CHARLOTTE VILLANUEVA
I never realized how strong I was until I had to be during my darkest storm. Proud of myself for making it through the days thought I couldn't and I wanna stay happy no matter what happened, that’s a big goal for me since day one of my life. Ang sarap lang sa pakiramdam sa dami nang pagsubok na nangyari sa buhay ko nalampasan ko iyon lahat bilang isang bread winner sa aming pamilya. Apat na buwan na rin ang nakalipas nang mag-resign ako sa L Clothing Inc. Hindi na talaga ako nakabalik ng Maynila no'n dahil kay Mama—ako ang naging care giver niya. Hindi ako napagod sa kakaalaga kay mama, at wala sa bukabolaryo ko ang pagod. Work from home nalang ako sa ngayon—online seller ng mga damit, at saka nag lagay din ako ng tarpauline sa labas ng bahay namin para sa mga gusto magpa-online appoinment. Nakakaraos din kahit papaano, at pinayagan ko nang mag part-time job 'tong si Alex—matigas talaga kasi ang ulo gustong niya raw makatulong sa akin at kay mama. Pumayag na ako basta ang kondisyon huwag pababayaan ang pag-aaral.
Linggo ng umaga katatapos lang ng mesa sa simbahan. Abala pa si mama sa pakikipagusap sa mga amiga nito, at si Alex naman ay nauna nang umalis may trabaho pa raw kasi siya. Dahil wala naman na akong makausap, nagpaalam muna ako kay mama na pumunta sa isang milk tea shop—init ng panahon.
"Nang, usa gani ka Macha ug Strawberry—large with pearl. Salamat."
"One-fifty tanan Ma'am."
Nag abot ako ng bayad. Hinintay ko matapos saka umalis na kaagad. Nasa dereksyon na ako pabalik kay mama nang biglang may sumalubong sa akin—si Aries. Apat na buwan rin kaming 'di nagkita nang lalaking 'to. Huling tagpo namin ay may nangyari sa amin. Oo, marupok na kyng marupok pero nadala ako at nagpatianod sa kanya. Pagkatapos ng gabing iyon—kinabukasan hindi na siya nagparamdam sa akin. Bigla nalang siya nawala. Ang sabi sa akin ni Kath ay nagung busy raw si Aries nang mga araw na iyon hanggang sa makabalik ako rito sa Gensan. Hindi naging big deal sa akin ang pagkawala niya sa landas ko pero iba 'yong pananabik ko sa kanya noong makalipas ang isang buwan. Hina-hanap hanap siya ng presensya ko kahit alam ko naman na wala nang pag-asa o dahilan para magkita pa kami.
"Aries? Anong ginagawa mo rito?" Mula ulo hanggang dulo ng sapatos nito tinignan ko talaga siya. Wala naman may pinagbago sa kanta kundi mas lalo lang siyang gumwapo.
"I will continue what I started with you," sagot niya sa mahinang boses. Napatingin muna ako sa dereksyon ni mama—kausap pa rin ang mga amiga. "Can I talk to you for a long time?" Aniya na akala mo'y 'di nang-iwan sa ere.
"No! Umalis ka na Aries."
"Why? No."
"Because I say so! Alis!" Taboy ko.
Nilampasan ko na siya. Mabilis ang paglakad ko pabalik kay mama hanggang sa nakita niya kaagad ako. Nakangiti. Kahit kausap niya pa mga amiga nito ay nakisali na rin ako sa kanila.
"Pwede na diay mag minyo ning si Neneng Cha." Ani ng isang amiga ni Mama.
"Naa na kay migo dhai Cha? Pagminyo aron matagaan nimo si Mama nimo ug apo." Sabi naman ng isa.
"Ayaw paglaon dhai, pagminyo intawon." Saad din ng isang ante.
Bakit ba big deal sa kanila ang pag aasawa sa isang babae kung saan patungo na sa trenta ang edad. Dahil ba sa baka mapag-iwanan na ng panahon?
Napangiti nalang ako sa hiya. Pinagsisihan ko na sumali sali pa ako dito sa kanila. Tuloy ako ang napag-usapan.
"Ambot ni sa iyaha wa pamay may plano, panay pa trabaho. Pero kung naa may unta ka nang but.an pud kug pisan sa trabaho pud." Pagwika din ni mama sa kanila.
YOU ARE READING
Own By Him (Short Story) ✔️
KurzgeschichtenBlurb Takot sumakay ng salipawpaw si Charlotte Villanueva dahil bata palang siya ay nagkaroon na ito ng trauma dahil sa isang matinding trahedya. Ngunit dahil ang lokasyon ng pinag-aplayang trabaho-online nito ay nasa lungsod ng Maynila, habang siya...