Taste of Blood (Book II)

30.3K 1.5K 630
                                    

May mga pangyayari sa buhay ko na mahirap ipaliwanag.

Katulad ng pag-init ng pakiramdam kahit na wala naman akong lagnat, pagkauhaw kahit na halos makailang baso na ako ng tubig, pagkatulala sa salamin na parang may hinihintay akong lumabas sa mukha ko. At pangangati ng kanan kong braso kahit na sabi ng doktor ay wala naman daw allergic reaction.

Nababaliw. Malamang na kapag ikinuwento ko sa iba ang mga pangyayaring ito ay aakusahan nila akong may problema sa pag-iisip. Nasa huwisyo pa naman ako at alam ko ang lahat ng nararamdaman ko at kontrolado ko rin ang aking pag-iisip. Hindi ako nababaliw.

Minsan ay nakikita ko ang sariling natutulala sa paglubog araw at lumuluha sa pagsikat nito. Minsan ay may hapdi sa dibdib ko na tila sugat na pahapdi nang pahapdi habang tumatagal. At minsan, nararamdaman ko kung sino ang parating at naaamoy ang mga bagay na ilang metro ang layo sa akin. Tila ang mga pakiramdam ko ay tumatalas.

Ang akala ko ay naramdaman ko ang pinaka nakakakilabot na parte ng mga pagbabago sa buhay ko pero no'ng dumating ang gabing 'yon ay napagtanto kong . . . nag-uumpisa pa lang.

Sa isang gabi na pinaghaharian ng kabilugan ng buwan, naabutan ko ang sarili kong duguan sa gitna ng kagubatan. Hindi dahil naaksidente ako o inatake ng mabangis na hayop, kung hindi dahil . . . may bangkay ng tao sa harapan ko at hawak ko ang kanyang puso.

Itutuloy...

Taste of Blood (Book II)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon