CHAPTER 2

250 7 1
                                    

Nasa loob ako ng office ni Mr. Sanford ngayon. Nakaupo ako sa sofa habang nagf-finalize ng mga papers. Nasa harapan ko naman siya habang abala sa ginagawa nito sa laptop niya. Naka-isang linggo na rin pala 'tong bago kong boss dito. Isang linggo na rin ang pagpapahirap niya sa'kin. Hindi na niya ako inubusan ng mga gawain, kahit weekends wala akong pahinga dahil sa kanya.

Earlier, this was not our setup. We were at his office table. It just happened that he was going to show some documents that he had to lay down one by one, so we moved to the sofa and a large glass table that were placed in the side corner of his office.

I stopped what I was doing and took a deep breath. Pumangalumbaba ako sa dalawa kong kamay na pinagtiklop. I pouted my lips and stared at him.

He's a good-looking man, but a serious and meticulous one. He is always focused on his work, and he always visits every department in the company. To be honest, I kinda admire him for being hands-on. Another thing I noticed about him is that he barely talks. He will only speak when he has something to say or something to ask. Also, he doesn't talk if it's not about business or work.

Patuloy lang akong nakatitig sa kaniya habang siya ay seryosong-seryoso nakayuko sa laptop niya at nagtitipa. He stopped and touched her lips with his index finger. He raised his head and looked at me. He stared at me, and his gaze moved down to my lips. He removed the finger that was holding his lips as he looked back into my eyes again. His lips slightly parted, as if he realized something.

Pumikit ito ng mariin at pinilig ang ulo na para bang may naalala na tinatanggal niya sa isip niya. Yumuko ito at humawak sa batok niya. Narinig ko ang mabibigat niyang paghinga.

“Can you stop staring at me?”, napapitlag ako sa pagkakaupo nang magsalita ito. Tumikhim ako at umayos sa pagkakaupo.

Bigla itong tumayo at kinuha ang laptop tsaka iba pa niyang gamit. Naglakad ito papunta sa office table niya. Nilapag niya ang mga gamit niya do'n at umupo sa swivel chair niya.

“You may now go back to your table, Ms. Bernardo.”, he said in a cold voice. What the heck did I do? Did I make him feel uncomfortable? Gusto ko mag-sorry pero natatakot ako.

Agad kong niligpit ang mga gamit ko at nagpaalam. Nagmadali akong lumabas ng opisina niya dahil sa kahihiyan. Bakit ko kasi siya tinitigan? Kahit ako ang titigan ng gano'n, maiilang ako. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko sa sobrang kaba.

Ilang oras na ang nakalipas simula nung nangyari. Sinubukan kong ituon ang atensyon ko sa mga ginagawa ko pero hanggang ngayon hindi ako mapakali. Tumayo ako at dumeretso sa pantry para gumawa ng kape. Lumabas ako pagtapos at dumeretso sa office niya. Kumatok ako at binuksan ito. Nakita ko itong seryosong nakatutok sa ginagawa niya.

Tumikhim ako at nagsalita.

“I made coffee for you, Sir Lucas.”, I said as I put down the coffee on his table.

“I didn't ask you to make coffee.”, he said. Galit ba siya? Anong gagawin ko.

“I just want to apologize for what happened earlier. I didn't mean to make you feel uncomfortable, Sir Lucas.”, I uttered as I looked down on the floor and played with my fingers.

Naramdaman ko itong huminto sa ginagawa niya. Pinagtiklop nito ang dalawang kamay at tumingin sa akin.

“Okay.”, he coldly said. Sinenyasan niya ako gamit ang isang daliri niya na para bang pinapalabas na ako.

Napaawang ang labi ko dahil hindi ko inaasahang ganito ang mangyayari. Yumuko ako at lumabas na sa opisina niya. Padabog akong naglakad papunta sa lamesa ko at umupo.

“Ang sama talaga ng ugali nung lalaking 'yon.”, kausap ko sa sarili ko.

“Okay? Ayon na 'yon. Grabe talaga.”, hindi ako makapaniwala sa pag-uugaling mayroon 'yon. Nag-sorry na nga 'yong tao tapos gan'yan pa siya.

“Ang gwapo nga, ang sama naman ng ugali.”, Kung anong binait ng ama niya, siya namang kabaliktaran niya. Mukhang hindi ko matatagal ang lalaking 'yon. Mukhang hindi na rin ako tatagal sa trabaho ko.

