid ko na ito. Tubong General Santos City kami at dalawa lang kami magkapatid. Wala nang ama—ina meron kaya kailangan kumayog para sa kanila. At sila naman talaga kasi ang dahilan kung bakit nandito ako ngayon nakikipagsapalaran sa Maynila.

Hindi ako madalas nakikipag-usap kay nanay at sa kapatid ko—ayaw ko kasi silang ma-miss nang sobra. Saka nasanay na rin sila sa akin dahil kahit noon nasa probinsya pa ako, hindi ako madalas nakikipag usap sa kanila sa phone o social media. 'Yong love language ko kasi sa kanila ay pinaparamadam ko. Action speaks louder than words nga kasi.

Kakascroll ko nakalimutan ko nang may niluluto ako. Nahinto lang din kakaselpon ko nang may kumatok ng pintuan ko mula sa labas.

"Baka si Ante na iyan." Wika ko. Ang land lady namin at owner na din ng apartment na nirerentahan ko dito sa Pasay.  Cebuana pala siya galing Cebu nakapag-asawa ng Hapon, pero down to earth itong si Ante Elsa.

"Ay dhai mayong hapon, nay diay nangita nimo—lalaki."

"Ho? Kinsa pud diay siya Ante? Da oi nang istorbo pud nimo na pwede naman mo direkta di sa akoa."

"Okay ra oi. Murag but.an man dhai Cha. Si kwan daw siya—si Aries."

Own By Him (Short Story) ✔️Where stories live. Discover now