CHAPTER 8

221 5 3
                                    

Nagising ako noong nakaramdam ako ng kiliti sa taenga ko. Inis ko itong tinabig habang nakapikit at sinubsob ang mukha sa unan. Maya maya ay nagpatuloy na naman ito kaya inis akong dumilat at bumungad sa akin ang lalaking nagpipigil ng kaniyang ngiti.

"Finally, you're awake!", tumaas ang isang kilay nito sa akin.

Padabog akong umupo mula sa pagkakahiga. Niyakap ko ang binti ko at yumuko sa tuhod ko, inaantok pa.

"Aga-aga, may peste.", naiiritang bulong ko.

"Get up now.", wika nito.

Inangat ko ang ulo ko at sinamaan ito ng tingin.

"Kung ganito ang laging bubungad sa akin tuwing umaga, mas gugustuhin ko pang hindi nalang gumising.", mahina itong natawa at napailing nalang.

Ako lang ba or madalas na siyang napapangiti ngayon?

"Get yourself ready. You still have work to do.", saad nito at tumayo.

Shit! Oo nga pala. Agad akong bumangon at pumasok sa bathroom. Napahinto ako sa pagpupunas ng buhok ko nang may mapansin sa sarili ko sa malawak na salamin. Agad kong tinignan ang kaliwang kamay ko at nakita ang isang singsing na nakasuot doon.

"Saan galing 'to?", tanong ko sa sarili ko habang tinatanggal ito at pinakatitigan.

There was something engraved inside it.

LUCAS 08-16-20

"Don't tell me this is a wedding ring.", hindi halatang ready sila ah.

Nagmadali akong nagbihis. Sinuot ko ulit 'yung damit na suot ko kahapon noong pumunta rito dahil malinis naman na.

Lumabas ako at nakitang nag-aayos si Lucas ng necktie niya. Tinignan ko ang kamay nito at nakita ang kapares ng singsing na suot ko.

"You put this ring on me?", bumaling ito sa kamay kong may suot na wedding ring. Tumango ito at inangat ang tingin sa akin.

"Always wear that ring.", ani nito at tinapunan ako ng tingin.

"No, I can't. Your employees and other people will see that we have the same ring.... Baka malaman pa nila na ako ang asawa mo na peke.", napairap ako sa hangin. Nagpatuloy pa rin ako sa pagsasalita habang nagsisimula na mag-ayos ng sarili ko.

“I don't know how to explain it to them once they know the truth. They might even think, 'Paano naging sila? Siguro nilandi no'n si Sir'”, I imitated how those 'marites' spoke.

Natawa naman ito sa sinabi ko. Masyado na 'ata siyang masaya sa'kin. Humarap ito sa akin at nagsalita.

“Don't think about what they will say. You know yourself better than they do.”, may point naman siya pero hindi naman maiiwasan ang judgments ng ibang tao.

“Besides, you don't even have to explain it to them.”, I just nodded at what he said and took my things.

“I'm leaving.”, paalam ko dahil dadaan pa ako sa condo ko para magpalit ng corporate attire.

Lumapit ito sa akin at hinalikan ako sa noo. Napapikit naman ako sa ginawa nito. Kailangan ba 'yon?

Nakakawala ka ng angas, pre.

“Take care, hon!”, napatango nalang ako sa kaniya at lumabas na sa kwarto.

Nadaanan ko pa nga si Ma'am Lauren sa sala at sinabing mag-breakfast daw muna ako pero tumanggi ako dahil papasok pa ako. Pagkadaan sa condo ay dumeretso na ako sa kompanya at nagsimula ng magtrabaho.

“Here's your coffee, Sir.”, I said as I put down his coffee.

“I'm moving into your condo tonight. All my stuff is ready. I'll just drop by the house later to pick it up, and then I'll go straight to your place.”, wika nito habang nakatutok ang mata sa laptop.

AT MY LOWEST ( Ongoing )Where stories live. Discover now