I was about to go back to what I was doing when the intercom rang. I pulled myself and the swivel chair closer to it and answered the call.

“Good day! Thank you for calling the Sanford Company Secretary's office. This is Reign speaking. How may I help you today?”, I politely asked the caller.

Naghintay ako na sumagot ang nasa kabilang linya ngunit nanatiling tahimik ito.

“Hi, are you still there, Ma'am/ Sir?”, I asked again.

Narinig kong tumikhim ang nasa kabilang linya. Napahinto ako at inisip kung siya ba talaga ang nasa kabilang linya.

“Sir Lucas?”, nakakunot ang noo ko habang sinisigurado kung ito ba talaga ang nasa kabilang linya. Kakagaling ko lang sa office niya, ba't naman siya tumawag at hindi nalang sinabi sa'kin.

“Yes.”, malamig nitong tugon. Napairap ako nang malamang siya nga ang nasa kabilang linya. Ano na naman kaya ang kailangan nito.

“Hello, Sir. Do you need anything?”, I asked. Muling natahimik ang nasa kabilang linya. Magtatanong sana ulit ako ng bigla itong magsalita.

“Nothing.”, he said and hang up the call.

“Huh?!”, napakunot ang noo ko. Ano kaya 'yon. Tatawag tapos wala lang. Ano na naman kaya pauso no'n. Ang weird niya ha!

“Huy!”, nagulat ako ng may sumulpot sa harapan ko.

“Louise, papatayin mo ba'ko sa gulat?”, inirapan ko ito na ikinatawa nito.

“Sorry na. Bakit ba gan'yan ang itsura mo.”, She asked curiously and sat down in the chair in front of my desk.

Louise works here as the Head of Marketing Department. She's been my friend since college and also one of the people I trust here. She is compassionate, she is just too noisy.

“Nab-bwisit ako.”, sagot ko at hinarap ang mga folders na magkakapatong sa lamesa ko.

“Bakit naman. Dahil ba sa boss natin?”, bulong nito na para bang may makakarinig sa amin. Tinignan ko ito at nagsalita.

“Teka nga! Ano bang ginagawa mo dito?”, tanong ko.

“Here is the report on all areas of marketing strategies and their implementation.”, Inabot nito ang folder na hawak niya. Tinanggap ko ito at nilagay sa gilid.

“Arat, kain later!”, pag-aaya nito na para bang hindi nakita ang tambak na gawain sa lamesa ko.

“Kita mo 'to?”, tinuro ko ang mga folders at computer sa harapan ko.

“Ang dami ko pang gagawin kaya tigilan mo akong pag-aayain muna.”, ayan na naman siya. Akala naman niya mad-demonyo niya akong kumain sa labas.

“Sus! Masyado mong pinoproblema 'yan.”, eh kung gano'ng klase ba naman ang boss na meron tayo, talagang araw-araw, oras-oras ay magiging problemado ka.

“Sa gwapo ng boss natin, kung ako pa ang secretary niya baka araw araw akong good mood.”, kinikilig na sambit nito. Sinipa ko ito sa ilalim ng lamesa na kinatawa niya.

“Haharot ka na naman, lumayas ka na nga sa harapan ko.”, pangtataboy ko sa kanya.

“Nako, ang bitter mo kase kaya wala ka pa ring jowa hanggang ngayon.”, sabi nito habang tumayo at nagmamadaling naglakad papuntang elevator.

“Hoy, anong connect?”, singhal ko rito. Akala mo siya meron.

“Lambingin mo kase si Sir, baka sakaling lumambot sa'yo.”, pang-aasar nito. Binato ko sa kanya ang hawak kong ballpen na mabilis niyang nailagan. Tatawa-tawa itong pinulot ang ballpen sa sahig at hinagis sa akin pabalik.

“Basta kain later, wait kita ha.”, tumango nalang ako at inirapan ito. Ngumiti pa rin ito ng mas nakakaloko at nagb-bye. Tuluyan na itong pumasok sa loob ng elevator.

Tuwang tuwa ang loka at ako naman ay napipikon lalo sa pang-aasar nito. Kung alam lang talaga niya.

_________________________________________

next chap!

AT MY LOWEST ( Ongoing )Where stories live. Discover now