CHARLOTTEKailangan pa ba magmakaawa para lang layuan tayo? Hindi naman sa nang re-reject ako ng tao. Ayaw ko lang talaga ma-attach ng sobra sa kanila or magkaroon ng responsibilidad. Ihahalintulad ko nalang si Aries Luther. Trabaho lang ang pwede niyang pasukin sa akin o pakialaman huwag 'yong pati ang personal kong buhay ay papakialaman din. 'Yong barrier niya as my boss sumobra—lumampas na sa pagiging boss at lahat ng mga nangyayari sa buhay ko ay pakikialaman niya.
"Bakit pang undas naman 'yang mukha mo dhai Cha? Nasa bar tayo para mag enjoy, hindi para isipin 'yong mga problema. Sinabihan na kita na dapat iwan sa bahay ang problema. Shot puno na!"
"'Yon na nga e. Pero 'yong problema ko nakabuntot talaga sa akin. Ngayon sabihin mo paano ko iiwasan iyan?"
Sinundan ni Kath ang nguso ko. Napatikom bibig nalang siya nang makita si Aries na nasa high chair ng island bar. Kahit side view siya, hawak ang kopita na may alak, at seryoso may iniisip.
"Bakit ba kasi nandito 'yan? Tapos na ang trabaho hanggang dito ba naman sinusundan ka? Part pa rin ba 'yan ng work? Pogi ni boss ha!"
Napabuga nalang ako ng hangin sa kawalan sabay lagok ng alak. Ladies drink. Hindi naman ako malakas sa alak, kumbaga napasubo lang ako na sumama sa mga katrabaho ko tapos hindi ko naman alam na biglang susulpot 'tong si Aries. Walang alam 'tong mga kasama tungkol sa pagitan namin ni Aries. Ang alam lang talaga nila ay napagtitripan lang ako ni Aries sa trabaho. Napansin rin kasi nila iyan—maya't maya ay pinapatawag ako ni Aries sa opisina nito kahit wala naman kailangan sa akin. He just wanted to see me.
Pa'no ako mag-enjoy nito kung meron nakamata sa akin?
"Hey!" Muli napaangat ang mukha ko nang marinig ko ang pamilyar na boses. Si Aries. Wala akong kasama sa table namin ngayon dahil nasa dance floor ang tatlo kong kasamahan.
Napangiti ako. Saktong ngiti. Ngiting aso.
"Hmm... Nandito ka rin pala. Sino kasama mo?"
Alam ko naman na wala siyang kasama, kunwari nalang na 'di ko alam para naman may maitanong ako sa kanya at hindi maging awkward ang pagitan namin dalawa.
Tumango siya sabay tingin sa paligid. Mayamaya ay may sinabi na sa akin.
"Let's talk outside it's too loud here."
Sinangayunan ko ang gusto niyang makausap ako. Lumabas kami ng bar at doon sa sasakyan niya kami nag-usap. Tahimik lang siya—malalim ang iniisip. Noon pa ma'y napapansin ko nang out of nowhere siya minsan o 'di nakikinig sa mga sinasabi mo.
"Ano 'yon?" umpisa ko. "Hanggang dito ba naman sinusundan mo ako." Ngiting aso kong sabi ulit.
Muntik pa akong magulat nang bigla niyang pinailig ang ulo ni sa balikat ko. Saglit ko siyang tinignan—nakapikit na ang malungkot na mga ni Aries. Gusto ko pa sana siyang sawayin subalit wala na akong lakas para magsalita. Napabuga nalang ako ng hangin sa kawalan at hinayaan siya na gawin pahingahan ang aking balikat.
May mabikat na problema siguro ang taong ito kaya siya tahimik ngayon. Pero kung ano man ang mga problema nito, alam kong malalampasan niya rin, katulad din ng ibang tao na dumadaan sa struggle ng buhay.
Ako? Syempre meron din but stay still, bread winner na ako sa aming pamilya kaya bawal sumuko. Magpahinga kapag napagod pero huwag mong tangkain na sumuko sa buhay.
"I just want to hold your hand and talk to you all the time and be around you but can't happen."
"You always talk to me, hold my hand without any hesitation, Aries."
"Did I?"
Mahina akong natawa. Nang silipin ko ulit ang mukha niyang nakailig sa balikat ko ay tulog ito. Nawala ang ngiti ko nang matagal kong pinagmasdan ang mukha niya. Literal na gwapo siya ngunit may malungkot na ngiti sa labi. Para siyang bata na payapang natutulog.
Mga bente minuto din ang tinagal na nakaganun sa posisyon si Aries, nangangalay na ang balikat ko. Mayamaya ay biglang gumaan nang alisin ni Aries ang ulo niya sa balikat ko. Simandig ang ulo sa headboard ng upuan.
"Okay ka na?" kinuha ko ang bottled water na malapit lang sa kambyo ng sasakyan saka binigay ko iyon sa kanya.
"All I want is somebody real," sabi niya sa mahinang boses. "A girl I know that I can trust even If I show my flaws." Saka siya bumaling sa akin na may malungkot na ngiti. Ang mga mata ay namumungay dahil galing ito sa pag-idlip.
Hindi naman kaagad ako nakasagot sa sinabi niya. Perp pakiramdam ko ako 'yong tinutukoy niya. Ayaw ko rin mag assume dahil nasabi ko na rin sa kanya noong nasa apartment ko siya na ayaw ko sa kanya—kahit na gustuhin niya.
Hindi ko namalayan na lumalapit na pala ang mukha ni Aries sa mukha ko. Hawak ang magkabilang pisngi ay pinagmasdan niya nang mabuti iyon na para bang kinakabisado niya ang bawat parte ng aking mukha. Ngimiti siya. Ilang pulgada lang ang lapit ng mga mukha namin, at napapikit nalang ako.
"I need a woman who's always by my side. I need a woman to hold me down for life. Would you love me, Charlotte?"
"If you're in pain please just rest. Whatever the reason, if you're in pain, you're in pain. If things are tough, things are tough. Don't pretend tp be strong Aries."
Naramdaman ko nalang na lumapat ang labi nito sa aking noo. Isang magaan at mainit na halik ang ginawad ni Aries sa noo ko. Hindi ko alam kung bakit naramdaman ko ang malakas na pagtibok ng puso ko na animo'y gusto kumawala.
Tanghali na ako nagising kinabukasan—day off ko. Oo literal na day off ko at himala ni isang tawag o text wala akong may natanggap. Salamat naman at walang may nangungulit sa akin ngayon. Napaupo ako sa paanan ng aking kama at inalala ang nangyari kagabi.
Napailing nalang ako. Napakunot noo ako nang makarinig ako ng ingay mula sa labas ng aking kwarto. Sa pagkakaalala ko kagabi, mag-isa lang akong umuwi. Hinatid ako ni Aries. Niyaya ko pa siya na magkape para mahimasmasan siya subalit auto-decline ang offer.
"Look into my eye you will see what you mean to me. Search my heart, search my soul when you find me there you'll search no more," auto tayo kaagad ako nang marinig ang unfamiliar na boses. Kumakanta—lalaki. Dali-dali akong lumabas ng kwarto at sa gulat ko kamuntik pa ako ma-out of balance dahil sa lalaking nakatayo ngayon sa harapan ko. "Don't tell me it's not worth trying for. You can't tell me it's not worth dying for. You know it's true everything I do, I'll do it for you." Naistatwa nalang ako sa aking kinatatayuan. Mayamaya ay may isang pongpong na ng bulaklak na binigay sa akin si Aries. Imbes na kunin ay tumikod ako sa kanya.
Napakagat labi ako nang mapagtanto ko ang lahat.
"Charlotte? Are you okay?"
Imbes na sagutin siya ay kaagad akong bumalik sa aking kwarto at nag-lock ng pinto. Kinapa ko ang aking dibdib—ang nipis pa ng sando na suot ko, at bakat ang utong doon. Wala akong suot na bra.
YOU ARE READING
Own By Him (Short Story) ✔️
Short StoryBlurb Takot sumakay ng salipawpaw si Charlotte Villanueva dahil bata palang siya ay nagkaroon na ito ng trauma dahil sa isang matinding trahedya. Ngunit dahil ang lokasyon ng pinag-aplayang trabaho-online nito ay nasa lungsod ng Maynila, habang siya...