Kabanata 5
CHARLOTTE"Aries, alam mo naman na ikaw ang tagapagmana ng daddy mo bakit hindi mo seryosohin ang mga obligasyon na binibigay sa iyo? Son, listen to me once. This is your kast chance hijo Aries."
"Alright, give everything to Lucas, then I'll manage the hotel in Gensan and here in Manila—Makati. Mom please not because I'm the eldest in this family ay wala na akong karapatan para mag decide sa sarili ko. Nakapapagod na."
"Aries, you're the eldest in this family. You should take the responsibility. Hinayaan ka namin na umayaw sa pagpapakasal kay Charry tapos aayawan mo rin ang responsibilidad mo sa pamilya natin."
"I didn't say na aayawan ko. Ang sa akin lang naman 'ma huwag ninyo ibigay ni dad sa akin ang lahat—hindi lang ako ang anak ninyo rito—si Lucas pansinin niyo rin!"
Imbes na papasok ng opisina ni Aries ay dumulig na muna ako sa area ng mga katrabaho ko. Ayaw kong mang-istorbo ng usapang pamilya at negosyo.
Psychology said that the most depressed person in family is not the mother nor the father—it's the oldest child. Malayo ang agwat namin sa buhay ni Aries pero ramdam ko ang bigat ng resposibilidad na binibigay sa kanya ng kanyang pamilya. Hindi lang basta responsibilidad kundi halos sa kanya na binigay ang trabaho na dapat ay sa mga magulang niya.
Sa pamilya kasi panganay talaga 'yong may mabigat na obligasyon. Sa iyo lahat iaasa—will mga magulang natin nandiyan din sa likod namin para gabayan tayo pero paano nalang 'yong mga wala ng magulang? O may mga magulang nga pero pabaya naman, or meron nga pero todo tulak naman na dapat ganito, ganyan. Hindi naman sa nilalahat pero kung mapapansin ninyo sa bawat pamilya—panganay ang pinakadepressed sa lahat. Salute to all panganay out there.
Isang oras akong naghintay. Nasa area lang ako ng clothing habang tinitignan ang mga bagong disenyo na gawa ng mga designer. Nakakabilib din sila kasi napakacreative nila. Ayaw ni Aries dito kasi mas gusto niyang i-manage ang hotel at auto shop. Oo nga pala naalala ko may hotel sila sa Gensan, kaya pala noong araw na papunta ako rito sa Maynila ay kasabay ko siya.
"Dhai Cha tawag ka na ni Sir Aries." Lumapit sa akin si Jade—he's my gay friend. Matagal na rin sila nagtatrabaho sa L Clothing Inc. kaya kilala na nila si Aries. Pero ang sabi sa akin kung gaano ako ka-bago rito mas nauna lang siya kunti. Kumbaga bago ako naging empleyado ay siya na nag ma-manage ng L Clothing. No wonder. That time na tinawagan ako ng L Clothing ay siya ang nakausap ko—na akala ko supervisor.
Nang makapasok sa opisina niya tahimik siyang nakaupod sa kanyang single sofa. Magkasalikop ang mga kamay at nakatungo. Nagpakawala ako ng malalim na pagbuntong hininga dahil doon. Mayamaya lang ay umangat ang mukha at diretso ang tingin sa akin. Peke siyang ngumiti na 'di ko naman nagantihan iyon. Ayaw kong lukuhin ang sarili ko na natutuwa sa nangyayari. Humakbang ako papalapit sa kanya saka inabot ang inventory list ng L Clothing Inc.
Nakatayo lang ako sa harapan niya habang siya naman ay blanko ang tingin sa nakabook bind na puting papel.
"Can you smile a little bit?" Sabi niya.
"Ha?" Gulat ko naman na tanong.
Bumalik ang tingin ni Aries sa akin. "Because I'm a happiest person on earth. I feel joy when I see your face, when I am depressed all I have to do is thinking of you and it's puts me in a good mood."
Hindi ako nakapagsalita. Nagawa niya pa akong isipin sa kabilang nang pakikipagsagutan sa kanyang ina.Naupo ako sa mahabang sofa para mas maging komportable ang pag-uusap namin. Sinikap kong ngumiti kahit na napipilitan. For the sake of him para gumaan ang pakiramdam niya ay gagawin ko. There's no reason para hindian ko siya ngayon dahil sa lahat ng tao na nandito ay ako ang nakakaunawa sa kanya. Poor Aries.

YOU ARE READING
Own By Him (Short Story) ✔️
Short StoryBlurb Takot sumakay ng salipawpaw si Charlotte Villanueva dahil bata palang siya ay nagkaroon na ito ng trauma dahil sa isang matinding trahedya. Ngunit dahil ang lokasyon ng pinag-aplayang trabaho-online nito ay nasa lungsod ng Maynila, habang siya...